Chapter 2

1 0 0
                                    

Smirk



Maaga kaming pinauwi dahil may meeting ang mga teachers namin. Ang saya-saya ko dahil makakapag-basa na naman ako ng wattpad. Pauwi na ako ng nakita ko si kuya nerd na parang sumusunod sa'kin.

"Bakit mo ako sinusundan Mr. Montagio?" Tanong ko sa likuran ko habang patuloy na naglalakad.

Di siya sumagot at patuloy din ako sa paglalakad. Lumiko ako sa kanang kanto at lumiko din siya, stalker ang peg niya. Kating-kati na akong tanungin siya kaya huminto ako, nabangga siya sa aking likod na muntikan na kaming madapang dalawa pero nahawakan niya ang beywang ko. Nahulog ang kaniyang hawak na libro. Nagbabasa pala siya habang naglalakad. Nerd!

"Why did you stop?" Poker-face niyang tanong.

"Why are you following me?" Naka smirk kong tanong.

"I am not following you." Poker-face pa rin ang kuya kahit huling-huli na sa akto.

"Oh really?" Nakapalumbaba na ako, di pa rin niya tinatanggal ang paghawak sa beywang ko.

"Really." He said straight into my eyes.

"Eh ba't ka nakasunod sa likod ko?" Nakangisi kong tanong.

"My house goes that way." Pinaharap niya ako papunta sa bahay namin. Ngayon parang naka hug naman siya sa likuran ko.

"Now, if you'll excuse me Ms. Maria." Binitiwan niya na ang pagkahawak niya sa beywang ko at pinulot ang nahulog niyang libro.

Well, hindi naman yun sobrang nakakahiya. Hindi din naman ako masyadong assuming dahil may crush talaga yun sa'kin, nararamdaman ko pero sorry ka nalang kuya nerd hindi kita type.

"Mary! Hindi Maria!" Sigaw ko sa kaniya pero parang di naman niya narining.

Nauna na siyang naglakad habang ako ay nagre-recover sa mga pangyayari. Tinignan ko lang siya papunta sa katabi ng aming bahay. Kapit-bahay pala kami.

Nagdesisyon na rin akong umuwi. Pagkapasok ko ng bahay, nadatnan ko si mudra na nanonood ng tv sa sala. Umupo ako sa tabi niya at nagmano. Mabait akong bata kahit papaano.

"Oh, kamusta ang school?" Tanong ni mama habang nakatitig sa tv.

"Nakatayo pa rin at sana mabagyuhan para wala—ARAY!"

"Kung uunahin ko kayang pabagyuhin ang kwarto mo sa ganun malunod ang mga libro mo?" Nag-uusok na naman ang ilong ni mudra.

"Ok lang po ang school ma, ganun pa rin po." Naka-pout kong sabi.

Alam kong di naman tinotohanan ni mama ang sinasabi niya, talagang rapper lang siya.

"'Ma, may bagong kapit-bahay pala tayo? Ba't di ko alam?" Curious na tanong ko sa kaniya. Bumuntong-hininga si mudra saka bumalik sa panonood ng tv.

"Noong summer pa yan, pina renovate lang ang buong bahay." Sagot ni mama.

"Summer? Ba't ngayon ko lang alam ma?" Naguguluhan ako kay mama.

"Di ka kasi lumalabas bata ka." Ayan na naman, magra-rap na naman si mudra.

"Ahh ganun ba ma, sa susunod lalabas na ako." Biro kong sagot.

"Aba, mukha ka nang bampira sa balat mo. Magpa-araw ka din pag may time anak." Ayan na.

"Ok po ma, bibihis lang po ako." Bilis na sabi ko.

Agad akong umakyat papuntang kwarto, nakalimutan ko tuloy tanggalin ang sapatos ko sa baba. Tinanggal ko na ito at inisa-isa namang tanggalin ang butones ng blouse ko. Nasa ikatatlong butones na ako ng pag-harap ko sa bintana kong bukas ay nakita ko si kuya nerd na nakatinging seryoso sa'kin.

Not Your Typical BookwormTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon