Naalimpungatan ako ng makaamoy ako ng pagkain, agad na tumunog ang tiyan ko at dahan dahan kong binuksan ang mata ko.
Bumungad sa mga mata ko ang isang puting kisame, dahan dahan kong inangat ang katawan ko upang umupo.
Nasan ako? Anong ginagawa ko dito?
Inilibot ko ang tingin ko sa buong paligid. Parang nasa hospital ako, kasi may mga gamit akong nakita na sa hospital lang makikita.
Bakit ako nandito? Anong nangyari sa akin?
Napatingin ako sa harap ng bumukas ang pinto at iniluwa nun ang isang napakagandang babae. Mahaba ang buhok hanggang beywang, nakasuot ng crimson red dress, nakahigh heels, pula ang mga labi, in short, ang ganda ng babaeng nasa harapan ko. Parang isang anghel na nahulog galing sa langit ang kagandahan niya. Parang matitiboom ako nito ah. Wag naman sana.
"Oh! Gising ka na pala.", sabi niya at lumapit sa akin.
Hindi ako nagsalita, nakatingin lang ako sa kanya.
"Ako nga pala si Alexandra Sy, ako ang nakakita sayo sa daan kanina na nakahandusay at walang malay.", nakangiti niyang sabi.
"Ano pala nangyari sayo iha?", tanong ni Mrs. Sy sa akin.
"Pinalayas po ako sa bahay ng tyahin ko po.", nakayuko kong sabi.
Hindi ko mapigilan na maluha. Ilang taon ang tiniis ko sa kanila tapos ngayon, pinalayas na ako dun. Saan na ako pupunta nito?
"May matutuluyan ka ba iha?", tanong niya.
"Hindi po alam. Wala po akong ibang kilalang kamag ko na nakatira dito.", medyo naluluha ko nang sabi.
"Iha gusto mo ba magtrabaho sa amin?", tanong ni Mrs. Sy.
Agad kong inangat ang tingin ko sa kanya.
"Hindi niyo po ako kilala. Wala po akong dalang kahit anong papeles para ibigay sa inyo.", honest kong sabi.
Gusto ko makahanap ng matutuluyan kahit magtrabaho pa ako dun pero wala akong maipakita sa kanya kahit anong papeles.
"Okay lang yun Iha. Ako na bahala dun. Tutal, kulang din kami ng tao na pwede tumulong sa pag-asikaso sa bahay. Ayoko din kumuha sa isang agency dahil baka pagnakawan na naman kami.", sabi ni Mrs. Sy.
"Paano kung ganun din ako po? Na nanakawan po kayo? Paano po kaya ako pinalayas ng Tita ko po ay nagnakaw ako, gusto niyo pa rin po ba na magtrabaho ako sa inyo?", seryoso kong tanong.
"Iha alam ko sa sarili ko na hindi ka ganun klaseng bata. Nakikita ko sa mga mata mo na sobrang bait mong bata. Sabi nga nila, mouth can lie but the eyes tells the truth. Kaya gusto kita tulungan Iha.", nakangiting sabi ni Mrs. Sy.
Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko, sobrang overwhelmed ako kay Mrs. Sy kaya bigla ko siyang nayakap.
"Maraming salamat po. Hindi ko po alam kung anong gagawin ko kung hindi niyo po ako nakita sa daanan. Maraming salamat po!", maluha luha kong sabi habang nakayakap ako sa kanya.
Naramdaman ko din na niyakap niya ako.
"Walang anuman yun Iha, handa akong tumulong sa mga taong nangangailangan.", sabi niya.
Nang mapagtanto ko na nakayakap na pala ako kay Mrs. Sy ay agad akong kumalas sa kanya.
"Pasensya na po Mrs. Sy. Sobrang nasiyahan lang po ako dahil sa alok niyo.", nahihiya kong sabi.
"Walang problema yun Iha.", nakangiting sabi ni Mrs. Sy.
Parang familiar ang ngiti niya pero hindi ko alam kung kanino ko nakita ang katulad niyang ngiti.
YOU ARE READING
Ang Girlfriend kong Great Wall of China (ON GOING)
Teen FictionAng kwentong ito ay para sa mga Great Wall of China na nagmahal, nasaktan at umasa. Date Started: April 17, 2018 Date Published: April 19, 2018 Date Finished: