Chapter 52
Andy's Point of View
"You sure?" Tanong sa'kin ni Nof habang sinusubukan kong tumayo.
Tumango na lang ako tsaka sinubukang igalaw yung kaliwang paa ko. Inalalayan niya ako habang nakahawak ako sa isa sa mga hawakan, "sht," nasabi ko na lang nung natumba ako.
Bigla bigla namang lumapit sa'kin sila Nof at Dave nung napaupo ako, "pare, dahan dahan lang. Wag mong biglain yung paa mo, baka lalong mapatagal yung recovery mo eh."
Ilang araw na ba mula nung maaksidente ako? 9 days? Ang bilis lang ng araw, ang dami na ding nangyari. Hindi natuloy yung kasal ni Ynna at Cyriel. Masaya ako para sa kanya kasi alam ko naman na hindi niya mahal si Ynna kaya parang nakakaloko lang kung matutuloy pa din yung kasal. Pero para sa sarili ko? Nalulungkot ako. Nalulungkot ako kasi alam ko sa sarili ko na sa mga nangyayari, mas malabo na maging kami ulit ni Dana.. Lalo na ngayon na hindi natuloy yung kasal. Ewan ko, hindi ko na talaga maintindihan yung sarili ko. T@ngina lang eh.
Umiling ako, "pare naman, birthday ko na bukas hindi pa din ako makalakad. Parang tanga lang," sabi ko sabay subok ulit na tumayo at maglakad.
Binatukan ako ni Nof, "para ka ngang tanga. Magpumilit ka pa jan ng mas lalong tumagal ang recovery mo. Tss."
"Ilayo mo nga yang bestfriend mo, Dave. Inaatake na naman ng pagka abnoy eh," sabi ko kay Nof.
Inirapan ako ni Nof. Pikon talaga yun. Pero kahit ganyan yan, malaki yung utang na loob ko kasi isa siya sa mga nagbantay sa'kin simula nung ma confine ako dito. Kahit pa puro pang aasar at pangbabara lang yung naririnog ko minsan sa kanya, ayos lang. Hindi ko nga maintindihan kung bakit iniisip nila Dave na may kung anuman sa'min ni Nof kasi wala talaga. Para lang siyang kapatid eh. Wala kasi akong kapatid na babae kaya siguro ganun ako sa kanya, pwera na lang pag minsan kinukulit niya ako tungkol kay Dana kasi naaasar talaga ako. Pero bukod dun? Cool kami ni Nof. Balak ko ngang ipakilala yung kapatid ko kay Nof eh. Malapit na namang umuwi yata si Kuya Andrew eh, sa States kasi siya nag aaral ng Business Administration since siya yung papalit kay Dad. Tutal magbestfriend naman sila ni Kim, boyfriend-in niya na din yung kuya ko. Haha!
Ginulo ni Dave yung buhok ni Nof, "tara na nga. Baka mas lalong hindi makalakad si Andy sa pangungulit mo eh."
Dinilaan ko siya.
"Mukhang tanga, Andy," sabi niya sabay irap.
"Baboy," sabi ko.
"Bwisit!!" Sabi niya sabay labas ng pinto. Hahaha! Pikon kasi. Siya kasi yung kumakain ng pagkain ko dito eh. Ang takaw lang eh.
Bago sundan ng Dave si Nof sa labas, lumapit muna siya sakin tapos may inabot, "bigay niya. Hindi pa din siya makapunta eh. Sorry, pare."
Tumango na lang ako, "sige. Ingat kayo pauwi."
"Punta kami bukas sa birthday mo."
Lumabas na si Dave, naiwan na naman ako mag isa. Sa buong 10 araw na pagsstay ko dito sa ospital, isang beses pa lang ako dinalaw ni Dana. Ang nakakainis pa dun, yun pa yung panahon na tulog ako. Pero okay na din siguro yun kaysa wala. Konti na lang naman eh.. Nararamdaman ko na malapit na akong sumuko..
Tinignan ko yung bigay niya. Libro. Ngumiti na lang ako. Kung anu ano yung binibigay niya, libro, cds, dvds, pero sana magpakita siya sa'kin. Mas gusto ko yun eh, lalo na na birthday ko bukas. Sa totoo lang, hindi talaga ako mahilig mag wish pag birthday ko pero susubukan kong humiling ngayon.. Sana malaman ko na yung dapat kong gawin. Nahihirapan na din kasi ako..
--------------------
Cyriel's Point of View
"Senorito Cyriel, nandyan po ulit si Miss Ynna sa baba," sabi nung isa sa mga katulong namin.
BINABASA MO ANG
Good Girl Gone Bad (PUBLISHED)
Teen Fiction(For Hire: A Damn Good Kisser Book 2) Meet the new Dana Kathryn Ferrer. A little bit older and wiser, and a lot more confident, Dana-or DK, as she now prefers to be called-is the life of every party. Since he-who-must-not-be-named left her, DK has r...