Unforgettable

105 11 1
                                        

Nerissa P0v's

Muli akong nakaramdam ng kaba, di naman ako ganito dati ah sa tuwing magkikita kami. 

"True Love waits pala huh!" asar niya sa akin ng pagkalapit ko sa kaniya. Nahiya ako takte obvious nga yung T-shirt ko kainis.

"Hehehehe ah paborito ko kasi itong shirt na bigay ng bestfriend ko" palusot ko pero sa totoo lang ako mismo ang bumili nito sa isang department store haixts! Nakapag sinungaling pa tuloy.

"So tara!" tas hinatak niya kamay ko at naglakad ng mabilis.

"Teka! Excited masyado?" di na ako nakapalag at sumabay na din sa mabilis niyang paglakad. Hehehehe medyo kinikilig ako bakit kaya? Siguro dahil hawak niya kamay ko? Ahihihi. Tas kasabay pa yung nakamamatay niyang ngiti *grabeh makalaglag panga* 

"Teka san tayo pupunta?"

"Mamasyal, babawi ako sayo" okay pwede na akong malagay sa tahimik hahahaha tas para kaming timang na tumakbo kahit wala naman humahabol sa amin.

Madami kaming ginawa, Kumain ng Cotton candy *hahahaha para kaming bata*

Tinulungan yung matandang babae na magpulot ng mga gamit niya matapos nitong bumagsak *pati iyon hahahaha naisama ko hahaha* 

Tas may nakita kami na isang Sketcher hahaha nilapitan namin ito pagkatapos magpa picture ibinigay namin sa kaniya tas hayun magaling din mag drawing katulad ni Slaxer. *pero mas magaling siya* Saglit lang at natapos din nung sketcher binigay ni slaxer ito sa akin.

"Itago mo rembrance natin" kinuha ko ito at inilagay sa shoulder bag ko.

"Halika mayroon pa tayong pupuntahan" muli niyang hinawakan ang kamay ko. Teka abusado na itong lalaking ito ah laging hinahawakan ang kamay ko di naman kami ah. *Pakipot lang ng konti*

        Tas dinala niya ako sa pond ng park na iyon at sumakay sa isang bangka. Ayiiie parang sa teleserye lang hahahaha. Siya yung nagsagwan papunta sa gitna ng pond tas nandoon lang kami. Habang pinapakain namin yung ilang mga isda at mga bibe. Nakakatuwa naman at nakakakilig talaga. Pero kanina pa siya tahimik bakit kaya?

"Grabeh no nakakatuwa naman yung  mga bibe nakikipag agawan ng foods sa mga isda" *sabay ngiti syempre, kailangan din naman mag pa cute* ako na ang unang nagsalita total masscomm naman ako.

"Oo nga eh buti nga ang mga isda hindi pumapayag na agawan sila ng isang bagay na mahalaga sa kanila" seryosong sabi niya teka ang lalim nun ah may pinaghuhugutan lang ang peg? Naku mukhang may pinagdadaanan tong lalaking ito kaya kanina pa siya malungkot.

"Ang seryoso mo naman Slaxel?" 

"Neri" tawag niya sa pangalan ko, naku nakakakaba naman ito.

"Hmmn?" tugon ko syempre kahit medyo kabado ako sa isang bagay na di ko tiyak.

"Alam mo bang gusto ka ng pinsan ko?" nagulat ako sa sinabi niya, teka ano bang dapat kong i-react?

"Ha?"

"Nung araw na ipinakilala kita sa kaniya, kaw pala ang tinutukoy niyang babaeng gustong-gusto niya. *bigla siyang tumawa* Mapagbiro talaga ang tadhana 'no, kung sino ang taong mahal mo ay yun din ang mahal ng taong mahalaga sayo."

OMG!!!! nagtatapat na ba siya wait lang di pa ako ready magpupolbos lang ako kyaaaaaaaaaa! ay takte ano ba itong pinag iisip ko. Nerissa grow up seryosong bagay to, pagibig mo ang nakataya dito. Whaaaaa! kinikilig ako ng isang kilo't kalahati kapag papasok sa isipan ko yun. Omg Lovelife here I come.

"Anong ibig mong sabihin" Oh di ba ang galing ng mga babaeng magpakipot hehehe.

"Nerissa, mahal ka ng pinsan ko at mahal din kita!"

Boooom!!!!!! Ano kaya pa? Grabeh di ko alam kung natutuwa ako dahil..may gusto din siya sa akin oh malulungkot ako kasi may gusto din ang pinsan niya sa akin at para bang-

.

.

.

.

.

        Gusto nyang magparaya, No! hindi pwede ikaw ang gusto ko Slaxel, Oo mahal na kita ikaw ang gusto kong makasama, wala namang problema kay Josh kaya lang hindi siya ang tinitibok nito bagay na nasa dibdib ko. Kundi ang sinsigaw nito ay Slaxel! Slaxel Slaxel. Gustong-gusto ko itong sabihin sa kaniya pero bakit di ko kaya? 

"Pero Neri, madami akong na realize. Patawarin mo ako kung hindi kita pinaglaban sa kaniya sa halip pinaubaya pa kita sa kaniya. Pero kahapon nung iwan ko kayong dalawa doon sa lugar na iyon. Nakaramdam ako ng takot" nakipagtitigan siya sa akin at doon ko nakita na mula sa puso ang lahat ng mga salitang binibitawan niya ito na ba ang tinatawag na true love?

"Slaxel" sa dami ng gusto kong sabihin tanging panglan na lang niya ang lumabas sa bibig ko.

"Natakot ako na mawala ng tuluyan ang true love na matagal kong hinintay, at Oo Neri sayo ko yun natagpuan. Kaya please Nerissa maari ba kitang mahalin at ipaglaban?"

        Omg!! may mga fireworks sa utak ko may mga heart na balloon akong nakikita pero bakit parang ako lang ang nakakarinig at nakakakita at bakit parang huminto ang lahat ng bagay. Ang mga isdang tumalon. Ang fountain sa gitna ng park na yun. Ang pag splash ng tubig sa pond kung saan naroon kami at ang mga ibon na nagliliparan sa ibabaw namin. Lahat sila huminto.

        Totoo ba ang lahat o baka nananaginip lang ako? Pero please lang wag niyo na po akong gisingin. *naku naalala ko si mama, mahilig pa naman manggising yun dahilan para maudlot ang kissing scene namin ng true love ko kuno* Whaaaaaaaaaaaa! sana hindi ito panaginip!

"Slaxel." takte yun lang ang nasabi ko na naman, gusto kong tumalon sa saya. Hindi na ako nakapag salita pa kundi sa halip nag nod na lang ako ang ibig sabihin ay Oo. Nakita ko ang ngiti sa mga labi niya ng mga oras na iyon. Dama ko na masayang-masaya siya. 

        Tumalon ako palapit sa kaniya at niyakap ng mahigpit dahilan para gumewang ang bangkang sinasakyan namin. Tas nagtawanan kami hahaha. Teka may tanong lang ako kami na ba? As in Boyfriend/Girlfriend relationship?

 /end of flash back/

      

.

Sketch Pad (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon