S C H O O L?

3 0 0
                                    


"Josh,  papasok ka na?"

Tumango lang ako.

Palabas na sana ako ng biglang inabot sa akin ni mama ko ang pera pang baon ko. "Ingat ka ha?"

Tumango lang ako.

Hindi ko alam pero wala talaga akong gana pumuntang eskwelahan,  at hindi ko rin alam na pumapasok pa pala ako buti na lang sinabi sa akin ni Kyle. Hindi ko alam kung bakit pero ayaw na ayaw ko talagang pumunta,  parang may nagtutulak sa akin na bumalik na ako ng bahay pero huli na ang lahat dahil malapit na ako sa pupuntahan ko,  may mga kasabay akong naglalakad na naka-uniporme din,  karamihan sa kanila kanina pa ako tinititigan at pinag-uusapan. 'Naririnig ko talaga kayo at nahahalata', 

"Oy,  josh!" Biglang kapit sa balikat ko at kasabay ang pagtawa ng malakas,  "kamusta?" may mga kasunod ito na mga ibang lalaki,

"Balita ko na-Hospital ka daw?"

"Ah...m-m" sabay silip ko sa i.d niya kung ano ang pangalan niya,  "ayos lang ako Dino."

Biglang pinalo ng kasamahan niyang si Luis ang ulo ko nang napakalakas. "Gago,  pre tinawag kang Dino nitong si Josh HAHAHA! Himala hindi ka natakot."

Sabay tawa nilang Apat.

"Ano ka ba pre,  hayaan mo lang itong si pareng Josh..." Biglang hinigpitan niya ang pag-hawak sa balikat ko,  "baka kasi nakakalimutan niya na kasi ang tawag niya sa AKIN dati. Ano PARENG Josh?"

Nahihirapan na ako sa pagpatong niya sa balikat ko. Napaka-bigat,  huh.

Biglang nag-bell at dali-dali ng tumakbo ang mga estudyante, kasabay nun ay tumakbo narin sila. Tatakbo na rin sana ako ng bigla akong pinatid ni Luis,

"Lumugar pre,  tandaan mo yan."




Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 21, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

C O L O R (editing process ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon