⚜️ P r o l o g u e ⚜️

22 1 0
                                    

Ang lahat ng bagay at mga pangyayari ay itinakda ayon sa kani-kaniyang panahon at oras.

Kapag inaksaya mo ang iyong panahon, aaksayahin ka rin ng panahon mo.

Mag-hahatinggabi na nang gumuhit ang napakalakas na ulan. Dumadagundong ang napakalakas na kulog–tila nagmaktol ang kalangitan sa nakakabinging ugong na sinabayan pa ng kidlat, dahilan upang masinagan ng liwanag ang isang babaeng nanghihina't naghihingalo sa ilalim ng malakas na ulan—nakasuot ng balabal na may takip na telang abot hanggang sa mukha nito.

Sa ilalim ng balabal nito ay bitbit niya ang isang sanggol—nababalot ang katawan ng lampin, na mas lalo pang lumakas ang pag-iyak nang kumulog na naman ang langit.

Nanghihina ma'y pilit niya pa ring nilalakasan ang kanyang loob para sa batang kanyang hinahagkan. Hindi niya na alam kung nasaan na ba siya, kung saan nga ba talaga siya patungo.

Samantala...

Isinara ni Mrs. Dale ang bintanang bumubuka't sara dala ng napakalakas na hangin. Kumuha rin siya ng pamunas sa mga tubig ulan na pumapasok mula sa maliliit na butas nito. Nagmistulang may baha na sa puwestong iyon ng kanilang tahanan. "Dios mi! Napakalakas ng ulan!" Ani pa nito. "Ano na nga bang pasalunga sa hangin ngayon, Rizzo?"

Hindi naman umimik ang kanyang asawa. Sa halip ay patuloy lamang siya sa pagbabasa ng hawak niyang dyaryo. "Ano bang nababasa mo sa dyaryo't magdamag ka na lang nakatitig riyan?!" Sigaw ng babae, dahilan upang ilapag ng kanyang asawa ang binabasa sa mesa. "The Assassination of–" Saglit pang napahinto si Mrs. Dale sa nabasang headline ng dyaryong hawak ng kanyang asawa, "Ano naman 'yan?!"

"Dyaryo,"

Napasinghap naman ang babae sa sagot nito sa kanya. Magsasalita na sana siya nang makarinig sila ng isang napakalakas na katok mula sa pinto ng kanilang hahay. Saglit pang nagkatinginan ang mag-asawa.

'Kay pagka-lakas lakas ng ulan, sino namang gugustuhing lumusong para lamang kumatok sa aming pamamahay?' Tanong ni Mrs. Dale sa kanyang isipan.

Naulit pang muli ang katok—hindi lang isang beses. Sunod-sunod na malalakas na katok na ang kanilang naririnig. Kaya naman kumuha na si Rizzo ng baston, kung sakali mang kailangan niyang ipagtanggol ang sarili sa likod ng pintuang iyon. Bawat hakbang niya papalapit sa pintuan ay napakabigat. Hindi nila alam kung bakit pero bigla na lamang bumigat ang presensya sa pamamahay nila.

Kinakabahan man, dahan-dahan nitong binuksan ang pinto. Ngunit bigo't may halong pagtataka nitong hinarap ang kanyang asawa dahil wala siyang nakitang tao sa harap ng kanilang pamamahay o maski bakas ng anino ng isang tao kahit saang parte man siya tumingin sa labas.

Napabuntong-hininga si Rizzo Dale. "Tss, binibiro lang 'ata tayo." Isiniwalang bahala niya na lamang ito at isasara na sana ang pinto ng nang makarinig ito ng pamilyar na ingay, hindi tunog ng mga kulog—kundi tinig ng pag-iyak ng isang sanggol na dinig na dinig hindi kalayuan sa kinatatayuan niya. Kahit ang kanyang asawang naghihintay sa kanyang likod ay bakas na rin pagtataka sa hitsura nang marinig rin iyon.

"Clara..." Ani ni Rizzo. "Manatili ka lang rito sa loob, ako ang maghahanap sa sanggol na iyon."

Kinakabahan ma'y tumango ang babae at hindi namalayan ang sariling napaupo sa isang bangko. Hindi maialis sa kanyang isip ang tinig ng sanggol at kung ano na ba ang kinalalagyan nito, lalo pa't mukhang bumabagyo sa labas. "Dios ko po, sana nama'y ligtas ang batang iyon!"

'Sino namang hudas ang may lakas ng loob na mang-iwan ng kanyang sanggol sa labas?' Isip-isip pa nito.

Silang dalawa lamang ni Rizzo ang nakatira sa kanilang pamamahay. Walang silang anak, ni mag-ampon makalipas ang dalawang dekadang pagsasama nila bilang mag-asawa. Sa katotohana'y hirap siyang magbuntis. Naisipan na rin nila ang mag-ampon na lamang ng bata ngunit sa hindi malamang dahilan ay hindi sila nagkaroon ng pagkakataong makapag-ampon, tadhana na siguro ang hindi sila pagtagpuin ng isang anak. Kaya nama'y tahimik na nagdadasal si Clara na sana nga'y isang sanggol ang narinig nila, dahil hindi siya magdadalawang-isip na kupkupin ang batang iyon.

Maya-maya pa'y nakarinig siya ng pagsara ng pinto kaya agad naman siyang napatingin sa kanyang asawang may bitbit na—"Tiklis?" Nakakunot-noong tanong ng babae sa asawa nito. 'Anong mayroon sa tiklis na iyon?'

Magsasalita pa sana si Clara nang makarinig ulit siya ng pag-iyak, pero sa pagkakataong ito ay sigurado siyang napakalapit na ng tinig na iyon sa kanya. Nang mapagtanto niya ay agad siyang lumapit sa tiklis, at saka niya nakita roon ang napakagandang sanggol na iniwan na lang kung saan.

Ngunit may napansin pa si Clara bukod sa batang iyon. Nagtataka niyang kinuha mula sa tabi ng sanggol ang isang gintong sobre, tila ba'y isang kasulatan na nagmula sa mga mayaman. Saglit pa silang nagkatinginan ng kanyang asawa.

Once upon a night,
The tumult is full of light.

As a matriarch gave birth,
Another power came to earth.

But as time seeks,
It piles up full of meek.

They discern each other,
And hail is on one another.

Time is on its tactics,
Blind be not the classics.

The inheritor's under the middle,
To find thou is answer the riddle.'

At sa likod na bahagi ng sulat ay nakalagay ang mga katagang...

"Sageste Laverene."

2018 ©️ eloralied

This story is a work of fiction. Names, characters, places and events are all fictitiously made by the author. Any resemblance to real persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

All Rights Reserved. No part of this story may be reproduced, distributed, or transmitted in any form or by any means, without the prior permission of the author. Plagiarism is a crime.

AUTHOR's NOTE

Suuuuuupppp? Kamusta 'yung Prologue?

First of all, pangatlong publish ko na po 'to ng librong Scion, inunpublish ko na siya dati ng dalawang beses kasi may inaayos ako sa simula hahaha magulo kasi 'yung dating simula neto kaya 'yooon, binago ko hahaha btw hi sa mga nakabasa sa previous work ko lol shhh lang kayo pero 'yun pa rin 'yung story, susundin ko pa rin 'yung original plot na nasa isipan ko.

Second. To be honest, ayaw ko ng cliché stories. Fantasy po 'to with matching action, mystery, etc. Ang lahat ng mababasa ninyo sa next parts ay nanggaling lamang sa ideya ni otor. Plagiarism is a crime, 'di ba? Kaya asahan niyo nang hindi 'to hango sa kahit anong story or ginaya lang sa kahit ano sooo yeah para clear po tayo hahaha.

Aaaaand Book Cover by meeeeeee! (Share ko lang lol)

THANK YOU PO SA MGA MAGBABASA AT NAGBABASA NETO KAHIT ALAM KONG WALA NAMANG NAGBABASA NETO EHEHEHEHEHE! <3

VOTE AND COMMENT!

ScionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon