Special Chapter

169 15 1
                                    


Dalistro's POV

Pagkalapag ko sa aking Building ay dumiretso ako agad sa aking opisina. Ako lang mag-isa dahil pumunta rin si Solomon sa kompanya niya.

Madilim at napakatahimik ng buong lugar dahil gabi na at wala nang natitirang empleyado. Ginamit ko ang ilaw na nagmumula sa palad ko o sa glove ng Red Armor ko na kasalukuyan kong suot.

Bubuksan ko sana ang pinto ng opisina kong gawa sa glass pero laking gulat ko bumukas lang ito ng mag-isa.

Mukhang may nakapasok!

"A.N.N.I.E i-scan mo ang buong opisina ko!" sabi ko.

"May nasasagap po akong isang kakaibang uri ng tao... Ayon sa isang classified data, isa siyang Mythmen" sabi ni A.N.N.I.E.

"Magpakilala ka!" sigaw ko habang nakabukas ang aking palad o ang laser blaster.

Madilim ang lugar kaya halos wala akong nakikita, sa hologram projector lang kasi ako nakatingin na nasa loob ng aking helmet.

"A.N.N.I.E. buksan mo ang mga ilaw!" sabi ko at biglang lumiwanag ang buong lugar.

Bigla namang may nagsalita...

"Dalistro Angernaut, isang Martian, isang Red Martian. May itatanong lang ako... Naniniwala ka ba sa magic?" sabi ng isang taong nakaupo sa aking upuan. Para siyang matandang lalaking cowboy.

Tumayo siya kaya nakita ko nang lubusan ang kanyang mukha.

May mga mata siyang nagkukulay silver. Nakasuot siya ng kulay itim na coat, boots at sumbrero. Napansin ko naman ang dalawang kulay silver na revolver na baril niya na nasa kanyang tagiliran.

"Ako si Thumpyr Drangerock... Isa akong Mythmen o isang taong may kakaibang kakayahan sa paggamit at pagkontrol ng mahika. Isa akong Councilmen ng isang asosasyon na kung tawagin ay T.S.M.A. o The Secret Magic Association. Isang ahensya na hindi alam ng mga tao. Nais ko sanang imbitahan ka at maging isa sa mga Councilmen nito. Alam mo, bilib na bilib ako sa iyong katalinuhan. So, ano na ang sagot mo sa tanong ko?"

"Isang Asosasyon ha? Mahika? Sige payag ako!" sabi ko.

***************

*Fast Forward*

At mula nung araw na 'yun ay naging isa na akong Councilmen at Head ng Magical Research and Technology Division ng T.S.M.A.

Maraming taon na rin ang lumipas nung nangyari ang lahat ng ito at hindi ko pa rin nakalilimutan... Alam niyo 'yun, parang hindi ko yata nakalilimutan ang lahat ng bagay.

Ah... Nasa loob pala ako ngayon ng Research lab. ng T.S.M.A., ginagawa ko ngayon ang request ni Thumpyr na pagandahin ko pa lalo ang mga Teleportation ball o Telecore para raw mas mabilis na siyang makapunta sa Legendaria.


"May isang mensahe po kayo, mula po sa inyong kapatid na si Sandro" sabi ni A.N.N.I.E.

"Ano ba ang nilalaman nito?" tanong ko.

"Kailangan daw niya ng tulong mo, kasalukuyan daw silang inaatake ng mga Ethorthemians kasama sina Captain Brooz at Karisha, mukhang bumalik talaga sila pagkatapos ng maraming taon. Mukhang nagpalakas talaga sila at bumalik para lang sa Stone of Endless Energy. Dalian mo Dalistro, kailangan na kailangan kita ngayon dito!" sabi ni A.N.N.I.E habang inilalahad ang mensahe.

"Ano?!... Mukhang magagmit ko na naman ang Red Armor ko!" sabi ko.

Dali-dali akong tumakbo agad papunta sa aking Transformer chamber.

Para lang itong elevator o parang maliit na silid.

Nahati sa dalawa ang pinto at bumukas ito. Agad akong pumasok dito at agad din itong sumara.

"A.N.N.I.E. Red Armor Activate!" sigaw ko.

At biglang may nagpakitang maraming robot arm na mabilis na ikinabit sa aking katawan ang mga parte ng aking armor at mabilis ko ngang itong naisuot ng ganun ka bilis.

"Saan tayo pupunta sir?" sabi ni A.N.N.I.E.

"Sa Mars tayo!" sigaw ko at biglang bumukas ang kisame ng kinalalagyan kong Chamber.

Agad akong lumipad ng napakabilis.

Dahil nasa ilalim ng lupa ang Headquarters ng T.S.M.A. kailangan ko munang dumaan sa isang daanan na para bang chimney papunta sa taas.


Lumabas ako sa isang balon na matatagpuan sa people's park ng syudad na isang sikretong labasan.

Lumipad ako agad ng mabilis at ginamit ko agad ang Hyperjump para mabilis akong makapunta sa Mars.

"Maghintay ka lang Sandro, malapit na ako!" sigaw ko.

**********

THE RED ARMOR (CSU SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon