Lilisanin ang mundo ng imahinasyon
Lilimutin ang tanging rason
Kung bakit sa puso ko'y ikay naroroon
Upang sa utak ko'y kapayapaan magkaroonImahinasyon ko kasama ka aking pupuksain
Masakit na katotohan aking tatanggapin
Na kahit anong gawin
Di mo ako makakayang mahalinImahinasyon ko kapiling ka'y
aking sinusumpa
Sanay pagibig ko para sayo ay
maglaho na parang bula
Dahil alam kong wala rin naman
akong mapapalaSa tingin ko hanggang imahinasyon
Nalang ang lahat
Sana'y balang araw ay maghilom ang malalim na sugat
At ang nakaraan ay di na maungkat
Upang ngiti sa aking labi ay sumikat
Made by:
Annie E Delosreyes
BINABASA MO ANG
SPOKEN POETRY NG LAHAT
PoetryMga tula na tungkol sa mga maliliit na bagay na kahit kayo di nio pinapahalagahan ...jokee!!!😂