Hindi Tayo Nababagay

27 2 3
                                    

Hindi ko mabatid kung anong meron tayo
Mga sitwasyo'y 'di ko mawari
Ano bang nangyayari
Sa mundong ating ginagalawan

Nararamdama'y walang kasiguraduhan
Kaagapay ang sitwasyong walang kahihinatnan
Mga pag-uusap na walang pakundangan
Ngunit meron kayang nararamdaman?

Hindi ako sigurado kung tanging ako lang sa puso mo
Hindi ka naman nagsasabi ng totoo
Hindi ko naman tinanong
Kaya hindi mo obligasyong sagutin ako

Gusto kong ituloy ang aking nasimulan
Ngunit hindi tayo nababagay sa mundong ating ginagalawan
Aking puputulin ang mundo nating nagka-ugnay
Pasensya na, HINDI TAYO NABABAGAY

-Renz Troy

DamdaminTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon