Chapter 1: That Girl

6.2K 78 0
                                    


T H I R D Y

"Hi bro." bati ko kay Matt Nieto na nakaupo sa tabi ni Raffy Verano.

"Late ka na naman Thirdy," umiling-iling pa ito. "Ang usapan 6PM pero anong oras na? 6:30!" idiniin niya pa ang oras sa'kin.

Hindi ko siya pinansin dahil hindi naman talaga ako maaga sa mga pupuntahan. Being early isn't my type and they often call me turtle because of that.

"Bro he's 30 minutes late!" biglang sabat ni Raffy at dalawa naman kaming napatingin ng may pagtataka sakaniya. "Pasalamat nalang tayo kasi 30 minutes lang diba? Dati nga patapos na tayo kumain, kararating niya lang." kwento niya at parehas naman silang natawa.

Sinamaan ko sila ng tingin. "Fuck you bros." umupo na'ko sa isa sa mga upuan. "San 'yung iba?" tanong kong pansin. 

I will be having a dinner here at the Grillers with the whole basketball team. Coach Tab was the one who invited us to get along together today 'cause it seems like he's having a very good mood.

"Bakit nga pala natin inaaway si Thirdy ngayon eh maraming wala?" natatawang sabi ni Raffy.

"Masarap kasi awayin si Thirds." natatawa rin si Matt.

"Sapakin kaya kita." pagbibiro ko sakaniya.

"Biro lang naman bro. Alam mo namang mahal na mahal kita eh." and he acted cute.

"Cringe." sabi ko nalang at umiwas na ng tingin sakaniya.

Matt Nieto can be a little creepy sometimes.

"Goodevening brodies!" Anton greets and the rest of the basketball team arrives including Coach Tab.

"Parang nag-usap kayo na malate ah?" sarkastiko kong sabi sakanila.

"Oh wait, wait," sabat ni Aaron na parang may ipupunto. "Excuse the three of you, we cleaned the whole gym and that's why we're late."

"Calm down, exams namin ngayon remember?" sabi ni Raffy na nagpa-alala naman sa lahat kung bakit hindi kami nakatulong sakanila kanina.

"Let's eat?" Coach Tab interrupted and smiled, pinalakpak pa ang dalawang kamay.

"He's in a good mood." bulong samin ni Anton at gaya ng sinabi ko kanina, good mood nga talaga si Coach.

"I see." pagsang-ayon ni Tyler.

We're all having a great time eating and talking about basketball stuffs and sometimes, the topic would shift realquick to girls. Well, we can't avoid that. It's in every men's nature as long as hindi namin binabastos, diba?

"That's Ateneo Lady Eagles, right?" Gian said pointing the volleyball girls entering the restau.

"Let's invite them here. There's my sister, Kat." Vince Tolentino suggested.

Tinititigan ko lang silang lahat nang mapansin ko si Isabel na tawa ng tawa kasama si Jho. They are really close though, I often see them on twitter.

Tinawag ni Matt ang mga babae at nakangiti naman silang pumunta sa'min since close rin naman nila kami.

"Dito na kayo kumain," pag-anyaya ni Matt. "Padagdag nalang tayo ng tables."

Our tables are now connected and since I'm sitting at the corner, Bea de Leon is sitting beside me. I felt some kind of awkwardness between us 'cause we haven't been talking to each other since we're in highschool.

Nag-usap na ang lahat pero ako ay walang ganang makisali at busy lang ako sa paggamit ng phone.

"Hey, Thirdy." I looked at someone who called me and saw Bea close up while smiling.

"Oh," saglit akong natigilan. "Hi." bati kong pabalik.

"Bakit hindi ka nagsasalita dyan?" tanong niya na parang natatawa.

"Not in the mood." I shrugged my shoulders.

"Arte mo rin no?" natatawa niyang pang-asar at nahampas niya ako sa braso dahil sa pagtawa.

"Aw." ganito ba talaga ang mga babae 'pag masaya? Nanghahampas nalang bigla.

"Sorry! Napalakas ba?" natigil siya sa pagtawa at tinignan ako ng may pag-aalala sa mukha.

Umiling ako, "It's okay. Nabigla lang ako siguro."

"Sorry, sorry." pag-uulit niya.

"Ok nga lang Bea, smile na." sabi ko sakaniya at napangiti naman siya.

Sobrang ganda niya pag nakangiti, seryoso.

"By the way, here's my calling card." binigay niya sa'kin ang kaniyang calling card. "Incase you need someone to hit you up or kung trip mo lang. Just call me, anytime.

"Friendly." sambit ko at ngumisi.

"Ayaw mo ba? Siya sige, akin na!" kukunin niya na sana iyon ng mabilis ko 'tong nilayo.

"Drama naman ni Bea." pang-aasar ko.

"Ayaw mo ba?" ulit niyang tanong at saka ako umiling. "Buti naman at ayaw kong mapahiya." tawa naman siya.

"Are you sure that I can call you anytime?" paghahamon ko.

"Yeah, I'm sure." ngumisi siya.

"What if I call you every minute?" biro ko lang naman.

"Edi may gusto ka na sa'kin." tumawa siya at dinilaan niya pa'ko na parang bata.

"Excuse you, I'm not doing it anyway."

"Then we're cool."

"Beh!" Jho Maraguinot called her so she turned her head on Maraguinot's side

Napatingin nalang ako sa binigay niyang card at wala sa sariling napangiti. Hindi ko ba alam sa sarili ko, nababaliw na ata ako.

Ilang oras pa at napagpasiyahan na namin umuwi.

"Thank you for joining Girls" sabi ni Coach Tab sa mga babae.

"It was nice having a dinner with you all." nakangiting sabi ni Ponggay.

"Oo, ang ingay mo nga e!" nang-aasar na sabi ni Matt.

"Bully." naiiling na sabi ni Pongs.

"Goods na tayo ha?" nagsalita naman si Bea.

"Goods naman talaga tayo." sagot ko.

"Ang FC ko ba?" biglang tanong nito at kumunot pa ang kaniyang noo.

"Huh, No!" paninigurado ko sakaniya. "I actually had a great time talking to you and thanks."

"Ready for more adventures with me Mr. Ravena." she giggled.

-----

Support niyo to ha! HAHHAHAHA chos

I'll Never GoWhere stories live. Discover now