H O M E?

13 0 0
                                    

Sa mundong ito,  nandidito ang mga taong masasaya, malulungkot, makasalanan, nahihirapan, nagmamahal, nasasaktan,  mga walang pagasa at nawawalan ng landas.

Anong pipiliin mo?

Kung pati ikaw hindi alam ang gagawin.

Binigyan ka ng pagkakataon nang Diyos na mabuhay,

'na mabuhay muli...'

Pero paano kung ito na ang huli,  at wala ng iba pa.

Saan ka kakapit? Saan ka pupunta?
Ikaw ang makakasagot niyan.

Hindi mawala sa isip ko ang sinabi ng anghel.

"Saan nga ba?"

----------
Beeeeeeeeepppppppppp...

Bakit may umiiyak? Parang ang lungkot lungkot nila,  ano bang meron. Dahan-dahan kong minulat ang aking mata.

Malabo.

Maliwanag.

Sa aking harapan may nakapatong na kamay na hinahawakan ang aking kanang kamay, umiiyak ng malakas at sa aking harapan may dalawang tao na pinipigilan ang iyak nila na tumulo sa kanilang mga mata.

'Uhmm'

Kaninong boses ito?

'Ah?'

Saglit. Saakin ba itong boses?

Biglang napatingin sa akin ang isang matandang babae at nanlaki ang mata.

"Doc!"

Oo,  nabuhay akong muli ang sabi nila. Isang milagro kuntawagin. Marahil karamihan sa mga taong namamatay ay natutuluyan na pero ako,  hindi pa. Wala akong maalala kung ano ang buhay ng taong ito na gamit ko ni isang ala-ala  WALA akong matandaan. 

Naka-alis na ako sa pagkaka- confine sa Ospital,  kasama ko ang ate,  tatay at mama ko sa kotse,  pauwi sa aming bahay. Katahimikan ang sumalubong sa akin ng nakasakay na kami sa kotse,  walang kibo ang ate ko ni isa,  pasilip silip sa akin tapos kapag naabutan ko ang mata niya'y umiiwas nalang bigla.

"Josh... Anak,  malapit na tayo sa bahay. Makakapagpahinga ka na ng maayos."

Nagulat ako ng biglang magsalita si mama,  tumango ako't balik silip sa bintana ng kotse.

Antahimik sa daanan.

"Bakit parang ang tahimik mo?" Pataray na sambit ni ate sa akin. Habang nakacross ang mga braso niya.

"Anna!" Biglang nagsalita si mama bago pa man ako makasagot.

Mga ilang minuto'y nakadating na din kami sa aming bahay. Di kalakihan pero dalawang palapag ang aming bahay. Pumasok ako at tinignan ko ang bawat paligid.

Sandali hindi ko maalala kung saan ang kwarto ko.

"Oh. Anak,  di ka pa aakyat sa kwarto mo sa taas?"

Buti na lang nasabi niyang sa itaas pala ang kwarto ko. Umakyat kaagad ako ng biglang bumungad sa akin ang ate ko.

"Oy,  ikaw. Nagkukunwari ka lang ba o sadyang apektado parin yang utak mo sa mga pinagkakagawa mo noon?" Pataray na salita ng ate ko sa akin,  ano bang ginawa ko sa kaniya?
"Hmm-- kung may balak ka ulit na gawin yon,  please lang huwag mo na kaming idamay pwede ba..."

Dinaanan ko na lang siya at hindi na ako sumagot pa. Pagpasok ko sa aking kwarto ay ni-lock ko kaagad ang pintuan at umupo sa hinagaan.

C O L O R (editing process ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon