Chapter 23: Bye

2.5K 76 6
                                    

"Do you have to go?" nakanguso kong tanong.

May family outing si bea at mamaya na ang alis niya. Gusto ko sanang sumama kaso may exam ako this week.

"Gusto mo wag nalang ako sumama sa family ko?.."

"No..no.." i held her hand and kissed the back of it "I dont want you to miss your family outing. Nagjojoke lang ako love. 3 days lang naman yun, hihintayin ko pagdating mo"

Pinilit kong ngumiti kahit nasasaktan na ko ngayon. Bakit kasi kailangan pang umalis ng love ko? pero naiintindihan ko naman talaga dahil minsan lang sila magkaroon ng family gathering.

Pero 3 days without the love of my life, tangina bigti na ba ako?

"Sayang naman hindi ka makakasama. Galingan mo sa exams mo ha, para naman hindi ka nakakamiss ng UAAP" pang aasar niya saka pinitik yung noo ko

"Kaya ko yung exams love. Nasobrahan lang talaga ako sa talino dati kaya namiss ko yung Season 78"

"Ok. Matalino ka nga talaga love wag mo lang sobrahan at kailangan ka ng team niyo sa season 81" parehas naman kaming tumawa

Pinagpatuloy lang namin ang pagkain habang nagkekwentuhan. Nasa usual buffet restaurant kami ngayon kasi we'll spend the day together since mamaya na agad yung alis nila.

Pagkatapos namin maglunch ng sabay, dumeretso muna kami sa mall dahil may bibilhin daw siya para sa mga tita niya.

Nasa may blue magic kami ngayon at naghahanap pa si bea ng pwede niyang iregalo sa relatives niya.

Naglalakad lakad lang ako ng may makita akong baby lion na stuffed toy at isang baby turtle na magkatabi. Hmm..favorite ata kami ng blue magic at pinagtabi talaga ang lion at turtle.

Patago kong kinuha yun at nilagay sa bag ko HAHAHAHA JOKE! Patago ko yung binili at nilagay agad sa bag ko. Ibibigay ko to kay bea mamaya para kapag namimiss niya ako, yayakapin niya lang yung turtle at kapag naman mamimiss ko siya, kakausapin ko nalang yung lion.

Cheezy ba? Wala eh, mahal na mahal ko kaya kahit baduy, nakakakilig at nakakagaan ng loob.

"Are you done choosing na ba?" i asked

"Yeah but im stucked between buying this large teddy bear nalang para sakanila or isa isa silang may teddy bear. Shucks wala talaga akong alam sa pagbibigay ng stuffs" napaface palm pa siya kaya natawa ako

"I'll help you nalang love" i showed him a convincing smile and tinulungan siya maghanap.

"What if this neck pillow nalang para sa adults niyo since lahat naman sainyo may kotse then small bears nalang para sa mga maliliit mong pinsan" i suggested and tumango naman siya.

Natapos na kaming mamili nang lahat at ako ang may dala ng lahat nang yon.

"Turks and ice cream tayo love!" yaya niya at tumango naman ako

Sinusubuan niya lang ako dahil madami din yung dala ko. Nakaupo kami sa may food court habang parehas kami nag uusap about sa pupuntahan nila.

"Wait lang love, may puntahan lang ako" she excused herself and i just nodded.

I waited for her and finally, she came back

"San ka galing love?"

"Dyan lang love. So tara na? Parehas pa tayong may class ngayon eh"

Shit may klase pa nga pala ako pero ayoko munang umattend. Mamimiss ko girlfriend ko ng sobra.

"Love, mamaya na yung alis mo. Baka naman pwede magsama muna tayo buong maghapon"

I'll Never GoWhere stories live. Discover now