P R O L O G U E
Palagi kong nakikita sa Facebook ang mga kaibigan kong malaki ang mga dibdib, ang daming likes, famous talaga, ang daming pang friend request galing sa mga naggwagwapong nilalalang.
Pero ako? Ito pagnagpost ng picture ako lang ang naglalalike ng picture ko, minsan umaabot sa tatlo ang like ng picture ko.
Palagi din akong tinutukso ng mga kaibigan ko, kesyo daw Pader, puro daw likod at binansagan pang Great Wall of China.
Sanay na ako dun kaya pinabayaan ko na lang.
Hindi din ako kagandahan, makulot ang buhok, nakasalamin na malaki, nakabraces, nakasuot ng pang manang na damit. Anong magagawa ko, laki ako sa hirap, sa squatter area nakatira, hindi pa buo ang pamilya.
Iniwan kami ng tatay ko para sa isang babaeng mayaman, maganda, at malaki ang hinaharap. Yung nanay ko, may kantandaan na din dahil sa pag-aalaga niya sa amin ng kapatid ko, kaya lang kami nakapag-aral dahil sa binigyan kami ng Schoolarship ng amo ni Nanay, nagtratrabaho kasi siya bilang isang katulong.
Nandito ako ngayon nakatutok sa computer dito sa computer shop sa amin, nagfefacebook.
Scroll lang ako ng scroll, wala naman akong kachat, siguro ganito talaga kahirap maging panget na, Great Wall of China pa.
Habang nagsco-scroll ako ay biglang may nagpop-up na notification sa akin, agad ko itong clinick at biglang lumaki ang mata ko.
Kaito Fuentes Sy send you a Friend Request.
What the Hell F*ucking is this?! Si Kaito nagfriend request sa akin?!! For Real?!
Matagal ko nang gusto si Kaito, nung Junior Highschool pa lang kami ay gusto ko na siya, siya ang Campus Hearthrob ng school namin.
Agad ko naman inaccept ang friend request niya. Bigla siyang nagmessage sa akin.
"Hi Crush."
"OH MY GINATAAN!", biglang kong sigaw.
Napatingin ako sa paligid nang mapagtanto ko ang ginawa ko. Lahat sila nakatingin sa akin, bigla naman akong nahiya.
"Sorry.", ngiti kong sabi sabay peace sign.
Tinuon ko na lang ulit ang atensyon ko sa harap ng computer upang itago ang hiya.
I can't believe it! Nagchat sa akin si Crush! Sabi niya Hi Crush. Yiiiieeee!!! Kilig to the intestine. Hahaha.
Agad naman akong nagchat sa kanya, ayoko na magpakipot noh pero dahan-dahan muna. Hahaha.
"Hello.", chat ko.
Nang masend ang chat ko ay nakita ko na active 3 minutes ago na siya.
Ayy naglog-out? Siguro ay nahiya siya akin kaya bigla na lang siya naglog-out. Yiiieee! Pinapakilig mo naman ako crush eh. Hehehe.
Bumalik ulit ako sa pagsco-scroll at nang malapit na maubos ang time ko ay nilog-out ko na ang Facebook ko at umalis na sa Computer Shop.
Habang palabas ako ay hindi parin mawala-wala ang ngiti sa labi ko.
Nagchat sa akin si Crush at inamin niya din na crush niya ako. Yiiiieeee! May forever kami ni Crush!!
Wag kang mag-alala Crush, hindi ka na mahihirapan na manligaw sa akin, agad agad kitang sasagutin. Hahaha. Yiiieee!!
Iniisip ko pa lang na manligaw si crush sa akin ay kinikilig na ako, paano pa kaya kung totoo talaga na manligaw siya? Baka mabaliw ako at baka hindi ko siya masagot agad dahil sa kilig. Hehehe.
YOU ARE READING
Ang Girlfriend kong Great Wall of China (ON GOING)
Teen FictionAng kwentong ito ay para sa mga Great Wall of China na nagmahal, nasaktan at umasa. Date Started: April 17, 2018 Date Published: April 19, 2018 Date Finished: