Kleint's POV
Mahimbing at tahimik na natutulog si Matilda Grace. Matapos ng nangyari kahapon, dito ko siya dinala sa kwarto niya at nakita ko ang takot na nasa mukha ng mama niya. May kung anong tinurok ang mama niya at sinabihan akong tumawag ng doktor.
May oxygen din sa tabi ng kama ni Matilda at ipinasuot sakanya ang oxygen mask.
Kahapon parang gusto kong bugbugin ang sarili dahil sa ginawa ko. Alam kong nagulat ko siya. Hindi ko alam ang gagawin kahapon nang makita ko ang bumalatay na sakit sa mukha ni Matilda.
Hirap na hirap siya sa pag-iinda ng sakit niya. At wala man lang ako'ng ginawa. Ang tanga ko. Ang gago ko.
Nakapatong ang dalawa kong siko sa kama niya habang nakaupo lang ako sa isang silya. Nakatitig sakanya at hinihintay siyang magising.
Pangako, Matilda Grace. Babawi ako sa kagagohan na ginawa ko.
At kahapon pala, nakagitlaan niyang uminom ng gamot niya. Kaya inatake siya at madali siyang magulat. Nang sinabi iyon ng doctor, sinisisi ko talaga ang sarili ko.
Matapos umalis din ng doktor kahapon kinausap ako ng mama ni Matilda.
"Kleint, iho. Huwag mo sanang masasamain ang sasabihin ko, ha?"
"Opo, tita. Ano po ba iyon?"
She sighed, "Kleint, ayoko sa paraan ng pagtitig mo sa anak ko. Kakalipat lang namin kahapon dito. Kung may gusto ka sa anak ko... Kleint, nakikiusap ako. 'Wag na 'wag mong sasabihin sakanya ang nararamdaman mo. Maari siyang magulat. Maari niyang dibdibin ang sasabihin mo kung sakali. It can lead her pain in her heart. Gusto ni Matilda makaramdam ng magandang feelings pero hindi pwede dahil nagre-react kaagad ang puso niya. Imbes na makaramdam siya ng maganda, sakit ang nararamdaman niya. Kaya, Kleint, please... gusto ko pa makasama ang anak ko." sabi ni tita at napahagulhol siya sa iyak.
Hindi ko pa man ganoon sila kakilala. Pero ramdam ko ang sakit na nararanasan nila. Kahit naman siguro sinong tao ang makakakilala kay Matilda Grace sa konting panahaon na makakasama niya ito, sigurado na mapapalapit kaagad ang loob niya.
Mapapalapit ka kaagad sakanya dahil sa ngiti niya. Kung paano siya makipag-usap. Ang galaw niyang malumanay. Kaya nakuha niya nga kaagad ang loob ko 'e.
Alas nuebe ng umaga na ngayon, tulog parin siya. Maaga din akong pumunta dito kanina para makita siya agad. Sabay pa nga kami nag-almusal ng mama niya.
Napatingin ako sa kamay niya. Maliliit ang mga daliri. Maputla din at medyo nakikita na ang ugat. Mapayat, sobra.
"Matilda Grace. Gising ka na, putla. Gusto ko'ng makipagkwentuhan sa'yo. Gusto ko marinig ang mala-anghel mo na boses. Gusto ko'ng makita ang ngiti mo. Gising ka na." sabi ko.
Napabuntong-hininga ako. Nakatitig sa mukha niya na may oxygen mask.
Umayos ang upo ko nang makitang unti-unting namulat ang mata niya. Gising na siya.
Nagtama kaagad ang paningin namin sa isa't-isa. Sumilay ang munting ngiti sa labi niya.
"Hey..." i uttered.
"hey..." pabulong niyang sinabi ngunit dinig ko parin dahil sa sobrang katahimikan dito sa kwarto niya.
"May nararamdaman ka ba'ng masama? Nagugutom ka?" malumanay kong sabi sakanya.
"M-mama..." mahinang sabi niya ulit.
"Okay, I'll call tita Maureen." sabi ko, at kaagad na lumabas ng kwarto niya.
Naglalakad ako sa pasilyo ng bahay at nakarating sa sala. Nakita ko si Tita Maureen at mom na nag-uusap. Nagkakilalahan na rin sila kahapon.
I cleared my throat at napatingin sila sakin."Excuse me po, tita hinahanap ka ni Matilda."
"She's awake?"
"Yes po."
Kaagad na tumayo si tita Maureen at dumiretso sa kwarto ni Matilda. Habang si mom naman ay lumapit sa'kin.
"Don't worry too much, sweetie. Matilda will be fine." mom comforted me.
"But I can't stop myself worrying, mom. It's my fault kung bakit inatake siya." sabi ko.
"Son, no one's fault what happened, okay? Sabi ni doc hindi lang talaga siya naka-inom ng gamot niya."
Gusto kong tanggapin sa isip ko na 'yun nga ang dahilan pero I really feel guiltiness. Pakiramdam ko, ako talaga may kasalanan.
Uuwi daw muna si mom dahil may aasikasuhin siya. Nagtungo ako sa kwarto ni Matilda at napatigil sa pinto bago pa ako makapasok. Lumapit ako kaonti sa nakaawang na pinto at narinig kong nag-uusap sila.
"Matilda, ano ang naramdaman mo nang inatake ka?" rinig kong tanong ni tita Maureen.
"N-nong una, bago ko naramdaman ang sakit, mama. Kumislot si heart. Pero panandalian lang dahil sumakit agad. 'Yung pagkakislot niya ma, parang gusto ko ulit maramdaman kasi... ang ganda pakiramdaman." sagot ni Matilda.
"Ano'ng ibig mong sabihin?" tita.
"Ma, you know I did not hide anything from you, right?" Matilda said.
"Of course, baby."
"Ma, na-feel ko 'yong masarap na pagkislot sa sinabi ni Kleint... sabi niya na manatili lang daw ako sa tabi niya. Gusto niya pa akong makasama." she said.
May parang kung-ano ang kumiliti sa tiyan ko sa sinabi niya. Napako ako sa kinatatayuan ko. Mainit. Hindi ako mapakali. Ano ba'ng nangyayari?!
"N-nagulat ka lang, anak. Sige, magpahinga ka lang at ihahanda ko ang pagkain mo."
Kaagad akong napaatras sa pinto at akmang tatalikod na ay nabuksan na ni tita Maureen ang pinto. Pareho kaming nagulat pero nawala din naman kaagad.
"T-tita... can I talk to her?" I asked.
"Of course." she said and gave me a smile before she walked.
Huminga muna ako ng malalim at pumasok. Nakita ko siya'ng kumakalikot ng phone niya. Wala na rin ang oxygen mask na nakakabit sakanya kanina. Lumapit ako at umupo ulit sa silya na kinauupuan ko kanina.
"How are you?" I asked.
"I'm fine." she said still looking at the phone.
Nagtaka ako bigla kung bakit busy ata siya sa phone niya. Pero binalewala ko na lang at nagsalita ulit.
"I'm sorry for what happened, Matilda Grace." I said.
"Wala ka namang kasalanan, Kleint Arth. Nothing to apologize." she said still looking at her phone.
"No, Matilda Grace. Feeling ko talaga kasalanan ko kung bakit ka---wait, ano ba kinakalikot mo d'yan sa phone mo? Nakikinig ka ba sa'kin?" Naputol ang una kong sasabihin dahil nakita kong tutok na tutok siya sa phone niya.
Napataas ang kilay niya at sa wakas ay tumingin sa'kin.
She pressed her lips and said, "Oh, my bad. Just doin' something."
"Mind to share it?"
"Nah, it's a pretty little secret. Hindi mo pwede'ng malaman." sabi niya sa'kin na pinaningkitan niya pa ng mata bago tumingin ulit sa phone niya.
Can I tell her she's cute in that way?
"Secret? Okay." I sighed, "You know what? I should go." sabi ko at tumayo.
"Yes, you should go." sabi niya na hindi man lang ako tinapunan ng tingin.
"What? Are you for real, Matilda Grace?" sabi ko na may halong natatawa. Hindi ko maintindihan ang babaeng 'to.
"Yep," she said popping the 'p'. "Tsaka, hindi mo naman ako makakausap dito. Busy ako 'e. You should rest, Kleint Arth. Nasabi sa'kin ni mama na matagal mo ko binantayan and," she looked at me. "I thank you for that. Go home and rest, Kleint Arth."
Pinakita niya na rin sa wakas ang matamis niyang ngiti sa'kin. Napangiti din ako sakanya.
"Rest well, Matilda Grace."
"I will, Kleint Arth."
And then I turned my back, walked away to my home. Someday, I'll let her feel home in my arms. Where she's safe and sound.
BINABASA MO ANG
My star in my sky
Short StoryShe wants to live her life normal like what normal people does. But she can't. She wants to move wild and rough... but she can't. Then there's this HE who wants to help her. HE wants her to stay and live long enough with him. But... can he? Written...