Chapter three

0 0 0
                                    

Third person's P. O. V

Umaakyat ng taas ang kasambahay nila Drei para gisingin sya dahil 10 minuto nalang maguumpisa na ang party ng magulang nya.

"Madame gising na ho." Katok ng katulong nilang si lydia

Bumangon si Drei saka binuksan ang pintuan nya.
"Okay aayusin ko lang muna sarili ko" papungay pungay na sabi ni drei.Tumango ang katulong saka bumaba.

Agad na pumunta sa side table si drei para ayusin ang make-up nya kung sakaling nagulo man. Pagkatapos ay inayos ang medyo gusot na dress saka ipinusod ang buhok. Kinuha nya ang high heels na nasa ilalim ng kama nya saka ito isinuot.

"Anak bilisan mona dyan malapit na tayo mag umpisa atsaka hinahanap ka na rin nila Mereiya sa baba." Sabi ng nanay nya saka muling kumatok. Si mereiya ay si phiel. Mereiya Phiel Lurca ang buo nitong pangalan. Kyline Blythe Garcia naman si kyline at si Leticia Concordia Meri Moon naman si lia

"Okay bababa na po ko" sigaw ni drei para marinig ng mama nya dahil malakas na ang tugtog sa ibaba.

Nang makitang ayos na sya at presentable na ay lumabas na sya ng kwarto saka bumaba ng hagdan. Nakita nyang nakatingin ang iilang business partner ng mama at daddy nya sa kanya pero hindi nya ito pinansin at tuloy tuloy na naglakad papunta sa table kung saan nakaupo ang mga kaibigan nya.

"Babae ka ngayon Mythel ah" sabi ng pinsan nyang si Annielyn habang nakataas ang kilay at naka ngisi. She show annielyn her middle finger that made her cousin chuckle.

"Drei dito!" Kaway ni Kyline. Dumiretso sya kung saan naka upo ang kanyang mga kaibigan.

"Ang ganda mo drei!" Tili ni Lia na dahilan kung bakit sila pinagtitinginan ng mga tao.

"Ang ingay mo" batok ni drei sa kanya na ikinatawa ni kyline at Phiel.

"Maganda nga sadista pa rin naman" sabi ni Lia habang hinihimas ang parte kung saan sya kinutusan ni Drei.

"Oonga pala,parating na raw sila Wayne. Nagtext sakin eh makikitable raw sila saatin" sabi ni Kyline habang nagdudutdot sa kanyang cellphone.

Tumango si Drei bilang sagot.
"Babe!" Napatingin ang magkakaibigan sa entrance dahil may sumigaw ng 'babe' unang unang tumingin si kyline dahil endearment nila iyon ni Wayne Shawn. Nakita nila ang magkakaibigang lalaki na papunta sa table nila. Pinagtitinginan sila ng mga tao sa loob lalong lalo na ang mga babae dahil sa stunning look nila,kahit simpleng tuxedo lang ang suot nila ay angat pa rin ang itsura nila sa iba.

"Hi love!" Hapit naman ni Hanz sa baywang ni Phiel pagkalapit nito.
"Huy! Tama na muna landian maguumpisa na oh" inis na awat ni lia sa mga ito ng biglang tumawa si Vhiel.

"Inggit ka lang eh. Sagutin mo na kase ako para hindi kana mainggit sa kanila" ngumisi pa si Vhiel kay lia na ngayon ay naka ngisi rin.

"Bakit naman kita sasagutin? Nagtatanong kaba?" Banat nito kay vhiel

Sasagot palang si Vhiel ng awatin sila ni drei at nginuso ang harapan kung saan nakatayo ang mama nitong si Cleo at natatapatan ng spotlight.

"Goodevening everyone. We throw a party because we want to say that were back for good!" masayang sambit nito saka hinila ang asawa nyang si Lynconn.

"Yes thats right so everyone enjoy the night!" sabi ng daddy nyang si Lynconn.

Nagpalakpakan ang lahat saka bumalik sa kanya kanyang gawain.

"Bien! Honey!" Napalingon ang magkakaibigan sa babaeng papalapit sa kanila i mean kay bien pala.

Drei is checking out the girl
Long and curly black hair na hanggang baywang,redlipstick,brown eyes at napakaganda ng hugis ng katawan nito.

'girlfriend nya ata'sabi ni drei sa isip nya at bumalik sa pagkain. Nakita nya sa gilid ng mga mata nya ang pagtitig ng mga kaibigan nya at ang pag taas ng gilid ng labi ni Bien habang nakatitig sa kanya.

"Honey hindi mo ba ako papansinin?" Pagyayapos ng babae kay Bien.

"Landi" bulong ni kyline pero napatingin sa kanya ang babae.

"Ano iyon?" Taas kilay na tanong nito kay kyline.

"Ang sabi nya ano daw ang pangalan mo. Nakakahiya naman siguro kung hindi ka namin kilala diba?" ngisi ni phiel sa babae.

Napaawang ang bibig ng babae at halata ang gulat sa mukha.
"Hindi nyo ako kilala? Omg kayo lang ata ang hindi nakakakilala sakin" sabi nito sabay hawi ng buhok. Napailing nalang si Drei sa kaartehan nito.

"Yes hindi ka namin kilala besides hindi ka naman importante para kilalanin. Pwede bang umalis kana dito? Table namin ito. Maghanap ka ng iyo" irap pa ni Drei dito. Napatingin sa kanya ang lahat ng nasa table nila ng magsalita ito. Napangiti naman ang mga babae sa sinabi ni Drei.

Tumaas ang kilay ng babae.
"Excuse me? Guest ka lang dito kaya wag kang maginarte na parang ikaw ang anak ng may ari ng bahay. Tss feelingera."

Napa 'woah' naman ang mga kaibigan ni drei. Sumama ang mukha ni drei. Ibig sabihin galit na sya.

"Oh girl. Your so dead" sabi ni Lia na may halong pang aasara. Naguluhan naman ang babae pero ng ibalik nya ang tingin kay Drei.

"Ah!" Tili ng babae na naka agaw ng pansin ng mga tao. Wala namang masamang nangyari. Sinampal lang ni Drei sa babae ang cake nya na nasa platito pa.

Himagikgik naman ang mga babae nyang kaibigan habang ang mga lalaki ay napangisi. Si bien ay napangiti sa ginawa ni Drei saka itinulak ang babae na nasa lap nya dahilan para madapa ito sa sahig.

"How dare you! You bitch!" Akmang sasampalin nya si Drei ng hawakan ni Drei ang kamay nito.

"Oh please i dare you just like a cheese" pangaasar nito.

"Drei! What's happening here?" Patakbong tanong ng mama nya. Tumingin ang mama nya sa babaeng hawak ni Drei at kay drei ng pabalik balik.

"Who is she anak?" Tanong ng mama nya na ikinagulat nila drei

"What? Akala ko guest mo sya mama?" Tanong pabalik ni Drei. Nagulat ang babae ng tumingin ng masama sa kanya si Drei.

"Uh-oh i smell trouble" pakantang sabi ni phiel.

"Guard!" Tawag ng mama ni drei ng guard na agad namang pumunta sa kanila.

"Ilabas nyo ang babaeng to. Gatecrasher yan" masungit na sabi ni clio.

"What?! Wait! No! Honey tell her i'm your girlfriend!" Pagtatanggol nito at pilit hinahawakan si Bien kahit hinihila na sya ng mga guards.

Umiling si Bien ng tignan sya ni Clio."Don't know her tita" maikling sabi nito saka muling ibinalik ang tingin sa kanyang beer.

"Okay. Sige kumain na ulit kayo" sabi ni clio saka bumaling sa mga taong nakatingin pa rin sa table nila drei saka ito humingi ng paumanhin.

Lumabas si Drei ng bahay at pumunta sa hardin nila. Hindi nya namalayan na sumunod pala si Bien sa kanya.

"I miss you so much. Please let me court you again" niyakap ni Bien si Drei mula sa likod. Nanatiling nakatayo si Drei at hindi namalayang may luhang pumatak sa mga mata nya

"Nawala ang tiwala ko sayo noon. Paghirapan mong ibalik iyon ngayon" yun lang ang sinabi ni Drei saka kinalas ang pagkakayakap ni Bien sakanya at pumasok na ulit sa loob ng bahay.

"Lahat ng nakita mo noon maling mali mahal" narinig iyon ni drei pero hindi nya pinansin saka tuluyang pumasok sa loob ng bahay nila.

Hold Me TightWhere stories live. Discover now