Umasa.

25 1 0
                                    

Umasa akong magpapaliwanag ka sa akin. Umasa akong mahal mo ako, umasa akong AKO ang mahal mo. Pero ang sakit palang umasa lalo na kung hindi na siya sayo.

Gabi-gabi akong umiiyak. Akala ko pagkatapos kong umiyak mawawala na yung sakit o kahit mababawasan man lang. Pero wala e. Hirap na akong bumangon. Yung tipong ayaw na kitang makita dahil parang dinudurog ulit ang puso tuwing nakikita kita.

Ilang araw ka ding hindi nagparamdam sa akin. Tanging mga kaibigan ko lang ang nagpapalakas ng loob ko. Saksi sila sa ginagawa mong panloloko sa akin. Saksi sila sa pag-iyak ko.

Ginawa nila ang lahat para mawala yung sakit na binibigay mo sa akin. Pero wala yatang gamot sa sakit na 'to e. Dahil kung meron, kahit saan o magkano pa yun. Bibili ako.

Ang pagbitawTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon