WARNING: MATURE CONTENTMika had been scrolling through her IG feed for half an hour when a post caught her attention. She almost forgot she was following this person. Matagal niya nang hindi nakikita itong mag post.
The picture of a sunset taken by the shore had a caption of "missing the memories of us..."
Napataas ang kilay niya. Seriously? Hindi naman siya tanga para hindi makuha kung sino ang tinutukoy nito. Alam na alam niya ang lugar na iyon. Her bestfriend declined their lunch invitation to spend an anniversary at that exact location.
Pero yung totoo? Di pa ba ito naka move on? Mahigit isang taon na rin mula nang magbreak ito at ang bestfriend niya ah? As in, what the hell?
Hindi na lang niya pinansin pa ang post saka patuloy na magscroll sa feed niya nang bumukas ang pintuan ng banyo.
"Tagal natin ah?" saad niya nang hindi inaalis ang tingin mula sa screen ng phone.
Ara didn't respond. Instead, she hang the towel she's been rubbing her hair with on the chair, before sliding unto the bed beside her girlfriend, and kissing the latter's cheek.
"Daya mo. Sabi mo kanina sabay tayo maliligo."
The statement had Mika took her eyes off her phone, and turn to the person leaning on the headrest.
"Ang tagal niyo kaya ni Kimmy mag-usap? Saka lagkit na lagkit na ko from training. Feeling ko ang dumi-dumi at ang baho-baho ko na kanina." paliwanag niya sa katabi.
"Weh?" Ara leaned into her, sniffing at her neck down to her arms.
"Oy!" Mika tried to cover Ara's face with her palm but the latter had snaked her arms around her waist and pulled her closer. "Vic!"
"Bango mo nga eh!" Ara grinned. Nakayakap pa rin ito sa kanya kahit siya ay nakatagilid mula rito habang ito'y nakaharap na sa kanya.
"Malamang tapos na ko maligo." she rolled her eyes at her lover. "Ano ba yung pinag-uusapan niyo ni Kimmy?"
"Hm.. yung tungkol sa isang branch ng Tyang's ni Ate Aby? Nagpapatulong siya saka gusto niya kami kunin na ka partner." Isinandal ni Vic ang ulo sa balikat niya habang hindi pa rin inaalis ang yakap nito.
"Oh? That's nice! Di ba matagal mo na plano yung food business?" excited niyang saad sabay tabi ng cellphone sa katabing table ng kama nila. "Pwede kang magsimula diyan, di ba?"
"Yeah.. pero nagdadalawang isip ako, love." buntong hininga ni Vic saka hinalikan ang balikat niya through her shirt na pagmamay-ari nito, hiniram niya lang. "You know I'm saving up for a franchise of a resto di ba? So kung makikipag partner ako kay Ate Aby, I'll have to invest that savings tapos baka matagalan ako mag-save ulit at di pa naman sure yung income sa branch na yun."
"Aaaww.. so kaya pala kanina ka pa stressed?" she combed her girlfriend's short hair with her fingers. "Alam ko nahihirapan ka magdecide, love. Malaki ang risk diyan. You know what? Let's talk about that tomorrow, I'll help you out. Gabi na at alam ko pagod ka na rin from your training kaya you should rest na muna."
Mika planted a kiss on Vic's temple, saka ito hinila pahiga.
"Let me massage you, hmm?" aniya saka hinilot ang magkabilang gilid ng noo nito habang magkaharap silang nakahiga sa kama.
"I can't imagine my life without you, love." nakapikit na sambit nito.
"Che. Bolera."
"Seryoso ako." Hinawakan nito ang dalawang kamay niya at tinitigan siya. "Nandiyan ka mula pa noon para sakin. Baka kung saan na ko pulutin ngayon kung wala ka sa tabi ko."

BINABASA MO ANG
Bakit Hindi Nalang Tayo? (KaRa fanfic)
ספרות חובביםMga pangyayari sa buhay magkasintahan ni Mika at Ara. Dahil KaRa pa rin mga ugok.