Panukala – mungkahi, regular – uri ng pari, kasama sa orden o korporasyonParing sekular – uri ng pari, karaniwa’y Pilipino na walang samahan o ordenTandisan – tuwiran, harapanTikin – mahabang payat na kawayan na ginagamit sa pagpapatakbo ng sasakyang-pantubig sa pamamagitan ng mga bisigUldog – pari, prayle
El Filibusterismo Kabanata 2 – Sa Ilalim ng Kubyerta
Pumunta si Simoun sa ilalim ng kubyerta. Palibhasa’t lahat ng gamit at mga kargamento ay doon din matatagpuan kaya naman masikip masikip sa lugar na iyon para sa mga pasahero.
Naroon sa ilalim ng kubyerta ang dalawang estudyate na sina Basilio na nag-aaral ng medisina at mahusay nang manggamot, at si Isagani na isang makata at katatapos pa lamang sa Ateneo.
Kausap ng dalawa si Kapitan Basilio kung saan nadaanan ng kanilang pag-uusap si Kapitan Tiyago. Pinauwi raw siya, ani Padre Irene na naging tagapayo ng kapitan nitong nga huling araw.
Napunta naman ang usapan sa paaralang balak ng mga estudyante tungkol sa pagtuturo ng mga Kastila. Ayon kay Kapitan Basilio ay hindi raw ito magtatagumpay. Tutol naman dito ang dalawang binata. Maya-maya pa’y lumayo na si Kapitan Basilio.
Noo’y napag-usapan nila si Paulita Gomez, ang kasintahan ni Isagani na maganda, mayaman at may pinag-aralan na pamangkin ni Donya Victorina. Ipinahahanap ng Donya kay Isagani ang kanyang asawa na si Don Tiburcio de Espadaña. Ito ay nasa bahay pa ni Padre Florentino na amain ng binata, nagtatago.
Ilang sandali pa’y dumating si Simoun at kinausap ng magkabigan. Agad na ipinakilala ni Basilio kay Simoun si Isagani.
Ani Simoun, hindi niya nadadalaw ang lalawigan nina Basilio dahil ang kanilang lalawigan ay mahirap at di makabibili ng alahas.
Tinutulan naman ito ni Isagani at sinabing hindi sila namimili ng alahas dahil hindi naman nila kailangan. Napangiti si Simoun sa sinabi ng binata. Paliwanag niya, dukha daw ang lalawigang nabanggit niya dahil ang mga pari sa simbahan ay Pilipino.
Inanyayahan ni Simoun ang magkaibigan sa pag-inom ng serbesa ngunit ito’y tinanggihan ng dalawa. Ayon kay Simoun, sinabi umano ni Padre Camorra na kaya tamad ang mga Pilipino ay dahil pala-inom ng tubig at hindi ng serbesa.
Tinugon siya ni Basilio at sinabing, “sabihin ninyo kay Padre Camorra na kung siya ay iinom ng tubig sa halip ng serbesa, marahil ay mawawala ang sanhi ng mga usap-usapan.”
Dagdag pa ni Isagani, “lumuluhod sa alak at sa serbesa na pumapatay ng apoy; na kapag pinainit ay sumusulak; nagiging malawak na dagatan at gumugunaw ng santinakpan.”
Tinananong naman ni Simoun kung ano ang itutugon niya sakaling itanong ni Padre Camorra kung kailan magiging sulak at malawak na karagatan ang tubig.
Sinagot siya ni Isagani ng “kapag pinainit ng apoy; sa sandaling ang mumunting ilog na watak-watak ay magkakasamasama sa kailalimang hinuhukay ng tao.”
Binigkas din ni Basilio ang isang tula ni Isagani tungkol sa pagtutulong ng apoy at tubig sa pagpapatakbo sa makina (steam engine). Ngunit ayon kay Simoun ay pangarap daw iyon dahil ang makina ay hahanapin pa.
Nang umalis na si Simoun ay saka lamang nakilala nang lubusan ni Isagani ang mag-aalahas na tinatawag ding Kardinal Moreno.
Pamaya-maya pa’y may dumating na utusan upang ipatawag ang pamangkin ni Padre Florentino. Ngunit nakita ng kapitan ang pari kaya ito ay inanyayahang pumanhik sa ibabaw ng kubyerta.
Talasalitaan
Alintana – iniindaMakihalubilo – makisamaNamula – napahiyaPaurong – paatrasPinagpupugayan – ibinabalik ang pagbatiSagabal – hadlangSumabat – sumingitSumugat – nakasakitTutulan – tatangihanUmiral – namayani
BINABASA MO ANG
THAT'S WHY I LOVE HIM
JugendliteraturBeing Inlove With Your BestFriend is only lucky if they love you back,wawwwww maswerte daw ehhh pano naman kung wala kang bespwennn???edi magdusa ka. TSS:4/16/18 EOS: / / /