Chapter 1

1.4K 41 2
                                    

NAIINIS na nagmamaneho si Almir sakay ng kanyang Black Lambhorginni. Kanina pa siya paikot-ikot habang hinahanap ang tamang daan. Naimbitahan kasi siya sa kaarawan ng kapatid ng kaibigan niyang si Emanuel. Sa kasamaang palad, mukhang nawawala na siya. Parang sira din ata ang GPS niya't hindi niya mahanap hanap ang lugar na pupuntahan.

Where in the world is that place? naiinis na isip niya. Napatingin siya sa cellphone nang magring ito. Ang kaibigan niyang si Emanuel ang tumatawag. Kanina niya pa ito sinusubukang kontakin pero 'Cannot be reached'. Dinampot niya ang cellphone saka sinagot ang tawag.

"Mir, pare, where are you?" tanong ng nasa kabilang linya.

"The hell, Manuel! Where is that place? Kanina pa ako ikot ng ikot dito. My GPS can't even locate your sister's place!" reklamo niya.

"Oh, chill lang. Ang init naman ng ulo mo."

Sinong hindi mag-iinit ang ulo sa sitwasyon ko, aniya sa sarili. "Just tell me how to get there. Or rather, uuwi nalang ako."

"Pare naman. My sister's been expecting you. Antagal niyo ng hindi nagkikita, tapos hindi ka pa sisipot dito. Magagalit sayo yon. You know she could break your bones." pangongonsensya nito sa kanya.

Huminga siya ng malalim. "Sige na, sige na. Just tell me how to get there---fast."

'

Tinulungan naman siya nito. Itinuturo nito ang tamang daan over the phone. Ayon kasi sa kaibigab niya, kakarecognize palang daw ng Calle Maganda kaya posibleng wala pa sa GPS niya.

   Kakaliko palang niya sa kaliwa nang mahagip ng mata niya ang signboard at may nakasulat na Calle Maganda.

"I think I'm almost there." sabi niya sa kausap.

"Buti naman. Yung bahay ni Violet malapit lang sa isang bakeshop. Malalaman mo din agad iyon. Her house is painted like her name says."

Tumango-tango siya. "Alright. I'll be---"

   Hindi na niya natapos ang sasabihin nang biglang tumirik ang kanyang sasakyan. What the hell just happened? Nagmamadaling bumaba siya ng sasakyan at tiningnan ang nangyari. Umuusok ang makina ng sasakyan niya! He immediately raised the hood para lumabas ang usok. He cursed to see what happened. Maaaring nag-overheat ang sasakyan niya sa kakaikot kanina tapos tirik na tirik pa ang araw, sobrang init.

    Isa lang ang pinagkakatiwalaan niyang mekaniko. Unfortunately, nasa Visayas ito at nagbabakasyon. Sino nalang ang magkukumpuni ng sasakyan niya? Hindi naman maaaring siya. Yes, he was fond of cars pero kakaunti lang ang alam niya sa pagkukumpuni. Mas experto siya sa pagkilatis ng magandang engine kesa sa pagkukumpuni. Paano na ngayon ito? He thought and scratched the back of his head.

Naalala niya ang kaibigan na kausap niya pala sa cellphone. Maybe he could ask him to look for a shop and tow his car. Mabilis na kinausap niya ang kaibigan at ikinuwento ang nangyari.

"Mahilig ka nga sa sasakyan, hindi ka naman marunong magkumpuni kapag nasira." reklamo nito.

"Shut up! This is partly your fault. Kung sinabi mo sana ng maaga sakin na wala pa sa GPS ang lugar ni Vi, nagconvoy nalang sana tayo papunta diyan."

"Oo na, oo na! Maghintay ka nalang muna diyan sandali. May isang shop lang dito sa lugar. I'll call them to tow your car. They'll be there in 5minutes. Tawagan mo nalang ako kapag nasa shop kana. They're the best in town, I'm sure they can find a way to fix it. Gotta go! Bye!"

He leaned back on his car. Like he'd let them lay a single touch on his car. Max is the only one I trust in handling and fixing my cars.

   Gaya ng sinabi ng kaibigan niya, may dumating ngang tow truck. Dinala ang sasakyan niya sa isang hindi kalakihang talyer. Akmang bubuksan ng isa sa mga lalaki nang pigilan niya ito. He just couldn't trust the man. Mukha kasing gusgusin at walang alam. Alam niyang masamang humusga at bumase sa panlabas na anyo, but he just can't help it. He only want what's best for his cars, only the best.

Calle Maganda Series: Reggie Leandra SanchezTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon