Hinala
Ace P.o.V
Nang matapos ang laro at kami ang nag champion ay sobra kaming natuwa dahil sa loob ng tatlong taon ay kami parin ang nag champion.
"Ace, pwede pa picture. Ang galing mo kase."
"Kuya ace pa picture."
"Idoll!!"
"Petmalu ka Lodi!"
Ang daming bumabati saken at nag papapicture. So dahil gwapo ako inen- entertain ko silang lahat. Nang pag lingon ko ay napansin kong naka tingin sa akin si Rose? Sakin ba o sa katabi ko? At bigla syang umiwas ng tingin. Akala ko ay babatiin niya ko pero hindi. Sad :(
*sigh *
" Bro, congrats ang galing mo ha! Baka ikaw nanaman ang MVP ngayon year." Sabi ng ka team mate ko.
"Thanks bro."
"Bro, nagkayayaan mag inuman. Mag celebrate tayo."
—————@Bar
Nandito kami ngayon sa bar nila Adrian nasa VIP room kami at baka dito narin kami makakatuog. Ngayon ay icecelebrate ang pagkapanalo.
"Bro, ang galing mo kanina, parang may inspiration ka habang nag lalaro." Sabi ni Adrian.
"Hmm, meron nga hehehe." Sabi ko
"Sino yan bro? Chix ba yan?" Sabi ni Christian
"Girlfriend ko." Proud kong sabi.
"Ano GIRLFRIEND?" sabay nilang sabi.
"Yap!" Masaya kong sabi
"Nice, bro"
Nakakailang shots na kami at ako na lang ang hindi pa nalalasing stay strong saken dito hahaha.
Makalipas ng ilang minuto ay nakaramdam nako ng antok.
Tinignan ko ang cellphone ko at baka sakaling batiin nya ko through Facebook pero naka ilang scroll ako pero wala parin. HaysssMakapagpost nga sa Facebook
"I won this game for her but she didn't even congratulate me."
At natulog nako.
—
Rose P.o.V
Kinabukasan. Nagising ako sa alarm ng cellphone ko may pasok pa pala *sigh. Mabuti na lang kahit papaano ay maayos na ang pakiramdam ko.
Pagkababa ko ay dumiretso ako sa kusina para mag breakfast.
"Good morning hija" masayang bati saken ni nanay.
"Good morning din po nanay." Balik na bati ko sa kanya.
"Kumain kana at baka malate ka sa school." Saad ni nanay.
"Sige po" sabi ko "pero mas masaya pag sumabay ka po kumain sakin nanay" dagdag ko.
"Ikaw talaga, sige sabay na tayo."
Habang kumakain kami ay nag tanong si nanay helen.
"Kamusta na pakiramdam mo hija?"
"Okay naman po."
"Hindi kana ba nahihilo?" Nag aalalang tanong nito.
"Hindi na po, nanay"
"Buti naman, salamat sa dyos."
——
Habang nag lalakad ako sa may hallway papunta sa room ng biglang naman akong nahilo buti na lang ay napahawak agad ako sa mat railings dahil pakiramdam ko ay matutumba ako.
"Rose, ayos ka lang?" Tanong ni Ken na siyang nakakita saken. Naging groupmate ko siya dati kaya alam ko ang pangalan niya.
"Oo, ayos lang ako." Sagot ko.
"Are you sure? Gusto mo dalhin kita sa clinic?"
"I'm okay, hindi na kailangan Ken. Salamat na lang ayos lang talaga ako." Sabi ko dito at nag lakad na muli.
Ilang beses nako nag kakaganito. Ano ba tong nangyayari sa akin?
Bakit napapadalas ang pag kakaliho ko? At yung pag susuka ko? Anong ibig sabihin nito? Hindi naman ako nakakain ng panis kagabi.Masama ang kutob ko, sana hindi tama ang hinala ko...
Mabilis lumpis ang oras at ngayon ay uwian na agad. Agad akong nag paalam kay Anne na hindi muna ako sasabay at mauuna nako umalis.
Dumiretso ako sa mercury drug store. Kailangan kong malaman agad ang hinala ko...
Mabilis umusad ang pila at ako na ang nasa unahan.
"Yes, meron po, ilan?"
"Isa lang miss" sagot ko at nagbayad na
"Ikaw ba ang gagamit nito?" Inabot na sakin ang pregnancy test.
Nahihiya man ay tumango bilang sagot.
"Ganyang din ako dati. Payo lang bilang nakakatanda. Kahit anong maging resulta ng gagawin mong test. Just be happy, if positive ang result, accept it with a whole heart it's a blessing, girl." Parehas na parehas sila ni ate Fei, pareho sila kung mag advice. "Salamat miss."
Pag ka uwi ko ay nag diretso agad ako sa kwarto ko at pumasok sa CR. Nilabas ko ang binili kong PT. Binasa ko muna ang instruction sa box bago gamitin.
Nung magawa ko na ang last instruction ay hinintay ko na ang lalabas na resulta. Ilang segundo ay labas na ito.
T-wo lines.
Two lines ang lumabas. It means positive nga, tama ang hinala ko. I'm pregnant... Kusang tumulo ang mga luha ko
Paano na? Ano ang gagawin ko...?
(A/N: Sorry sa matagal na update. Na authors block ako hehehe lol. Comment kayo mga besh kung anong payo ang ibibigay nyo sa ating bida. ♥ lovelotssss)
YOU ARE READING
Unexpected Love
RandomPaano kung sa maling panahon at sa hindi sinasadyang pangyayari ay magkaroon kayo ng anak ng taong pinakaiinisan mapanindigan niyo kaya ang responsibilidad nyo bilang magulang? Meet Ace Crasmu, 17 years old. Campus crush, a basketball player. And Je...