Chapter 50
Dana's Point of View
"Mom? Yes. Papunta na ako," i said through the phone. Pinapapunta kasi niya ako sa office niya, "alright. See you in fifteen," i said then i hung up.
Shet! Natetensyon na ako. 3 days before the wedding! Bakit parang ako pa yung nakakaramdam ng wedding jitters? Nyeta lang, Dana. Ikaw ang ikakasal? Pero kasi.. kinakabahan ako para kay Cyriel.. Kahit alam kong mahal niya ako, hindi pa rin maalis sa isip ko yung kayang gawin ni Ynna.. She already did the worst, what more can i expect?
Pagdating ko sa office ni Mom, wow. Ang busy ng mga tao. May ilalabas nga pala sila na collection ngayon kaya hectic ang schedule nila. Kung dati si Dad lang ang halos hindi na tumira sa bahay, ngayon kahit si Mom ganun na din.
Lumapit ako sa secretary dun, "Margo, si mom?"
"Good morning, Ma'am Dana! Pasok po kayo sa loob," sabi niya sakin with full smile. Oo nga pala, siya nga pala yung secretary ni mom na tinulungan ko dati.
Pumasok na ako sa office ni mom, "Mom?"
Tumingin siya sa akin, busy kasi siya sa sketch na ginagawa niya, "Kathryn, just sit for a while. I'll just finish this."
Umupo muna ako sa couch niya while waiting. Kinuha ko din yung phone ko.
Si Andy..
'Dana..'
'Dana.. Mag usap naman tayo..'
'Please. Hindi talaga kami nagddate ni Nof! Ikaw lang ang mahal ko..'
'Dana naman..'
Puro ganito ang laman ng texts ni Andy.. Simula nung makita namin sila ni Sara sa mall, lagi niyang sinasabi na wala hindi sila nagddate ni Nof. Sinabi ko naman sa kanya na si Cyriel ang mahal ko.. Siguro mas magiging ayos pa ang lahat kung totoo nga yung sa kanila ni Nof.. Siguro..
Binura ko na lahat ng texts ni Andy.
Lagi mong tatandaan si Cyriel, Dana. Kaya mo yan!
"Kathryn?"
Tumingin ako kay mom, "Yes?"
"Can i ask for a favor?"
"It depends," i chuckled, "just kidding. Ano ba yun, mom?"
She straightened her sit, "as you can see, the whole office's a mess. Malapit na kasing irelease yung collection this quarter."
"Then?"
"It seems that there's a problem with one of our botique. Can you go and check it out? I'm darn too busy. Everybody in here is busy. I'm counting on you, Kathryn."
God. Yun lang pala ang problema ni Mom. Akala ko pa naman kung ano na.
"Alright," i said.
Umalis na ako sa office ni mom right after that coversation. I swear, hinding hindi ako magttrabaho dun pagka graduate ko. Ang taas ng pressure. Mas gusto ko pang gumawa ng sarili kong line.
Pumunta na ako sa botique namin sa isang mall sa west. Hindi naman pala masyadong malala yung problem, may nagreklamo lang na customer tungkol dun sa isang customized dress na pinagawa niya. Nakipag usap na lang ako dun sa babae. Is it our fault that she gained 25 pounds kaya hindi magkasya yung damit na last month niya pa pala pinagawa??
BINABASA MO ANG
Good Girl Gone Bad (PUBLISHED)
Teen Fiction(For Hire: A Damn Good Kisser Book 2) Meet the new Dana Kathryn Ferrer. A little bit older and wiser, and a lot more confident, Dana-or DK, as she now prefers to be called-is the life of every party. Since he-who-must-not-be-named left her, DK has r...