Chapter. 2: Muling Pagkikita
Nathalie's POV
After the day na nagkita kami ni Nate, hindi na maayos ang pagkain ko. Wala akung gana palagi dahil iniisip ko kung ano ang ginagawa niya.
"Saan kaya siya nakatira?" Tanong ko sa sarili ko.
Paulit ulit kong iniisip kong paano niya binigkas ang pangalan ko. Nakakasakit lang isipin dahil sa limang taon na iniwan nya ko, tanging yun lamang ang nasabi nya.
Unti unti na namang tumulo ang mga luha sa mga mata ko. Pinahid ko ito ngunit patuloy parin ito sa pag agos. "Siguro nga kinalimutan mo na ako. Siguro nga wala kanang paki sa akin. Siguro nga matagal monang nakalimutan ang ating mga pinagdaanan. Siguro nga hindi mo na matutupad ang mga pangakong binitawan mo." Sabi ko habang humahagolhol na sa pag iyak.
After that moment. Tumayo ako sa kama, then i realize na enrollment na pala para sa Grade 10 ngayun. F*ck nakalimutan ko! I quickly changed my clothes and ran fast towards my car.
-SCHOOL-
Pagdating ko dun sa may mga nagpipila na batchmates ko last year, pumila narin ako. Nung turn ko na, binigyan ako ng papel para sa personal info's ganun.
Pagkatapos ko yung sulatan. Pumunta ako sa pinakamalapit na Cafe at bumili ng maiinom.
Umupo ako sa bakanteng upuan at ininom nalang yung binili ko kase uhaw na uhaw na talaga ako!
Nang natapos kona yun'. Lumabas na ako ng Cafe at pumunta na sa sasakyan ko. Ngunit nung malapit na ako roon, nakita ko nanaman siya. Nakita nya rin ako, pero this time lumapit siya sa akin.
"Nath, I'm sorry" Sabi niya sakin. Hindi ako makapaniwalang sinabi nya yun. "Sorry para saan?" Kahit alam ko na ang dahilan kung bakit siya humingi ng tawad, gusto ko paring marinig ang rason niya.
"Sorry for everything. Sorry for breaking my promises. Sorry for making you cry. Sorry for hurting you. Sorry cause you waited for me for 5 years. I didn't mean to leave you, but I had to." Paliwanag niya sa akin. Hindi ko namalayang tumutulo na pala ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan.
"I-It's o-ok-kay" Sabi ko naman sa kanya. "But before sana ako umalis nun' may gusto akung sabihin sayo, I love you Nath." Kasabay sa pagsabi niya ng mga katagang yun' ay ang unti unti niyang paglalakad palayo sakin.
Nate, you don't know how much i loved you before, but it never changed.
°Author's Note°
Sorry po kung maiksi lang yung Chapter. Ang hirap po kasing magsulat ng story lalo na't first time koto. Hope you'll enjoy reading and continue reading this story.Kamsahamnida💖
-SweetNathy💕
BINABASA MO ANG
Unexpectedly His
RomancePaano kung aksidenting mabunggo ni Nathalie ang matagal niya nang hinahanap na kababata niya? Siya si Nate. What will happen to them? May mabubuo bang relasyon o tuluyan nalang nilang kakalimutan ang isa't isa?