Bitaw na.

16 0 0
                                    

Ito ang araw kung kailangan malaya na ako. Wala na akong iniisip na kahit ano.

Sawa na akong maghabol, mahal ko. Balang araw makikita mo ang halaga ko kung kailangan wala na ako sayo. Hindi na ako babalik sayo. Hinding hindi na dahil natatakot na ako.

Nakabangon na ako, oh. Hahayaan ko bang madapa ulit ako?

Nasaktan ako ng sobra. Sayo ko natutunan kung gaano kasarap magmahal at kung gaano kasakit masaktan.

Sobrang sakit. Sobra na 'tong pagiging tanga ko. Siguro kailangan ko ng tapusin 'to. Wala na akong mapapala sa pag-iyak ko sayo. Alam kong wala na talaga.

Salamat dahil naging parte ka ng buhay ko. Salamat dahil minahal mo ako kahit kunwari. Salamat sa lahat, mahal ko. Kailangan na kitang palayain.

Mahal na mahal kita, mahal ko.

Ang pagbitawTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon