Drei's P. O. V
Damn! This is insane!
Tumawag kasi ang mama ko at sinabing nasa bahay na sila at magpapa-party dahil sa pag balik nila dito sa pilipinas and my dad wants a formal party which is i didn't approve dahil pag ganun paniguradong gown o di kaya ay dress ang ipasusuot nila sa akin.
"But mom-" pagpoprotesta ko pa kay mama sa cellphone
"No buts honey your dad wants this and you know what he wants he'll get" pinutol ni mama ang sasabihin ko na ikinainis ko lalo.
"Fine!" Inis na sagot ko.
"Invite your friends baby also imvite Bien and his friends. Sorry honey hindi natin pwedeng kalabanin ang daddy mo pag tungkol sa party." Yun lang at pinutol na nya ang tawag.
Binagsak ko ang ulo ko sa desk ko. Nahilo ako f*ck.
May anim na pares ng paa sa harap ko ng mag angat ako ng kaunti ng tingin.
"Look at your face Drei,muka kang problemado hahahaha" pang aasar ni Kyline sakin. Mahina syang sinapak ni phiel saka tumingin sakin.
Napabuntong hininga ako.
"May party mamaya sa bahay,formal daw tss. ""Alam naming ayaw mo magdress pero hindi naman dapat ganyan ka problemado mukha mo diba? Meron pa ano?" Curious Lia is here again tss.
"Mama wants me to invite Bien and his friends. Alam nyo naman nangyari samin in past tss" nababagot nako dito sa room. Maguuwian na rin pala.
"Yeah we know. " sagot no Phiel.
"Pano ko sila iimbitahan tangina naman" bwisit na sagot ko.
"Puntahan mo sila doon sa tambayan,lapitan sabihin mo ang pakay mo saka umalis. Its easy as one,two three girl" Ewan ko ba kung may utak tong si Kyline. Sabagay aabot ba sya ng High school kung wala.
"Ang laking tulong nyan Ky" naka kunot noong sabi ni Phiel sa kanya.
"Ewan bahala na. Asan ba sila?" nakakainis kasi sila mama may pa-party pang nalalaman.
"Nasa tambayan nga daw diba? Hindi kasi nakikinig" iling ni Lia.
Hindi na lang ako sumagot saka naglakad papuntang 'Secret Spades'
Yun kasi ang tawag namin sa tambayan simula noong... basta.Naglalakad kami sa daanang aakalain mong hardin ng isang mayaman.
Marumi ito dati at halos patay na ang mga halaman inayos lang namin dahil sa magandang tambayan ito at malamig pa.
Nakarinig kami ng halakhakan at may kumakanta pa ng makalabas kami ng daang iyon.
"Damn bien youre really insane!" Sinuntok ni Vhiel.
"Baby!" Sigaw ni Kyline saka tumakbo papunta kay wayne na agad syang sinalubong ng yakap.
Halatang gulat ang mga lalaki ng makita nila kami sa tambayan.
"Oh napasyal ata kayo?" Gulat na tanong ni Hanz saka ipinulupot ang braso sa baywang ni Phiel.
"May sasabihin si Drei eh" sabi ni Lia saka nilantakan ang pagkain na nasa mesa.
"Dahan dahan naman! Magtira ka hoy!" Awat ni Vhiel kay lia na inirapan lang sya.
"Pinapasabi kase ni mama na pumunta daw kayo mamaya sa bahay may party kase. Formal daw" sabi ko saka tinignan si Bien at isang pagkakamali ang ginawa ko dahil nakatitig rin sya sakin.
"Yeah we know. Tinawagan ako ni tita" sabi ni Bien saka ngumiti.
Iniwas ko ang tingin ko sa kanya.
"Ah sige. Tara na hoy uwi na tayo. Nakakadiri kayo" aya ko kila phiel dahil naglalandian nanaman sila.
"Inggit ka lang cridane eh" humalakhak na sabi ni kyline. Inirapan ko lang sya saka tumalikod at naunang maglakad.
Naramdaman ko namang sumunod na sila
"Punta nalang kayo na bahay ah."Bored na sabi ko saka sumakay sa Van namin.
"Okay. Bye Drei!" Sabi ni Phiel saka sumakay sa kotse nila.
"Criyel!" Sigaw ni mama saka patakbong bumaba ng hagdan at niyakap ako.
"Ma" ungot ko dahil sa sobrang higpit ng yakap ni mama sakin.
Sabagay matagal tagal din silang nawala ni daddy."I just miss you baby. Oo nga pala,binilhan na kita ng dressnna isusuot mo mamaya." Sabi nya saka ako hinatak paakyat papuntang kwarto ko.
Binuksan ni mama ang pinto mg kwarto ko saka kami dumiretso sa kama.
Pag kakita ko pa lang sa dress ay muka naman syang comfortable. Nakalatah na kase sa kama ko ang isang black halterneck dress na above the knee. Hinawakan ko ito at napag alaman na cotton pala ito. Sa tabi nito ay isang high heels na color black rin.
Tinignan ko si mama pagka kita ko sa heels.
"Walang ibang heels eh. Pinaka mababa na raw iyan" kibit balikat ni mama.
"Oo nga pala,puntahan mo ang daddy mo sa library. Mag isap daw kayo" yun lang at lumabas na sya ng kwarto.
Nagpalit muna ako ng damit saka pumunta na sa library ni daddy.
Kumatok ako ng tatlong beses sa pinto bago pumasok. Nakita ko si daddy na nakaupo sa upuaan habang umiinom ng kape.
"Daddy bakit po?" mahinang tanong ko saka umupo sa sofa.
Tinignan ako ni daddy saka nginitian.
"Halika rito sweetie" tinap ni daddy ang lap nya na nagpanguso sakin at dahan dahang lumapit sa kanya."Pa ayoko" ungot ko pero hinatak ako ni papa saka niyakap.
"Dalaga na ang baby ko malapit na mag asawa at magka pamilya" pagdadrama nya. Nakunot ang noo ko sa sinabi ni papa. 3rd year collage palang ako asawa agad?
"Pa maaga pa para dyan" natatawang sagot ko.
Tumingin sya saakin at nginitian ako.
"Hindi rin malayong mangyari iyon. Wag muna anak ah? Ikaw lang nagiisang anak namin baka magka roon pa ng apo" he said and chuckled. Napanguso akong muli.
"Pa naman." Grabi nagdadrama talaga si daddy hahahaha.
"Sige na magbihis kana at baka makatulog kapa mamaya." Sabi ni daddy saka ako hinalikan sa noo. Bago ko pa maisara ang pinto ay narinig ko pa ang buntong hininga ni papa.
Dumiretso ako sa kwarto at kinuha ang tuwalya saka pumasok ng c.r para maligo.
Hindi rin ako agad natapos sa pagligo dahil nagtagal ako sa bathtub.
Sinuot ko kaagad ang dress na binili ni mama saakin.
Pumunta ako sa side table ko para mag ayos ng mukha. Naglagay lang ako ng eyeliner,cheek tint,smokey eye shadow saka hinuli ang pulang lipstick.Humiga ako saglit sa kama para sana matulog saglit pero agad napabangon dahil hindi makatulog.
Binuksan ko ang laptop ko para mag facebook ng biglang nag message si Bien sakin.
Bien: uy cridane
Me:oh?
Bien: Sungit ah. Magtatanong lang sana.
Me:Ano ba iyon?
Bien: Anong oras ba ang party?
Me:8. Sige bye na ah.
Bien:Bilis naman :3 sige bye
Hay hindi talaga komprotable kapag kausap o nakaka chat ko sya. Di bale,kaya ko naman ito.
Makatulog na nga muna tutal alas sais palang at alas otso ang party nila mama maaga pa.