Chapter 1

1 0 0
                                    


Badtrip



Lalakad-lakad ako habang nagbabasa ng libro, nasa climax na ako nang nabanggo ako sa pintuan ng classroom namin.

"Hahaha Maria tanga." Tawa ng tawa ang kaklase kong impakta.

"Bubu, Mary hindi Maria heh!" Sabay irap ko.

Di ko na ininda ang sakit dahil sanay na naman ako minsan pa nga mas malala pa diyan sa pinto. Haay, di ko na pinansin dahil yun naman ang ginagawa ng mga bida sa wattpad.

"Ang laki ng eyebags mo Maria hahaha" Napansin niya pa na yumuyuko ako dito habang nagbabasa pa din. Ganun na talaga kalaki eyebags ko?

"HAHAHAHA kung anong ikinalaki ng eyebags yun naman kinaliit ng boobs." Nakitawa na din ang mga kaklase ko.

May boobs nga siya eh kung ano naman kinalaki ng boobs niya yun naman kinaliit ng utak.

"WattPADER nga di ba? Hahaha" Dagdag pa ng balyena na kamag-anak ni Ursula.

"Eh di mas hamak na mas malaki tiyan mo at mas malaki bunganga niya di ba?" Natahimik si Ursula sa sinabi ko at siya naman ang tinawanan.

Inirapan ko nalang sila at pumunta sa upuan ko. Mga walang magawa sa buhay, mag wattpad nalang kaya sila sa ganun kahit magka-eyebags na pupunta sa pagkalabo ng iyong mata na habang lumalakad ka di mo napansin na may nakabangga ka pala na napakagwapong lalaki at tutulungan kang tumayo tapos magkakatinginan kayo at dun na nagsimula ang lovestory niyo di ba? Kaya mag wattpad kayo!

Umirap nalang ako ulit, tahimik na silang lahat dahil dumating na ang adviser namin. Discuss lang ng discuss si Ma'am, habang ako ay nakatunganga lang. Wala na tuloy akong ganang mag daydream dahil sa isang kuyang nerd na nakikita ko sa aking peripheral vision na kanina pa nakatitig sa'kin.

"Picturan mo nalang kaya para di na mawala pa kesa sa titigan mo ako diyan na wala ka namang mapapala dahil di kita type." Tinignan ko siya na namangha pa sa sinabi ko.

"Pffft. Your eyebags are just really big." Natatawa niyang sabi na inoobserbahan pa ang eyebags ko.

"Oh really?" Sarcastic na tanong ko.

"Really." Sumagot pa talaga.

Whatever. Di ko nalang siya pinansin at nakinig nalang sa lesson. Kahit lagi akong nagwa-wattpad, at least malaki pa rin grades ko. Di tulad sa mga bungangera kong classmates.

Ginawa kong unan ang mga kamay ko at yumuko sa lamesa na nakatingin kay kuya nerd.

Seryoso itong nakikinig sa klase, ang tangos ng ilong niya in fairness at ang mga pilik mata niya'y mahaba. Para tuloy akong nagde-describe ng isang character sa wattpad haays. Parang may kamukha nga siya eh.

Tapos na ang dalawang subjects kahit di ako nakikinig, tinititigan ko kasi si kuya nerd. Hanggang sa recess na, dun pa din ako. Di ko nga pala alam name niya. Lumapit ako sa kaniya at tiningnan kung ano ang sinusulat niya. Isang mock exam pala, nerd talaga. Sinulatan muna niya ang blankong para sa pangalan.

"Xenon—" Sambit ko sa kawalan. Anong klaseng pangalan iyon?

"Ano? Anong apelyido?" Tanong ko habang hinihintay ang sunod na isusulat niya.

"Ang tagal naman, isulat mo na kaya." Lumapit pa ako sa kaniya, ang tagal makasulat nakalimutan ata apelyido niya.

"Quit it." Bigla akong natauhan sa sinabi niya.

"Ay hehe. Anong apelyido mo? Montefalco ba o Elizalde?" Excited na tanong ko.

Pinatuloy niya ang pagsulat at nakita ko na ang apelyido. Na disappoint naman ako, akala ko pang wattpad last name.

Not Your Typical BookwormTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon