"LABS KO! LAAAAAAAAAAABS!" Nonoy cried in anguish.
"Kuya! Anong nangyayari sa yo?" Melay rushes out of the house.
"Bakit?!"
"Anong bakit?"
"Ano to? Ang dami!"
"Mga bulaklak. Pinabili ni Nanay. Maganda daw pang-display dun sa simbahan."
"Melay!"
"O, ano?"
"Bakit ganun? Ang sakit!"
"Ang alin?"
"Dito! Dito! Masakit dito!" Nonoy points to his chest and repeatedly pounds on it.
"Huminahon ka. Uminom ka muna ng tubig. Ano ba yang dala mo?"
"Para sa ate mo sana...paborito nya yan e..."
"Ah...wala na..."
"WALA NA?!"
"Oo..wala na.."
"Bakit ako iniwan?"
"Ha?"
"Bakit ako iniwan ng Labs ko?"
"Eh diba nga di kayo pwede magkita bago yung araw ng kasal nyo?"
"Ha?"
"Oo..kaya wala na si Ate dito, eh nasa sya bahay ni Ate Baby kasi dun daw sya aayusan para bukas..."
"Ahh...ganun ba yun? Ang daming bulaklak e...kala ko may lamay..."
BINABASA MO ANG
NICANOR (completed)
HumorSino nga ba talaga si Nicanor? If you follow @noodlesbychi, you will get to know a little about 'Nicanor' but... this story is no where related to her Nicanor character. Her work is my inspiration. Without further ajuju, I present...NICANOR