Chapter One

7 0 0
                                    

Drei's P. O. V

"HINDI KA PA BA GIGISING DYAN CRIDANE MYTEL LIANDREI CORONEL?! BUBUHUSAN NA KITA NG TUBIG DYAN! MALE-LATE KANA!" ugh! Fuck this old hag.

Bumangon nalang ako at binuksan ang T.V saka itinodo ang volume nito.

Kinuha ko ang tuwalya sa upuan at pumasok na sa C. R para maligo.

Agad kong sinuot ang uniform saka humarap sa salamin na nasa side table ko.

Naglagay ako ng liptint at pulbo sa muka saka kinuha ang bag at bumaba ng kusina para mag almusal

Sinalubong ako ng isang matandang naka kunot ang noo.

"Hindi ba't sinabi ko sayo na agahan mo ang gising mo ng hindi ka nale-late sa klase mo?" Pagbubunganga nanaman nito.

Inirapan ko sya at umupo sa upuan saka kumuha ng kunting kanin at bacon saka kinain ito ng mabilisan.

"Mamamatay ako ng maaga sayong bata ka. Kung hindi ka lang ibinilin ng magulang mo sakin at hindi lang ako nagpapasalamat sa pagligtas nila sa buhay ko noon hindi kita aalagaan ngayon." I rolled my eyes and finish drinking my milk.

"Just give me my f*cking money and shut up" i said in a cold voice.

Agad naman nyang ibinigay saakin ang buong limang daang piso.

"And oh" bago ako lumabas ng bahay ay hinarap ko sya at tinignan"If u wanna die,tell me and i'll kill you slowly" sabi ko na halatang ikinabahala sya.

Matanda sya pero hindi ko sya ginagalang. Why? Ewan ko ba hindi ko gusto ang ugali nya. Masyadong sipsip kila mama.

"Hindi ko na talaga alam gagawin ko sa batang to" bulong pa ni manang gina. Tss.

Pagkadating ko sa tapat ng school ay nagaantay na sina Phiel,Leticia at si Kyline

"Tss" ungot ko ng niyakap ako ni kyline.

"Ang arte mo na ngayon ah. Anyways what do you want me to call you? Cridane or Mythel?" naka ngisi nyang sabi. Tinignan ko sya ng masama saka pinakyu.

Humalakhak naman si phiel at Leticia na nasa likod nito.

"Alam mo namang ayaw nya sa pangalan nya ky pero pinagpipilitan mo pa" iiling-iling na sabi ni lia

"Ulol leticia concordia!" Bulyaw ko sa kanya na ikinatakip nya ng tenga.

Yeah,i don't want my name cause i think it doesn't suit me ganun din si lia.

"Tara na nga drei" hatak sakin ni phiel.

"Wow new nickname ah? Drei? Hmm. Sounds good tho" sabi ni kyline. Actually kakauwi lang nya galing states. Mga 2 years rin syang nawala dito sa pilipinas at halata namang nagulat sya sa pagbabago naming tatlo.

Dumiretso kami ng canteen at uupo sana sa pinaka dulo na tambayan talaga namin ng may makita kaming mga babaeng mahaharot na naghahagikgikan sa tambayan namin.

Bakit ko nasabing maharot? Well they are all wearing super iksing palda at ang blouse nila halos makitaan na sila ng kaluluwa. 

"Ehem" pagpaparamdam ko. Tumingin sila samin at pinagtaasan ng kilay.

"Eww are you sick? Get away from us we might get sick too" maarteng sabi nung babaeng nasa gitna.

"Eww so arte. Get away from our spot you might get hurt" sagot naman ni Kyline sa kanila. Oh no, the bitch is back hahaha.

"The f*ck?! Excuse me-"

"Dadaan ka? Oh sige daan na wala namang naka harang" putol ni phiel sa babaeng sasagot sana. Dumarami na ang nanonood at halata silang kinakabahan para sa mangyayari sa mga babaeng nasa harapan namin. Dapat lang.

"Aba't!" Itinaas nya ang kamay nya pero itinaas ko rin ang kamay ko.

"Wag mo nang subukan kung ayaw mong lumipad sa kabilang table" malamig na sabi ko. Nakita kong natakot sya sa sinabi ko kaya dahan dahan nyang ibinaba yung kamay nya.

"God ken natakot kana agad? So pathetic dahil lang dun?" Sabi nung nasa gitna na lider ata nila.

Hindi umimik yung ken na sinagot ko kanina.

Tinignan ni lia yung babae gamit ang walang ekspresyon nyang mata na ikinatikom ng bibig nito.

"Aalis na ba kayo dyan o ibubuhos ko pa sa inyo itong coke na hawak ko?" Tanong ni phiel habang nilalaro ang hawak na baso na puno ng coke.

Dahan dahan naman silang tumayo at lumipat ng table.

"Akala ko kung ano na mangyayari"
"Grabi pre kinabahan ako doon"
"Ang hot pa rin nila pre"

Umiling nalang ako ng marinig ko ang bulungan.

"I'll treat you today guys,ano ba gusto nyo?" Tanong kyline habang hinahalungkat ang bag nya.

"Yes may palibre hahahaha. " asar ni Lia.

"Ayaw mo lia? Okay madali lang akong kausap sila Phiel nalang ililibre ko" napanguso si Lia sa sinabi ni Kyline sa kanya.

"Bacon and ham sandwich saka iced tea nalang akin ky" sabi ni phiel

"Hmmm. Raspberry cake saka choco milk nalang" sabi naman ni Lia. Tumingin sakin ang tatlo.

"Coke lang" maiksing sagot ko. Tumango si kyline saka pumunta sa counter para umorder.

"Pansin ko lang ha? Lahat ata ng student andito sa centeen." sabi ni kyline pag kadating nya dala ang mga order namin.

"Tanga malamang walang teacher pag ganyan" sagot ni lia sa kanya saka sumubo ng cake nya.

Sinamaan sya ni Kyline ng tingin
"Akin na nga yan!" Sabi nya kay lia saka inabot ang cake ni lia pero iniwas nya ito saka sunod sunod na sumubo.

"Kyah! Si Vhiel ba yan?!"
"Hala bumalik na pala ang Kings?!"
"Diba ex ni Mythel si Bien?"

Tumitingin na sakin ang mga tao dito sa loob ng canteen pero wala akong ibang tinitignan kundi ang mga lalaking nasa harapan namin.

"Long time no see kyline" malambing na sabi ni Wayne kay kyline.

Nginitian sya ni kyline saka niyakap.

"Cridane" nakatitig lang ako sa lalaking tumawag sakin.

"Hoy kinakausap ka" bulong at siko ni Phiel sakin habang naka kawit ang kamay sa braso ni Hanz.

"Uhm.Bien pasensya kana muna kay Drei pipi na ata yan ngayon" binatukan ko si Lia na kung ano ano ang sinasabi kay Bien.

"Grabi ka naman kay Leticia mythel" ungot ni Vhiel sakin.

"Ulol vhiel" sabi ko saka sya pinakyu.

"Bakit ba kayo nandito?" Tinignan ko si Bien.

"Nag transfer kami, dito na kami magaaral. Ayaw mo ba akong makasama love?" Sagot nya emphasizing the word "love"

"Kilabutan ka nga sa sinasabi mo Bien. Tara na nga sa room hoy tama na landian" sigaw ko sa tatlo saka naunang naglakad papunta sa room.

Shit lang mukang hindi magiging maganda ang first week namin dito sa fabiel university kainis naman kasi sila bien dami daming school na pwede nilang lipatan dito pa sa university namin bwisit!

Napabuntong hininga ako. Bahala na nga si batman. Ang mahalaga ngayon ay ang mapaalis si manang gina sa bahay dahil naiinis ako sa muka nya letche.

Hold Me TightWhere stories live. Discover now