Kabanata 2
Nagising ako ng mugto ang mga mata. I must've cried myself to sleep again.Ano nga ba ang bago? Magmula ng naiwan ako, non-stop na ang pag-iyak ko. Siguro sa ibang tao, napaka-pathetic na nito.
Napabangon ako nang makita kong may nagtext sa akin, si Kent.
I grunted out of frustration. Tama siya. I shouldn't be like this.
Ano kayang reaction ko kapag nakita ko na siya? What will I do if he talks to me? Ano gagawin ko kapag nginitian niya ako? Kapag kinausap ako? Kapag gusto niya pala makipag-balikan? Kapag narealize niya na ako pa din pala--
Tanga. Ayan ka na naman, Ynah. Pinapaasa mo na naman sarili mo. Stupid.
I sighed. Tumayo na ako mula sa pagkakahiga at nag-simulang mag-ayos.
Another day, another pain.
"Miss Herrera," gulat na sabi ni Mrs. Tan. "Papasok ka pa pala?" She joked. "And what is your excuse? One week is a long time to be gone, Ynah. Madami kang kailangang habulin."
"It's a family matter, Miss," ngumiti ako ng slight. Sana 'wag magduda, please. "Is there anyway para makabawi ako agad?"
"Well, kapag special project naman, unfair sa mga kaklase mo. I'll consult your subject teachers first," She smiled at me. "Anyway, pumasok ka na. You've missed enough."
I entered the classroom, and suddenly all eyes were on me. Unang unang hinanap ng mga mata ko ang upuan niya.
He wasn't there.
Tahimik akong dumiretso sa upuan ko. Nakatingin lang sa akin si Kent habang umuupo ako. Nakangisi lang siya sa akin.
"I don't want to say I told you so," he smirked mischievously. "But I told you so."
Agad na nag-init ang ulo ko sa kanya. I glared at him while he cheekily smiled at me.
"Okay, class," panimula ni Mrs. Tan. "As you may know, there will be a project coming up this-"
Naputol ang sasabihin niya nang may pumasok sa classroom. Pumasok ang isang matangkad na lalaki. He looked like he has a bit of spanish in his blood.
"Mr. Diaz," Mrs. Tan says, mockingly. "Masyado ka naman atang maaga para bukas?"
The guy just shrugged it off and went straight to his seat at the back of the class. Mrs. Tan didn't mind, nagtuloy nalang siya sa pagturo.
"Who's this guy?" Tanong ko kay Kent.
"Ha? Ah, siya?" Nginuso pa ni Kent 'yung lalaki. "Bago lang 'yan. His name's Hugh Alexandre Diaz. Gwapo 'no?" Sambit niya pa, kinikilig.
The rest of the class went well. Although, curious ako. Bakit kaya hindi siya pumasok? Ang sabi ni Kent, he was present the past few days that I wasn't here. Pero bakit ngayon wala siya?
God, paano kung na-realize niya talaga na ako pa din talaga, tapos na-guilty lang siya kaya hindi siya pumasok? Puta. Malala na talaga tama ko.
I didn't pay much attention to what was happening in class. Nakatingin lang ako sa upuan niya.
Ano kayang nangyari sa kanya?
A few minutes after, the bell rang. Vacant namin dahil wala 'yung teacher namin. Pinalibutan ako ng mga kaklase ko.
"Ynah, ang tagal mong nawala!"
"I missed you!"
Nginitian ko lang sila. I'm surprised that they don't know about what happened.
"Labas tayo." Inaya ko si Kent sa canteen. Lumabas siya saglit, pero pagpasok niya, mukha siyang nabuhusan ng malamig na tubig sa nginig.
Mukha siyang pinagsakluban ng langit at lupa. Diretso siyang nakatingin sa akin. "Ynah, labas tayo gusto mo?"
"Ha? Kanina ayaw mo 'a." Pagtataka ko. Nagpapawis ang noo niya at nanginginig ang mga kamay niya, but he still smiling. Isang pilit na ngiti.
"Gusto ko na ngayon. Tara na, please," hinihila niya na kamay ko. "Ynah, tara na."
"Fine. Kukuhanin ko lang wallet ko." Tumayo ako at tumalikod para kuhanin ang wallet na nasa bag ko.
Naweweirduhan ako kay Kent. One second he didn't want to go out, the other he wanted it so badly.
"Bilisan mo Yna--"
"Are we late?"
Fuck. What the fuck. Naestatwa ako ng marinig ko ang boses niya. Ngayon alam ko na kung bakit gustong umalis ni Kent.
I felt tears swell up my eyes. Naiiyak na naman ako.
Nilingon ko siya. What's worse?
May kasama siya. Isa sa pinaka-magandang babae sa buong campus.
"Nakaka-inggit."
"Nabibitter na naman ako. Wala kasi akong bebe 'e."
"Bagay na bagay sila. Ang cute nila Amber at Zach."
Narinig ko pang bulungan nila. Mas nanginig ako ng makita ko ang ngiti nila.
Wala pang isang buwan. Am I this easy to fucking replace?
Ganito ba ako kadali palitan? Pangit ba ako? May mali ba sa katawan ko? Bakit kailangang maghanap ng bago?
Bakit agad-agad? Putangina. Ano 'to?
"Friend, tahan na," Kent patted my back. "Baka makita ka pa nilang ganyan."
Buti nalang siguro lahat ng atensyon nila nakatuon sa kanila Zach, kung hindi, magmumukha na naman akong tanga kakaiyak nito.
I wiped my tears. Unang una kong nakita iyong Hugh Alexandre na kakapasok palang ng room.
"Ynah, hoy, wag kang ganyan," hinawakan ni Kent ang braso ko. "Don't do anything stupid you might regret later."
Inalis ko ang hawak niya sa braso ko at tinignan siya ng seryoso. "I already did."
I made my way towards him.
Wala na akong pakielam. My feelings overwhelmed me. Pride has taken over, and my conscience is gone.
Bahala na. I'll face the consequences later.
"Don't say anything and just go with it."
Inilapit ko ang mukha ko sa mukha niya, at marahan na inilapat ang labi ko sa labi niya.
I started to move, and so did he. Our lips sync with each other's rythm. I don't know why, pero sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko no'ng panahong 'yon.
And then, it hit me.
Oh my god, I just kissed a stranger.
In front of my ex and his new girl.
Fuck.