If only I can

153 13 11
                                    

Back to the present

_____________________

Author Pov's

"Wow Lola nakakilig naman yung First Love niyo ang lakas maka teen ager like me Lola" 

"Malamang apo teenager pa ang lola mo nun ay di pala! patapos pa lang sa pagiging teen ager hehehe"

"La patingin nga po ng larawan niyo?"

        Iniabot naman ng matanda ang isang sketch kung saan naka drawing ang larawan ng babae at isang lalaki. Napakasaya ng larawan kung ito ay mamasdan. Halatang may pagibig na namamagitan sa dalawang taong naka drawing doon. 

"Lola ang gwapo nya po pala talaga, para siyang model 'no? Sana ako din ganito kagwapo ang maging boyfriend ko." kinikilig pang sabi ni Ana.

"Wag kang mag alala apo alam kong makakahanap ka pa ng mas gwapo , mabait at magmamahal sayo ng tapat. Hintayin mo lang"

"Sabi niyo nga po true love waits hehehehe"        

        Maya-maya ay may napansin si Ana na isa pang sketch, kinuha niya ito.

"Eh lola sino ho itong lalaki na ito?" dahan dahan naman kinuha ng matanda ang larawan at namuo sa kaniyang mga mata ang luha na para bang nagnanais  muling kumawala. Nakita ni Ana ang lungkot sa mga mata ng kaniyang Lola dahilan para maguilty halata naman kasi na may hindi nangyaring maganda.

"Lola sorry po, okay lang po kung hindi niyo ikukuwento"

"Hindi apo, kung naibahagi ko sayo ang masasayang araw sa buhay ko at gusto ko din ibahagi sayo ang pinakamalungkot kong araw." hanggang sa ang namuong mga luha ay tuluyan ng bumagsak.

_________________________________

/Flash back/

Nerissa Pov's

"Happy 8th Monthsary Pitchieko" hehehe yan ang tawag ko kay Slaxel naipangalan ko sa kaniya yung paborito kong unan hahaha.

"And happy 8th and forever monthsary  my sketchy" hahahaha ang weird ng tawag niya sa akin no, ewan ko ba dun hahahaha. Pagkatapos kong ibigay sa kaniya ang pinaghirapan kong gawin na isang pillows na may nakaburdang pangalan ko at pangalan niya tas may nakaprinted na mukha naming dalawa. Heheheheh ang cute niya kulay asul na unan.

        Tapos siya naman daw mag aabot ng regalo niya. Ang daya nga niya eh bago niya daw ibigay, nilagyan niya ng fold yung mga mata ko tas inalalayan papunta sa isang lugar na alam ko na ang kahahantungan. Kagaya ng mga napapanood ko sa TV hahahaha.

"May paganito-ganito ka pa Pitchieko ha! halata naman masyado"

"Naku sketchy wag mong hulaan, hayaan mong mangyare" ayiiie kinilig na naman ako ng bahadya sa sinabi niyang iyon hahahaha. Sige na nga lang go in the flow na nga lang hahahaha.

        Hindi ko aakalain na tatagal kami ng ganito, wow ang saya pala kapag sineryoso ng dalawang tao ang isang relasyong namamagitan sa kanila. Ang maganda sa ugali ni Slaxel may respeto siya sa akin. Naniniwala pa din siya na ang sex ay para lang sa mag asawang may basbas ng simbahan. Hindi pa nga namin ginagawa ang matinding halikan sa labi. Hinahalikan niya yung noo ko o di kaya yung buhok ko. Hahahahaha nakakatuwa talaga siya.

Ang paliwanag naman niya doon mawawalan daw kasi ng sense ang sasabihin ng pari na "YOU MAY NOW KISS THE BRIDE" kung naghalikan na kami di ba hahahaha. Hindi ako nagkamali na mahalin siya.

My gosh nakakarinig ako ng kanta, kinikilig na ako my Gosh!!

/Now Playing: "A thousand years"  by : CHRISTINA PERRI/

Sketch Pad (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon