Chapter four

1 0 0
                                    

Drei's P. O. V

"Ugh! Sakit ng ulo ko!" Sigaw ni Lia na kakagising lang.

Pagkatapos kase ng nangyari samin ni bien kagabi nagaya ako na dito kami sa kwarto maginuman.

"Drei gisingin mo nga yan sila kyline" pagsusungit ni lia. Napailing nalang ako. Sanay nako dyan masungit talaga yan tuwing umaga.

Tumayo ako.

*cough *cough

Nakabukas na ang bibig ko at ready na akong sumigaw ng dumilat ang dalawa at sabay pa na tumayo.

"Okay na drei gising na kami di mo na kami kailangan sigawan" sabi ni phiel na nakataas ang kamay na parang pinahihinto ako.

Nagkatinginan kami ni lia saka sabay na tumawa ng mahina.

"Samahan nyo nga ako mag shopping. " sabi ni kyline na kumuha ng tuwalya sa drawer ko.

"Sige may gusto rin akong bilhin eh" sabi ni Lia saka kumuha rin ng tuwalya sa drawer ko.

"Doon nalang kayo maligo sa guest room tutal may mga damit naman kayo" sabi ko. Kapag kase nandito sila dati nagdadala sila ng damit kaya may mga damit sila sa mga guest room.

"Kay girl" sabi ni kyline saka lumabas. Kasunod nya sina Lia.

Dumiretso ako sa c.r ng kwarto ko saka naligo.

Pumasok ako sa walk-in-closet ko saka namili ng susuotin ko.

Isang halterneck shirt saka isang denim skirt lang ang sinuot ko dahil wala akong mapili. Isang black converse shoes lang din ang sinuot ko.

Pagkatapos ko mag bihis ay dumiretso ako sa side table ko at humarap sa salamin. Tinitigan ko ang sarili ko

Simula ng mangyari yoon, ang laki na ng pinagbago ko.

Flashback

Sasagutin kona ngayon si bien! Matagal tagal na rin kase syang nanliligaw sakin. Inayos ko ang suot ko dress saka kumatok sa pinto ng condo ni bien.

Naghintay ako ng ilang minuto na buksan ni bien ang pinto pero wala naman nagbubukas.

Tinype ko nalang ang password nya saka binuksan ang pinto.

Wala namang nagbago sa sala nya. Dahan dahan akong naglakad papunta sa kwarto nya. Nagulat ako ng may mga damit na nagkalat sa sahig. I mean hindi lang basta damit ni bien dahil may mga damit dito ng babae.

Hindi ko alam pero kinabahan ako bigla sana hindi totoo ang naiisip ko.

Dahan dahan kong binuksan ang pinto ng kwarto nya.

Oh my god. Nagsisisi ako na sana hindi ko nalang binuksan.

"Bien?" Nakita ko si bien nakahiga at may nakayakap na babae sa tabi nya.

"Mytel?" Bumangon sya pero hindi nya magawa dahil pinipigilan sya nung babae sa tabi nya. Nanlaki ang mata nya ng makitang may babae sa tabi nya. Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako.

The funny thing is nakangiti pa ako. Mukha na akong baliw.

"Mytel its not what you think" sabi nya saka itinulak yung babae. Napangiwi yung babae at halatang nasaktan sa pag katulak ni bien.

Umiling ako. Hindi. Tama lang na nakita ko na. Hindi na kailangan pa ng paliwanag.

"No please. I'm sorry. Hear my explanation." May tumulong luha sa mata nya.

"Tama na yung nakita ko. Hindi ko na kailangan ng paliwanag bien" sabi ko saka pinahid ang luha sa mata ko. Kailangan ko maging matatag sa mata nya kung iiyak ako magmumukha lang akong kawawa.

"Babe sino ba yan?" Sabi nung babae na kanina walang saplot sa katawan ngayon ay may takip ng kumot sa katawan nya.

"Fuck! Layuan mo nga ako! Sino ka ba?!" Naiiling akong lumabas ng kwarto nya. Pero nararamdaman kong sinundan ako ni Bien.

"Babe its me khiela!" Habol pa nung babae na sumusunod kay Bien. Huminto ako at tinignan yung khiela daw.

"Ang kapal din ng mukha mo eh no? Nagpakilala kapa talaga? At sa harap ko pa?. Hindi kana nahiya. Prostitute kana nga relation ship breaker kapa!" Kapag galit ako hindi na talaga napipigilan ang bibig ko.

Ngumisi yung babae.
"Alam mo kung bakit ka pinagpalit ni Bien sa isang prostitue na kagaya ko? Kase ikaw masyado kang maria clara. Kunyare pa sa una bibigay rin namana yan. Mas marap ako at mas malaman kesa sa iyo" hindi ko na napigilan ang sarili ko at sinuntok ko sya. Tama lang yung lakas para mapatulog sya.

"Tangina mo" sabi ko kay Bien saka tinapon sa kanya yung dala kong scrapbook kung saan nakalagay lahat ng pictures at yung letter na sinasabi kong kami na.

Wala eh ganyan talaga masyadong unfair.

End of flashback.

Bumuntong hininga ako.

"Hoy drei kanina pa kaya kami nandito at daldal ng daldal tapos di mo pala kami naririnig." inis na sabi ni kyline

"Inaalala mo na naman ba?" Sabi ni lia sakin. Ngumit nalang ako saka umiling. Ngiting peke.

Naglagay nalang ako ng liptint saka pulbos at tumayo para pagpagan ang damit ko.

Tinignan ko sila. Lia is wearing her black dress na hapit sa katawan nya. While kyline is wearing a simple black shirt at shorts and phiel is wearing a white shirt and ripped jeans.

"Tara na." Kinuha ko sa higaan ang aking sling bag na may lamang liptint foundation saka yung tatlong cellphone at wallet ko.

Bumaba kami at naabutan namin sila mama at daddy na naghaharutan.

Napairap nalang ako at pinuntahan silang dalawa.

"Una na kami sa kotse drei ha?" Tinanguan ko sila lia saka binalingan ng tingin sila mama na nakatingin sakin at nakangiti.

"Hi ma. We're going out for shopping" sabi ko saka sinukbit sa balikat ang siling ng bag ko.

"Sure honey. Naglagay na ulit ako ng pera sa mga cards mo" sabi ni mama saka ako nginitian. Hinila ako ni papa paupo kaya napaupo ako sa gitna nila mama.

Niyakap ako nila papa. Nagtaka naman ako ano ba nangyayari dito kila mama?

"You changed too much baby." Malungkot na sambit ni papa.

Nagtaka ako ng makita ko si papa ng ganun.
"Why daddy? Masama po bang magbago?" Sabi ko.

"No baby but its just like" hindi na itinuloy ni papa ang sasabihin nya ng sikuhin sya ni mama.

Tumayo nalang ako a inayos ang suot ko.

"Sige na ma pa. I'll go ahead na." Saka ko sila hinalikan sa pisngi at lumabas na nakita ko si lia na naka tayo sa labas ng kotse.

'Let's go?" Tanong nya na tinanguan ko lang. Pumasok kami sa kotse si Phiel ang magmamaneho ngayon sa tabi nya ay si Kyline na nakatakip ng sleeping mask at naka earphones. Kami naman ni lia ay nakaupo sa likod. Nagdudutdot si lia sa phone nya kaya naman nilagay ko ang earphones sa tainga ko para  makinig ng music. Music lover ako eh paki mo ba.

Mahaba habang araw na nanamn ito panigurado kapag sila kylinr ang kasama ko siguradong marami kaming gagawin doon.

Hold Me TightWhere stories live. Discover now