2. biko op yu

534 46 0
                                    

"Hello miss byutipul!"


"Uy!!"


"Gusto sana kitang ilabas. Mag-deyt tayo."


"Deyt? Saan naman?"


"Dun lang tayo sa may tabing dagat..sa breykwater...diba peborit mo yung biko ni Aling Naty? Dumaan ako dun kanina, sabi nya, may bagong luto syang biko..."


"Ay! Sige! Sige! Melay! Dito ka muna sa isawan! Psst! Hoy! Melay!"


"Ano?"


"Dito ka muna sa isawan. May pupuntahan lang kami ni Bebs ko."


"Saan naman kayo pupunta?"


"Mag-d-deyt daw kami..."


"Uuuy si Ate..."


"Wag ka nga! Sige na, alis na kami. Wag kang magpapautang ha? At wag mong iwanan ng matagal sa parilya yung mga isaw at barbecue. Nagreklamo na sina Mang Isko na sunog daw yung huli nilang bili..."


"Okey! Sige na! Umalis ka na! Baka maabutan ka pa ni Nanay at di ka paalisin..."


"O sya, babush!"

NICANOR (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon