IMAHINASYON

9 0 0
                                    

Lilisanin ang mundo ng imahinasyon
Lilimutin ang tanging rason
Kung bakit sa puso ko'y ikay naroroon
Upang sa utak ko'y kapayapaan magkaroon

Imahinasyon ko kasama ka aking pupuksain
Masakit na katotohan aking tatanggapin
Na kahit anong gawin
Di mo ako makakayang mahalin

Imahinasyon ko kapiling ka'y
aking sinusumpa
Sanay pagibig ko para sayo ay
maglaho na parang bula
Dahil alam kong wala rin naman
akong mapapala

Sa tingin ko hanggang imahinasyon
Nalang ang lahat
Sana'y balang araw ay maghilom ang malalim na sugat
At ang nakaraan ay di na maungkat
Upang ngiti sa aking labi ay sumikat

                         
                                     Made by:
                                Annie E Delosreyes

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 16, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

SPOKEN POETRY NG LAHATTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon