Kabanata 3
Lahat ng tao, natunganga sa amin. Nakita ko na kahit sila Zach, nakanganga.
Buti nalang last period na 'din, at least makakaalis na ako.
"Let's go?" I intertwined his hand in mine and practically dragged him out.
No'ng medyo malayo-layo na kami sa campus, tumigil na ako sa paglalakad. Wala akong imik sa kanya at gano'n 'din siya sa akin.
Ano ba kasing katangahan 'yun?! One of the worst decisions I've ever made in my life.
Dinala ko siya sa isang café na malapit sa school.
"Drink?" I asked, awkwardly.
Umiling siya, nakatunganga lang sa akin. Walang kaemo-emosyon ang mukha niya.
"Do you mind telling me what the fuck that was?" Tanong niya, habang nakakunot ang noo.
"I know. I'm sorry for dragging you into this," Kinagat ko ang ilalim na labi ko. "Nadala lang siguro ako ng galit ko."
"May girlfriend ako, Miss Herrera. What if she finds out about this stupidity of yours?" Galit niyang tugon sa akin.
I feel bad now. Ano ba naman kasing katangahan ang iniisip ko 'e! I don't know. No'ng nakita ko sila Zach at Amber na pumasok sa room ng magkasama at sobrang saya, para bang biglang nagdilim paningin ko.
Ang saya-saya nila. Para bang walang namagitan sa amin. It was as if Zach and I never happened. Isang linggo palang ang lumipas, puta, may iba agad siya.
What does that make me? Gano'n ba kadali itapon ang 2 years? Gano'n ba ako kadaling palitan?
"I was asking for an explanation, not you crying." Gigil siyang tumingin sa paligid. Tinignan niya ako ng maigi, tsaka siya ngumiwi. "Pathetic."
"Baka kaya ka iniwan dahil sobrang tanga mo."
With that, he left me in the café all alone, crying my eyes out.
Boom. Tagos to the fucking heart.
Bakit gano'n? Alam kong ang pathetic ng dating ko ngayon, pero bakit kailangan niyang ipamukha sa akin? Why can't he just understand that I made this mistake, because I was overwhelmed?
Ininom ko ang coffee ko. Ang tanga ko talaga, hindi ko man lang inisip na may girlfriend pala 'yung tao. Shit, I'm so stupid!
Mga ilang oras pa siguro akong tumambay sa café, bago ako nakita ni Kent.
"Gaga ka! Kanina pa kita hinahanap!" He says, clearly relieved. "Ano ba kasing pumasok sa isipan mo at--"
"Kent, bakit ang bilis?" I said blankly, out of the blue. Tunaas ang kilay niya, para bang tinatanong ako.
"Bakit ang bilis bilis niya makahanap ng iba?" Ito na naman ako. Hindi ko namamalayan na umiiyak na naman pala ako. "Putangina, hindi niya man lang pinalampas ng isang buwan. How the fuck can he do that? Bakit siya ang bilis niyang makahanap ng bago, habang ako nagmumukmok?!"
"You know why you can't move on? 'Yan. Dahil hanggang ngayon siya pa 'din iniisip mo." Napahagulgol ako sa sinasabi niya. I don't even know this guy managed to put up with me and every stupidity I've done.
"Halika na, I'll get you home."
Tulala lang ako sa kawalan habang nakahiga sa kama ko. Nababagot ako dito. It's like I'm in a prison in my mind.
Without an explanation, my mind was telling me to look at the corner of my room.
And so I did. Nakita ko ang gitara ko na regalo pa ni Zach, kasama ng iba pang mga regalo niya na kailan man ay hindi ko pa binuksan.
Para akong zombie habang naglalakad papunta 'don. I looked at each gift he gave. And then I remembered all of the things we shared while we were together.
Nakita ko ang isang maliit na box na may itim na balot at gintong ribbon. Binasa ko ang nakalagay sa tag nito.
'For my dearest, Ynah.
Love, Zachary.'Sa ilalim nito, naka-lagay ang date ng anniversary namin. This was given for our first anniversary together. Kung saan lumabas kami, shared a duet, drank wine and just didn't give a fuck about the world.
Kinuha ko ang gitara at dinamdam ang bawat detalye nito, kasabay ng pag-alala ng mga araw na sobrang saya namin.
I don't know why I keep remembering these things, when all it does is hurt me. All I do is torture myself, and I keep doing it even if my heart is so fucking tired.
I looked at my dresser. Nakita ko ang camera na matagal ko ng hindi nagamit.
"One last cry," Pinikit ko ang mga mata ko, at dinamdam ang bawat bigkas ng awitin.
"One last cry," Oo, hindi ko man mapromise na hindi na kita mamahalin, I'll try my best. "Before I leave it all behind."
"I gotta put you out of my mind this time." Strum.
Mahirap man, pero kailangan. Hindi pwedeng habang buhay akong magiging ganito habang ikaw, sobrang saya kasama siya.
"Stop living a lie." Strum.
I have to stop. Stop hoping. Stop dreaming. Stop expecting. This ends now. Titigil na 'to. Titigil na 'ko.
"I guess I'm down," strum.
"To my last cry."
This is definitely a big step.
Because this is the last time I'll be downing myself for him.
This is the last time I'll be drowning myself in pain for him.
Dahil ngayon, bibitaw na ako.