Hindi Ko Sinasadya

18 2 0
                                    

Maloko ako, alam ko
Mahangin ako, alam ko
Dahil yun ang totoo

Puro ako kalokohan
Kahit sino pinapatulan
Ngunit sa pag-uusap lang naman

Akala ko ikaw na noong una
Pero hindi pa pala
Dahil may dumating na iba

Hindi ko alam kung paano ito nangyari
Kahit anong gawin ko'y 'di ko mawari
Kailangang ito'y hindi iwawaksi

Hindi ko sinasadyang mahulog ka
Hindi ko sinasadya na ganito ako, diba?
Paano kita sasaluin, hindi pa ako handa

Hindi ko rin sinasadyang pagkaguluhan niyo 'ko
Nagpapakita lang ako ng tunay na ako
Hindi ko sinasadyang magkakaganuon kayo

Aalis na lang ako para matapos na
At pasensya na, HINDI KO SINASADYA

-Renz Troy

DamdaminTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon