Author's Pov
"Wow nakakakilig naman po yun lola, kayo ha medyo may kakulitan din pala kayo nung kabataan niyo." sabi ng Apo nya na kasalukyang naghahanda ng meryenda, isang Juice at Sandwich.
"Oo nga eh, apo. Pero may sasabihin ako sayo." napahinto sa ginagawa si Ana at napatingin sa kaniyang Lola na kasalukuyan pa rin nakasulyap sa nakapatong na box sa kaniyang mga hita habang nakaupo sa paborito niyang upuan.
/Flash Back/
Nerissa Pov's
"Teka sino yung handsome guy dun sa labas ha?" tanong ng kaibigan ko habang nasa loob kami ng office nasa ground floor lang naman yun at salamin ang nagsisilbing pader. Kita namin sila sa labas pero ang mga tao sa labas di kami kita kundi reflection lang nila pero pag gabi vice versa naman.
"Ah si Slaxel ba, kaibigan ko. Nakilala ko sa park siya yung sinasabi ko sayo na gumawa ng aking sketch. Alam mo ang galing niyan bibilib ka talaga sa mga gawa niya." pag mamalaki ko magaling naman kase talaga siya.
"Parang may ibang na diditek ang aking radar hmmmn ikaw bez ha may hindi ka pa nakukwento no." parang reporter lang ang dating ni Bez Luz ko haixts ganyan ba talaga pag masscomm, ma osyoso.
"Sira wala 'no, oh sige na nga break time naman eh, I have to go may kailangan kaming pag usapan"
"Ay sus style mo, oh siya sige ingat kayo huh baka kung saan mapadpad, Ayie may love life na si Bez at gwapo pa." patuloy na tukso sa akin ni Luz.
"Ewan ko sayo! Hmf" tas nag beso-beso na kami "Bye!"
"Pasensiya na kung natagalan ako Slaxel" usap ko sa kaniya pagkalabas ko ng office
"Ano ka ba wala yun, kararating ko lang din naman eh, so tara?"
*Nod*
___________________________________
"San tayo pupunta?" nagtanong na ako kasi kanina pa namin binabaybay ang kahabaan ng edsa. Nakasakay kami sa BMW niyang black na sasakyan.
"Ah Nerissa, malalaman mo din mamaya. Pasensiya na" then lumiko siya sa Commonwealth avenue at binagtas namin ang papuntang Up.
"Ah Oo sige di na ako magtatanong pa" sa halip ay ningitian ko na lang siya. May tiwala na ako sa kaniya total ilang linggo na kaming magkaibigan, ilang araw na din namin nakakasama ang isa't isa.
Hanggang sa makarating kami sa loob ng UP sa park nito. Ang berdeng mga puno, ang mga huni ng ibon, ang mga naglalarong mga paro-paro ay grabeh nakakarelax talaga. Sakto para sa akin dahil pagod ako haixts!
"Ang ganda dito! ang huling punta ko dito ay nung gumawa kami ng shortfilm para sa school. Hindi pa din nagbabago at mas gumanda pa siya" sabi ko habang sinisinghot ang fresh air, malayong malayo sa amoy ng syudad.
"Natutuwa ako at nagustuhan mo, halika dun tayo"
Naglakad pa kami hanggang sa natunton namin ang nais niya ipakita sa akin.
"Teka *laugh* Magpipicnic tayo? bakit dito pa, eh samantalang nagpipiknik naman tayo dun sa park kung saan tayo unang nagkita. Ang weird mo huh." bumungad kasi sa akin ang isang picnik carpet tas may basket at nakalatag na ang mga pagkain.
"At kinasabwat mo pa pinsan mo huh, Hay! Josh" kaway ko sa pinsan niya na nakatayo malapit sa carpet, mukhang siya ang nagbantay habang wala ang kuya Slaxel niya. Medyo ka edad ko lang din ito. Lumapit kami sa pinsan niya at nagshake hands sila syempre.
"Ah Nerissa, gusto ka pa sana makilala ng lubusan ng pinsan ko, okay lang ba sayo?"
"Huh, Oo naman! Ano ka ba naman Slaxel *I smile* " Kikilalanin lang naman pala eh, pero parang nakakaramdam ako ng pagdududa, ewan ko.

BINABASA MO ANG
Sketch Pad (One Shot)
Short StorySketchPad, sinong mag aakala na dito magsisimula ang pagmamahalang PITCHIEKO at MY SKETCHY Teka sino nga ba sila. Kung gusto niyo malaman lovestory nila well basahin niyo po ang story nila na malay mo magkapareha kayo. Hehehehehe Property of yhin2x