Dumating ang mga Black Martian sakay sa kani-kanilang Visory o Spaceship fighters.
Hindi naman magpapatalo ang aming kaharian kapag Visory na ang pinag-uusapan.
Lumipad naman ang halos sampung Visory o spaceship fighters namin.
Kinalaban nila ang mga umaataking Black Martian.
May lumalabas na kulay pulang energy blast sa mga blaster ng Visory namin, pero hindi nila matamaan ang mga Black Martian dahil magaling silang mga piloto.
Nagpaikut-ikot sila sa ere at nagpaliku-liko at ang galing nila.
Maririnig ang tunog ng mga Visory kapag mabilis silang dumadaan.
Makikita rin ang mga blaster cannons namin o ng Red Martian Kingdom na tumutulong din. Naglalabas ito ng kulay green na energy blast at pinatatamaan nila ang mga Visory ng mga Black Martian.
Bakit kaya sila umaatake? Ano ang dahilan nila kung bakit sila umaatake?
"Fire!" sigaw ni General Grood na naririnig ko mula sa malayo.
At maririnig ang mga malalakas na pagsabog.
Makikita rin ang ibang Red Martian Armies na umaatake gamit ang kani-kanilang blasters na naglalabas ng kulay pulang energy blast.
Pero kahit anong gawin nila, wala na talaga silang magagawa.
Nakikikita ko na dumadami na ang mga Visory o spaceships ng mga Black Martian.
At nagulat pa kami ni Sandro nang biglang dumating ang isang Mothership.
Napakalaking spaceship nito, puno ng mga ilaw na parang mga bituin at kulay itim siya.
Unti-unti nang bumabagsak ang aming pwersa.
Nakikita ko na nasusunog na ang ibang parte ng kaharian.
Nakikita na rin namin ni Sandro ang ibang Red Martians na nagkakagulo na.
Bigla naman akong hinila ni Sandro at tumakbo kami patungo sa mga Escape visory o spaceship.
Matatagpuan ito sa Visory Area.
Ipinasok niya ako sa isang spaceship.
"Teka lang Sandro, ano ang ginagawa mo?!" sigaw ko habang pinopukpok ang glass na harang ng pinto ng Visory.
"Mag-iingat ka Dalistro" tipid niyang sabi habang pinipindot ang kung ano sa isang launchpad o parang computer.
"Coodinates locked, Landing location: Earth" sabi ng babaeng computer voice.
"Ano?! Sandro, ano naman ang gagawin ko sa Earth? Sandro, Sandro!" sigaw ko sa kanya.
"Bumabagsak na ang Kaharian natin Dalistro, sinusugod na tayo ng mga Black Martian. Mas mabuting nasa Earth ka, ligtas doon at malayo sa gulo. Lagi mo lang tatandaan Dalistro na hindi masama ang tumakas minsan sa mga problema, dahil kapag sugod ka lang nang sugod ay parang lumalaban ka lang nang hindi nag-iisip, minsan kailangan din nating tumigil at isipin ang mabuti kaysa isipin ang tama" sabi niya sa akin at pinindot niya ang isang buton.
"Sandro! Sandro! Sandro!!!" sigaw ko sa kanya sabay pukpok sa glass na harang.
"Seatbelt activated" sabi ng computer voice ng sinasakyan kong spaceship at bigla na lang akong napaupo ng diretso at parang hindi makagalaw.
"Ano ito? Sandro! Sandro!" sigaw ko habang nagpupumiglas.
"Ready to launch in 10, 9, 8, 7, 6, 5, 4, 3, 2, 1! Ignition start!" sabi ng computer voice.
At biglang lumipad ang sinasakyan kong Visory o spaceship.
Lumipad nga ako at naiwan ang aking kapatid.
At pagkatapos noon ay hindi ko na alam kung ano na ang nangyari.
*End of flashback*
******
BINABASA MO ANG
THE RED ARMOR (CSU SERIES #1)
Science FictionOne Planet. Two Race. Three Enemies. Four Heroes. One Red Armor. It's a story about Dalistro Angernaut, a Martian, Scientist and Inventor. Ano kaya ang istorya niya kung bakit siya napadpad sa Earth? At ano kaya ang magiging papel niya sa T.S.M.A. o...