Scion: 2

13 1 0
                                    

Enjoy reading! ;">

THE ENCOUNTER

THIRD PERSON'S POINT OF VIEW

Villera Academy

"Good morning, Iseah. I am the Headmistress of this school, and for the nth time, I formally welcome you here at Villera Academy." Nakangiting sambit ng babaeng nasa mid-30's ang edad. Ngumiti lamang si Iseah bilang pagtugon at saka inilibot ang paningin sa kabuoan ng Headmistress's Office.

Maya-maya pa'y biglang tumunog ang ringtone ng dalaga. Saglit niyang tiningnan ang Headmistress upang magpaalam. "Uhm Miss, gotta talk to someone hehe. Babalik na lang po ako."

"No need to return here, Iseah. You'll be proceeding to the girls' dorm after this. Lizette isn't available for now kaya ikaw na lang muna ang pupunta doon mag-isa. But I'll be giving you a school guide and map, don't worry. And you can ask some of the staffs roaming around if you're somewhat confused."

Nalilito man sa pinagsasabi ng kausap, ngumiti na lang ulit ng pilit si Iseah at saka tumango-tango. Inabot naman kaagad ng Headmistress ang nasabing booklet guide. "Thank you, Madame. Aalis na po ako."

Binilisan niya ang paglabas sa opisinang iyon upang masagot kaagad ang tawag sa kanya. "Unknown Number? Sino naman 'to?" Bulong nito bago sinagot ang tawag. "Hello? Sino po 'to?"

"..."

"Sino po 'to?"

"..."

Napabuntong hininga si Iseah at saka napairap. Wala naman kasing sumasagot sa kanya sa kabilang linya. "Are you mute or deaf?" Ngunit wala pa ring tumutugon sa kanya. "Ugh, whatev–"

"Iseah..."

Kumunot ang noo ni Iseah dahil sa narinig. Napakalalim ng boses nito. Ni hindi niya mabosesan ang nasa kabilang linya. "Whoever you are and if prank lang 'to, aba alam mo bang bwiset ka, tatawag-tawag ka eh kausap ko pa 'yung Headmistr—ay wow, kapal. In-end bigla." Napakamot na lamang siya kanyang ulo sa sobrang inis. "Sana ma-lowbatt siya."

Inilagay niya na lamang sa loob ng kaniyang bag ang hawak na cellphone at saka pinagmasdan ang papel na hawak niya bago nagsimulang maglakad paalis sa gusaling iyon.

"May mali ba sa mapang 'to?" Mangiyak-ngiyak na sambit ni Iseah. Magtatatlumpung minuto na kasi siyang naglilibot-libot ngunit 'di niya pa rin malaman kung nasaan ang dorm na dapat niyang puntahan. "Psh, babalik na nga lang ako sa office nung Headmistress."

Napag-isipan niyang balikan na lamang ang Headmistress upang sabihing hindi niya mahanap ang dorm lalo na't wala rin siyang mahagilap na mapagtatanungang mga staffs na palakad-lakad. Pero habang tumatagal ay napapansin niyang hindi na pamilyar ang tahak na nilalakaran niya. "Juice colored. Mukhang nagkamali pa yata ako ng dinaanan."

Inilibot niya ang kanyang paningin at napagtantong napunta na siya sa kakahuyan. "Ba't ba kasi ang sabaw ko ngayon. Huhuhuhu naliligaw na ako." Kinuha niya ang cellphone niya at saka nagsimulang magcontact ng kung sino-sino. "Sagutin mo, Aeron." Bulong nito habang kinakagat ang mga kuko niya.

"Sup, Briantte Dale? Napatawag ka, 'te?" Sagot ng babaeng nasa kabilang linya.

"Waaah! Aeron, naliligaw ako dito sa Villera Academy. Send help huhu."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 24, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

ScionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon