Prologue

1 0 0
                                    

Prologue

"I'm inlove with you, Mary Mitchell Cruz. I don't care if we break the rules, the laws, their hearts. This time, I'm giving up all my cards. I'm laying my name, risking my life on the line. I'm all on this, baby. I'm all for you."

"Pero Elijah, paano na si Klare? Di ba siya ang mahal mo?"
"Matagal na yun Mitch, ikaw na-"

"Aray!"

"Di ka pa gigising diyan ha? Gusto mong paluin pa kita nitong mga libro mo o susunugin ko nalang to?!" Hampas sa'kin ni mudra ng libro kong Until He Was Gone.

"Elijah huhu, mahal din kita. Mama naman eh! Ang ganda ng panaginip ko, si Elijah Montefalco pa naman yun."

Sinamaan ko ng tingin si mudra pero mas masama tingin niya sa'kin. Yung nababasa ko na 'If looks can kill, nilalamayan na siguro ako ngayon.' Basta yun.

"Putang-Aray!"

"Ano?! Minumura mo na ako ngayon bata ka?!"

"Put tang in a water ma hehe." Palusot ko. Buti nalang nabasa ko yan sa page ng wattpad, malaking tulong din.

"Ang dami mong palusot bata ka, susunogin ko talaga tong libro mo pag di ka pa babangon diyan!"

Ang bilis talaga mag-rap ni mama, dinaig pa si Suga hays.

"Ma, parang awa mo na. Wag po huhuhu. Nakasalalay po ang lovelife ko diyan." Agad kong hinablot kay mama ang libro at pumunta na sa banyo para maligo.

"Bilisan mo diyan! Kung ayaw mong pektusan!" Sigaw na naman ni mudra.

Ang galing talaga mag-rap ni mama, rhyme pa. Pati ako napapa-rhyme na rin hays.
Di bale na, baka si Deib Lohr naman mapanaginipan ko mamaya hehe.

Tinago ko na sa secret drawer ko ang Until He Was Gone na libro ko kasama ang dalawang Possessive Series baka makita ni mudra at sunugin talaga ng tuluyan ang lovelife ko huhu. Naligo na ako at pumunta sa dining room, sosyal di ba? Eh kusina lang naman yun.

Geu bojogaen Illegal Illegal
Andwae wiheome oh yes
So I call you illegirl illegal~

Pakanta-kanta pa akong pumunta ng kusina, bagay kasi sak'in ang kanta na yan, may isang dimple kasi ako sa kaliwa feeling ko tuloy para sa akin ang kanta hehehe. Feel lang naman yun.

"Kain na." Inilapag ni mama sa lamesa ang pagkain ko, sabay ng gatas na choco na paborito ko.

"Salamat ma." Nginitian ko siya at nag-dasal na bago kumain.

Tapos na kong kumain at toothbrush, dapat di yun kalimutan. Nagpaalam na ako kay mama at lumakad papuntang school dahil malapit lang naman at kuripot din si mama.

"Ohayo!" Pambungad ko pagdating ko sa room, as usual walang bumati pabalik. Forever alone na is me.

Grade 10 na kami, di pa rin nila ako pinapansin, haay saklap na buhay. Buti nalang nandiyan sina Noah at Rozen, ang Elizalde brothers na nakakapag-pasaya sak'in at nagpapakilig pa. Bahala kayo diyan, basta ako masaya.

Naghanap agad ako ng mauupuan at umupo na. Inilabas ko muna ang phone ko dahil wala pa naman ang adviser at tinignan kong may update na sa binabasa kong story sa wattpad. Pagkatapos kung tignan ay nag-daydream na naman.

"If I were to choose, I will invite the whole world for them to see how happy I am to see you walking down the aisle." Wika ko habang nakapatong ang mga siko ko sa mesa at hawak aking mukha.

"Saying fucking I do-"

Napahinto ako dahil nakatigilid na pala ako at nagkakatitigan sa isang hindi pamilyar na lalaki na katabi ng aking upuan.

"Weird." Sumbat niya at nagpatuloy sa kaniyang ginagawa.

Hindi ko nalang inintindi dahil sanay naman ako na pinagsasabihan ng ganyan ngunit di ko matanggap dahil mas hamak na weirdo siya sa'kin. May suot kasi itong makapal na bilog na reading glasses at basa-basa ang napakapal na libro. Parang dictionary ata sa sobrang kapal.

"Mas weird ka naman, at nerd pa." Umirap nalang ako.

Transferee siguro to, di ko naman nakita to last year nung grade nine pa ako. Dahil curious si atih, nagkunwari akong tumingin sa banda niya. And dami niyang books kaso mga pang subjects. Mahilig ako sa mga books pero novel books at wattpad books nga lang hehe.

"Hala! Hollow City yan diba?!" Excited na tanong ko dahil nakita ko na may libro siyang novel na nasa may ilalim ng isa pa niyang librong makapal.

"Yes, why?" Tanong ni kuya nerd habang abot niya sa Hollow City.

"Pwede patingin? Naiwala kasi ng pinsan ko ang akin." Pagmakaawa ko with matching puppy eyes pa yan ha.

Tinitigan lang ako ni kuya na nagdadalawang-isip pa.

"Isosoli ko naman agad hehe."

"Ok." Yes! Binigay sa'kin ni kuya nerd ang libro at bumalik na din agad siya sa pagbabasa.

"Thanks." Ngiti ko sa kaniya kahit di naman siya nakatingin.

Feeling ni kuya ah, kala mo isang wattpad character siya. Hmp. Buti nalang pinahiram niya, nakabawas ng galit hehe.
Binuklat ko ang libro at namangha ulit. Buwesit na pinsan na yun, iniwala ang libro ko. Favorite author ko pa naman. Sequel ito ng Miss Perigrine's Peculiar Children ni Ransom Riggs, haay miss ko na yung libro ko. Katabi ko pa yun matulog dati.

"Ten peculiar children flee an army of deadly monsters." Pagbasa ko sa libro, itutuloy ko na sana ang pagbabasa ngunit naunahan ako ni kuya nerd.

"And only one person can help them-but she's trapped in the body of a bird." Pagpatuloy niya sa binasa ko habang di pa nakatingin sa gawi ko.

Pinalakpan ko si kuya nerd ng napakalakas resulta kong bakit napatingin mga kaklase namin. Nakatingin agad sak'in si kuya at ngumisi.

"Wow. Memorize ah." Tinaasan ko siya ng kilay, akala ko ako lang ang nagme-memorize ng mga linya sa novel books at nerd pa na mga makakapal pa na mga subject books ang binanabasa.

Hindi niya pinakinggan ang sinabi ko.

Ibang klaseng bookworm pala to eh.

Not Your Typical BookwormTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon