Chapter 58

486K 7.3K 2.8K
                                    

Chapter 58

"Let's talk," sabi niya habang nakatingin sa aming dalawa ni Josh.

"About?"

"About us," sabi niya. 

I sipped my drink, "dito na lang tayo. Ano ba yung sasabihin mo?"

He held my hand, "sa labas tayo, please? Dana?"

I inhaled, "bakit ba kasi kailangang sa labas pa? Ganun ba yung kaimportante?"

He stared into my eyes, "it's about us, Dana. Hindi na ba importante sa'yo yun?" he said with a pleading voice.

Tumingin ako kay Josh, "excuse us for a while," i said tapos naglakad ako palabas ng bar.

Tahimik lang kami habang naglalakad. I don't know how to start a conversation with him. Naninibago ako.. ewan ko. Everything weren't the same as before.

It took me a minute bago ako nakapagsalita, "what about us, Cyriel?"

Nakatingin lang siya sa'kin, "okay pa ba tayo, Dana?"

Natawa ako sa tanong niya, "of course we're not okay! Hindi ba halata? Ganun ka na ba ka focused kay Ynna para hindi mo mapansin na hindi tayo okay?" sarcastic kong sabi sa kanya. I don't want to argue tonight kung pwede lang. Ang dami ng complications eh, wag na sanang dagdagan pa.

Lumapit siya sa'kin, "Dana naman.. Napag usapan na natin 'to, di ba?"

"Napag usapan na natin, oo. Pero nasasaktan ako, Cyriel! Hindi ako sanay na lagi na lang second priority, na lagi na lang option. Na ako ang kasama mo pag okay si Ynna, pero pag biglang nagka problema kay Ynna, bigla ka na lang mawawala sa tabi ko. Hindi ako sanay sa rejection, Cyriel. Pero dahil sa'yo, nasasanay na ako.. At ayokong masanay. Hindi ko gustong masanay."

He spoke, "sorry, Dana. Sorry kasi wala akong kwentang lalaki kasi lagi kang nasasaktan dahil sa'kin," lumapit siya sa akin tapos hinawakan niya yung kamay ko, "pero wag mo akong sukuan, Dana. Ikaw lang yung dahilan kaya kinakaya ko pa lahat ng nangyayari sa buhay ko."

"Napapagod din ako, Cy. Ako yung dahilan kaya hindi ka sumusuko.. pero hindi mo man lang ba naisip na baka ikaw naman yung dahilan kaya gusto ko nang sumuko?"

Pagkatapos kong sabihin yun, unti unting napaluhod si Cyriel sa harap ko. Sinubukan ko siyang itayo pero.. "wag mo namang sabihin yan, Dana.. Ang sakit eh.. Tinitiis ko na laging wala sa tabi mo kasi alam kong baka mas masaktan ka pag nakita mong kasama ko si Ynna. Alam mo ba kung gano kasakit na wala ka na naman sa tabi ko?? Palagi na lang ganito, lagi na lang may dahilan para hindi kita makasama. Pero wala akong pakielam sa lahat ng dahilan na yun, Dana. Alam mo kung bakit?

Kasi mahal kita."

Nakaluhod pa din siya sa harap ko habang sinasabi yun, "mahal din naman kita. Pero parang palaging may mali.."

Tinignan niya ako, "mahal kita, mahal mo ako. Walang mali dun.."

Nagsalita ako, "pero ako? Sa tingin mo ba ayos lang ako dun, ha, Cyriel? Naisip mo ba yung nararamdaman ko??"

Hinawakan niya yung kamay ko, "sandali na lang, Dana. Hintayin mo ako.. Sandali na lang.."

"Nakapaghintay ako ng halos dalawang taon, Cyriel. Sa tingin mo hindi ko kayang maghintay ng ilang buwan? Of course i can! Pero hindi yun ang tanong.. Ang tanong, kung hindi pa ba ako napapagod.. because frankly speaking, i'm getting tired."

Akala ko nagkamali lang ako ng tingin na may pumatak na luha galing sa mata ni Cyriel.. Pero mali pala ako.. Totoo nga.. Umiiyak siya dahil sa'kin.. Unang beses ko siyang nakitang umiyak.. at ako pa ang dahilan. Tama pa ba yung ginagawa namin? Palagi na lang may nasasaktan, may umiiyak.

Good Girl Gone Bad (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon