Rose P.o.V
Weeks passed wala naman masyadong nangyari in the past two weeks, pwera na lang sa puspusang paghahanda sa Inter High Basketball Final's ng Demin University laban sa Ford University.
Dito sa school namin gaganapin ang laban. Kaya sigurado ako na maraming dadayo na estudyante ngayon. Ilang oras na lang ay mag sisimula na ang laro. Hindi parin bumabalik si Anne. Nasan na yun? Kanina ko pa siya hinihintay dito.
All 3 na yung score. Kaya kung sino ang mananalo ngayon ay sila ang mag cha-champion. Kaya panigurado ay maraming manonood ngayon.
"Sorry bess, kung natagalan ako." Hingal na sabi nito.
"Saan kaba ng galing?" Tanong ko
"Kinuha ko yung banner na ginagawa ko para kay babe, so tara na bess."
- Court
"Go babeeee!" Sigaw ni Anne at itinaas nya ang kanyang gawang banner. "Go babeeee kaya mo yan!" Sigaw nito. Wow supportive girlfriend.
Ang init na ng labanan. Seryosong seryoso ang mga manlalaro. Nang makuha ni Neoh ang bola ay agad siyang binantayan ng kalaban kaya naghanap siya kakampeng pwedeng pasahan. Nang makita niya si Ace ay ipinasa niya agad ang bola. Walang hirap na itinira niya ito.
Dumagundong ang court ng FU, walang humpay na hiyawan nang mai-shoot ni Ace sa 3points.
Noon pa man ay si Ace na ang pambato ng FU ang school namen pagdating sa basketball. Kaya naman sikat na sikat siya sa loob at labas ng FU.
Sa sobrang galing niya sa basketball ay pati saken ay naka score sya lol.
Back to the game. Last two minutes na lang dikit na dikit ang score 102FU – 100DU
Sa huli ay FU ang nag wagi sa score na 104 – 102.
Hindi magkamayaw sa tuwa ang mga Fordian's dahil sa pagkapanalo.
"Excuse me, excuse me. Andito ang girlfriend." Sabi ni Anne na nakapalibot kay Neoh.
"Congrats babe, ang galing galing mo talaga!" Bati ni Anne Kay Neoh.
"Congrats Neoh" bati ko sakanya.
"Thank you Rose, thank you baby Anne."
Lahat ng players ng FU ay kino-congrats ko maliban lang kay Ace. Naiinis pa rin ako sa kanya.
Nahagip ng mata ko si Ace at lahat ng babaeng lumalapit sa kanya upang mag papicture ay kanyang ine-entertain. Napalingon ito sakin kaya agad akong umiwas ng tingin.
Pagkatapos ng laban ay nagpaalam na ko kay Anne na uuwi na rin ako dahil medyo hindi maganda ang pakiramdam ko.
Kasalukuyan kaming kumakain ni nanay Helen ng hapunan nang biglang kumirot ang ulo ko.
"Rose anak? Ayos ka lang ba?" Nag aalalang tanong ni nanay.
"Opo ayos lang po ko. Baka dahil sa pagod lang to." Sagot ko na lang.
Pagkatapos namin kumain ay nag pahinga muna ako saglit at nag half bath. Pagkatapos ay umakyat na ako sa kwarto.
Nakakabored talaga dito sa kwarto kaya na isipan kong mag fb muna. I get my laptop at nag bukas ng fb.
Parang lahat ng makikita ko sa newsfeed e puro tungkol don sa pag champion. Agad na nakita ko yung post ni Ace .
Ace Crasmu:
" I won this game for her but she didn't even congratulate me :( "Champion na lahat lahat nag drama pa. Scroll down lang ako ng scroll down at nag log out na ako ng fb.
(AN/ sorry sa mga errors mga bessiwap. Salamat sa pag babasa. See you in next chapter ♥)

YOU ARE READING
Unexpected Love
RandomPaano kung sa maling panahon at sa hindi sinasadyang pangyayari ay magkaroon kayo ng anak ng taong pinakaiinisan mapanindigan niyo kaya ang responsibilidad nyo bilang magulang? Meet Ace Crasmu, 17 years old. Campus crush, a basketball player. And Je...