"Nica? Bes?"
"Hmm?"
"Bespren tayo diba?"
"Oo naman....sanggol pa lang tayo magkaibigan na ang mga nanay natin..."
"Wag ka magagalit ha..."
"Ano yun? Ah, nga pala, kamusta yung pag-mani-pedi mo kay Nonoy?"
"Yun nga sana ang sasabihin ko sa yo e."
"Ha? Bakit?"
"Nahirapan ako, Bes! Magsasaka ba yung boypren mo?"
"Namamasada ng tricycle...bakit naman?"
"Susme! Daig pa ang magsasaka sa pagkakapal ng dumi sa paa! At ang ingrown! Ang lalim! Yung mga kalyo nya sa paa...kulang nalang ilaga ko para lumambot! Ang kapal din ng kalyo nya mga kamay..."
"Grabe ka naman, Bes...ang cute-cute kaya ng mga daliri sa paa ni Beb ko..."
"Seyoso ako, Bes! Mas maganda pa yung ichura ng luyang kulubot kesa sa paa ni Nonoy!"
"Ay! Grabe sya!"
"Pero Bes...nagawan ko naman ng paraan...pretty na ang mga kuko ng jowawers mo...reding-ready na para sa big day nyo sa makalawa!"
"Talaga?"
"Oo! Proud na proud nga e. Nagpalagay pa ng kyutiks na colorless!"
BINABASA MO ANG
NICANOR (completed)
HumorSino nga ba talaga si Nicanor? If you follow @noodlesbychi, you will get to know a little about 'Nicanor' but... this story is no where related to her Nicanor character. Her work is my inspiration. Without further ajuju, I present...NICANOR