THE PRISONER
THIRD PERSON'S POINT OF VIEW
Kasalukuyang naglalakad sa tahimik na pasilyo ang dalawang security kasama ang isang lalakeng may hawak na iba't ibang paniklop at iba pang mga kumpidensyal na papeles. Nakailang hagdan na rin sila simula noong makababa sila mula sa unang palapag patungo sa kailaliman ng kulungang ito. Liblib ang lokasyon ng bilangguan at tanging matataas na opisyal lamang ang nakakaalam ng lugar na ito.
Malayo-layo na rin ang nalalakad nila. Nasisiguro ng lalake na nakababa na sila sa pinakamalalim na palapag ng kinalalagyang bilangguan, kaya hindi niya na maiwasan ang kabahan at mapabuntong-hininga habang naglalakad.
Kaunting lakad pa ang ginawa nila hanggang sa makarating sila sa harap ng isang napakalaking pintuan na nababalutan ng maraming kadena at mga kandado. "Sir, sigurado ho ba talaga kayong papasukin niyo ang nasa loob ng pintong ito?" Tanong muli ng isang security sa lalake.
Napatango ang ginoo habang nakatitig sa pinto. "Sigurado ako, basta't sigurado rin kayong hinding-hindi siya makakawala." Wika nito at saka tinanguan ang dalawa. "Sige na, buksan niyo na 'yan."
Agad namang nagtulungan ang dalawang security sa pagbukas ng mga kandado at pagtanggal sa mga kadenang nakabalot dito. Kinakabahan ma't labag man sa kalooban nila, ay wala silang ibang magagawa dahil iyon ang naatas na gawain sa kanilang dalawa.
Agad na nabuksan ang pintuang iyon . Ngunit agad ring nawala ang ngisi nito at napalitan ng pagkadismaya nang sumalubong sa kanila ang isa na namang malaking pintuan ngunit ang isang 'to ay moderno nang tingnan at gawa sa matibay na metal. "Sinigurado ho ng mga nakatataas na hinding-hindi na siya makakawala sa kanyang kulungan, kaya naman ay sampung pintuan pa ang bubuksan natin hanggang sa makarating tayo sa paroroonan niya..." Wika ng isa sa mga guwardya.
"Tsk..." Napamura ang lalake sa narinig. Inip na inip na ito dahil sabik na itong makita ang bilanggo, at malaman ang totoo. "Nakasuot naman siya ng handcuffs, 'di ba? 'Yong natatanging handcuffs na makakapahina sa lakas niya?"
Tumango naman ang dalawang security. "Hindi lang ho siya naka-handcuffs, nakakadena rin ho ang mga kamay at paa niya. Nababalot rin ang buong palapag na ito ng isang enerhiyang pampahina." Napangisi naman ang lalake sa narinig.
Ilang malalaking pintuan na rin ang kanilang nabuksan, at dalawa na lang ang natirang nakasarado. Habang tumatagal ay padilim ng padilim sa pasilyong kinaroroonan nila. "Bakit ang dilim dito?" Bulong ng security sa kapwa niya ngunit nagkibit balikat lamang ito.
"Ang tagal..." Bulong ng lalake. Hindi niya maiwasan ang mapatingin sa relo niya. Laking pagtataka nito nang makitang hindi gumagalaw ang mga kamay ng relo niya. "Pisti, kay bago-bago pa lang nito, sira na kaagad? Fake ata 'yung nabili ko... tsk."
"S-Sir... i-isang pinto na lang ho ang n-natitirang nakasarado..." Kumunot ang noo ng lalake nang mapansin niya ang pagkautal ng isang security na kasama niya. Siniko naman ito ng isa pa nilang kasama.
Security siya, ba't parang siya pa 'tong duwag? Isip-isip ng lalake. Hindi niya na lamang ito pinansin at saka na lamang tiningnan ang mga malalaking salita na nasa unang pahina ng dala niyang mga papeles.
The Kraexea Massacre
"Basta sir, no physical contact ho, ni hawak sa babae ay ipinagbabawal." Ngunit hindi ito narinig ng lalake dahil abala ito sa pagbabasa ng hawak niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/141532305-288-k316979.jpg)
BINABASA MO ANG
Scion
FantasyAng lahat ng bagay at mga pangyayari ay itinakda ayon sa kani-kaniyang panahon at oras. Kapag inaksaya mo ang iyong panahon, aaksayahin ka rin ng panahon mo. Hindi ako namumuhay sa kasinungalingan. Ngunit, hindi rin ako namumuhay sa katotohanan. Ang...