Nakasakay kami ngayon ni Mrs. Sy sa kanyang sasakyan. Pupunta kami sa paaralan kung saan pumapasok si Sir Kaito.
Hindi pa rin ako makapaniwala na inalok ako ni Mrs. Sy na pag-aaralin niya ako. Nung una ay tumanggi ako at sinabi na magtigil muna ako ng isang taon upang makapag-ipon sa pag-aaral ko pero sabi ni Mrs. Sy na sayang ang pagkakataon kaya pumayag na din ako. Laking pasalamat ko talaga kay Mrs. Sy dahil sobra napakabait niya kaya pagbubutihin ko talaga ang pag-tatrabaho sa kanila.
"Nandito na tayo.", napatigil ako sa pag-iisip ng magsalita si Mrs. Sy.
Tumingin ako sa labas at nakita ang napakalaking gate.
"Tara na.", nakita ko sa peripheral view ko na binuksan ni Mrs. Sy ang pinto niya kaya binuksan ko na din ang sa akin at bumaba.
Mas lalo ako namangha nang makita na hindi lang gate ang sobrang laki pati mga building sa loob. Sobrang napakalaking school na ito.
XAVIER STATE UNIVERSITY, yan ang nakalagay sa arko ng gate.
"Pasok na tayo Rojean.", tawag sa akin ni Mrs. Sy kaya napatingin ako sa kanya.
"Ang laki ng school na ito Ma'am. Sigurado po kayo na dito niyo ako pag-aaralin?", hindi ko maiwasan na itanong kay Mrs. Sy.
"Oo naman. Kaya halika na at pumunta na tayo sa President Office upang makapag-enroll ka na.", sabi ni Mrs. Sy
Dahan-dahan na kaming naglakad papasok. Binati kami ng mga guard ng makapasok kami sa loob. Mukhang kilala si Mrs. Sy ng mga taong narito dahil panay ang pagbati sa kanya ng makapasok na kami. Mapaguro man o mga nagtatrabaho sa paglilinis ng school.
Sobrang laki talaga ng school. Ang daming malalaking building at sobrang lawak din ng field. Wala masyadong tao dahil sa susunod pa na linggo ang pasukan. Sabi ni Mrs. Sy tapos na daw amg enrollment kaya kailangan namin magpunta sa President Office upang makausap ito na makapag-enroll pa ako. Laking pasalamat ko talaga kay Mrs. Sy dahil siya mismo ang kakausap sa President ng isa sa mga sikat na school aa Pilipinas.
Makalipas ang ilang minuto ay narating namin ang dalawang palapag na building. ADMINISTRATOR BVLDING, yan ang nakalagay sa taas ng bukana ng building. Pumasok na kami at sumalubong sa amin ang isang matandang babae na nasa early 50s. Base sa suot nito ay mukhang may maatas ito na katungkulan sa school.
"Madam Ho.", bati ni Mrs. Sy sa matandang babae.
"Mrs. Sy, kinagagalak ko na makita ka ulit dito sa school. Maraming salamat talaga sa lahat ng tulong niyo upang mapabuti ang paaralan.", nakangiting sabi ni Madam Ho.
"Walang anuman Madam Ho. Gusto ko din na hindi lang anak ko ang makikinabang ng maayos na paaralan, gusto ko din ang ibang mga estudyante.", nakangiti din sabi ni Mrs. Sy.
"Hali na kayo Mrs. Sy, alam ko na busy kayo ngayon kaya punta na tayo sa office upang matapos na.", nakangiting sabi ni Madam Ho at iginiya kami papunta sa opisina niya.
Naglakad na kami papunta sa elevator at sumakay na kami paakyat.
"Sino po pala itong magandang babaeng ito Mrs. Sy?", biglang tanong ni Madam Ho.
Nahiya naman ako sa sinabi niya. Hindi naman din ako ganun kaganda. Nakasimpleng blue na bistida lang ko. Hiniram ko ito kay Manang kanina upang isuot, buti na lang talaga at may maliit na bistida si Manang. Hindi pa ako makabili ng bagong damit ngayon dahil hindi pa ako sumusweldo.
"Siya nga pala si Rojean. Siya yung gusto ko na ienroll dito.", sabi ni Mrs. Sy.
"Hello po Madam Ho.", nakayuko kong bati.
YOU ARE READING
Ang Girlfriend kong Great Wall of China (ON GOING)
Teen FictionAng kwentong ito ay para sa mga Great Wall of China na nagmahal, nasaktan at umasa. Date Started: April 17, 2018 Date Published: April 19, 2018 Date Finished: