Nasaktan.

22 1 1
                                    

Hanggang kailan mo ba ako sasaktan?hanggang ngayon masakit parin eh.

Sana hindi ka nalang 'nag-iloveyou' kung hindi naman totoo! Sana hindi mo nalang ako inangkin kung madami pala kami. Sana hindi mo nalang ako niloko. Edi sana hindi ako nasasaktan ngayon!

Tinigil mo ng hindi ko alam kung bakit. Wala manlang akong natanggap mula sayo na 'oyy. Wala na tayo, ha? Ayoko na eh', 'itigil na natin 'to', 'hello, sawa na 'ko. Bye' wala manlang ako natanggap kahit ganyan lang.

Alam mo ba kung gaano kasakit yun? Malamang hindi, kasi kung alam mo bakit mo gagawin sa iba? Hindi mo alam kung gaano kasakit yun dahil hindi mo pa nararanasan.

Kailan man hindi magiging tama ang mali.

Siguro kaya hindi ko alam kung bakit 'to natapos dahil hindi ko din alam kung paano tayo nagsimula.

Paano nga ba magtatapos ang hindi pa sinimulan? Bakit ako nagtaka nung bigla nalang natapos? Pero bakit hindi ako nagtaka kung paano kami nagsimula? PAANO MAGTATAPOS ANG BAGAY NA HINDI SINIMULAN?

Siguro ako lang talaga ang nag-assume na merong namamagitan sating dalawa.

Bakit kung saan alam nating masasaktan tayo, dun pa tayo mas masaya? Ang tanga lang talaga eh.

Sineryoso ko yung laro lang sakanya. Ang hirap pala makipaglaro ng habulan, lalo na kung ikaw ang taya. Yung tipong hinahabol mo siya, kahit na kaya mong habulin yung iba. Nung malapit mo na siyang maabot, bigla kang nadapa.

Bakit mo kasi hinabol yung taong ayaw magpahabol? Nadapa ka na, nasugatan ka pa. Ang sakit nung sugat na natamo ko dahil sayo.

Minahal mo ako, mahal ko. Minahal mo ako... kahit kunwari.

Ang pagbitawTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon