Sketch Pad

379 14 0
                                    


[Nerissa Point of view]

Matagal-tagal na rin pala nang huli akong umakyat sa Attic na ito. Halos lahat ng bagay dito ay nababalutan na ng mga agiw mabuti na lamang at may nakatakip na puting tela sa mga ito na nagsisilbi nilang talukbong mula sa mga alikabok. Teka? Bakit nga ba ako umakyat dito?

Hanggang sa matuon ang pansin ko sa isang pamilyar na bagay, sa isang malaking kahon. Nilapitan ko ito at binuksan. Bumungad sa akin ang isang bagay na nagkaroon ng malaking ambag sa pagkatao ko. Isang lumang sketchpad. Sa tuwing mamasdan ko ito, muling nananariwa sa isip ko ang mga naganap noon.


Ano ba naman 'yan kahit bakasyon na dala, dala ko pa rin ang trabaho ko. Wala na ba talaga akong pahinga? Tao rin po ako boss, baka pwede kahit isang araw lang makapagbakasyon ako nang matino. Pero kahit anong sigaw ko sa katapat kong puno ay wala pa rin akong nakukuhang sagot. Tama na, nakakahiya na itong ginagawa ko, pinagtitinginan na rin ako ng mga tao. Akala 'ata nila'y baliw ako.

Naglakad-lakad pa ako ng kaunti hanggang sa matunton ko ang isang mahaba at bakanteng upuan, dali-dali ko itong pinuntahan bitbit ang sandamukal na mga papers mula sa office. Para tuloy bumalik ako sa high school at may homework na dapat gawin.

"Sa wakas nakaupo rin." Sininghot ko ang sariwang hangin sabay ibinuga, nakakawala ng sakit ng ulo kahit papaano. Pagkatapos ay napapikit na ako.

"Takte! mag-aalas singko na!" napasigaw pa ako nang tignan ko ang wrist watch ko. Hindi ko akalain na makakatulog ako nang ganoong kahaba. Ang naalala ko lang, alas kwatro ng pumunta ako sa park na ito. Ano ba naman 'yan Nerissa. Dali pack up na. May mga ilang papel na nahulog sa damuhan at dinampot ko ito.

"Ano ba naman yan Neri kakaltukan na kita e, grow up, hindi na 'to katulad noong college ka na pa easy easy na lang. Nasa real world ka na! May real career ka na at may real boss ka na, may real income ka na rin. Kaya ayusin mo 'yang trabaho mo." Ano ba 'yan nasesermunan ko na tuloy pati ang sarili ko.

"Teka? Ano 'to, Hindi sa akin ito ah?" Dinampot ko ang isang papel at nang matitigan ko kung ano ang nasa papel. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o maasar. Grabe lang kasi, ang ganda ng pagkaka-drawing, parang gawang propesyunal, lapis nga lang 'ata ang ginamit, kaso ako lang naman ang subject ng nai-drawing.

Sa drawing, nakaupo naman ako. Habang bitbit ko pa rin 'yong mga papel, kasama rin sa drawing 'yong mga nagbagsakang papel na nasa kamay ko. T'as nakapikit ako sa drawing. Takte ang galing naman ng gumawa nito. Kuhang-kuha ako. Amazing! Kaya lang bad trip, nakakahiya roon sa nag-drawing, ibig sabihin matagal niya rin akong pinagmasdan. Pa'no na lang kung nakakanganga ako? Pero hindi naman siguro? Kung nakakanganga ako, e di sana nakanganga rin 'yong hitsura ko sa papel 'di ba?

Lumingon ako sa buong paligid, umaasa na makikita ko ang taong nag-effort na iguhit ako. Ngunit ang mga nakita ko lamang ay mga taong may kaniya-kaniyang pinagkakaabalahan, isang matanda habang inaalalayan ang kasama niyang batang babae, sa kabila naman ay isang babae at lalaki na naglalambingan sa katulad ng inuupuan niya at isang tindero na nagtitinda ng cotton Candy, t'as may tatlong bata na bumibili sa kaniya kasama ang isang lalaki at isang babae na sa tingin ko ay magkasintahan.

Sketch Pad (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon