Tulad Ko

16 2 3
                                    

Madaya ang mundo
Kaya natuto ako kung pa'no makipaglaro
Hindi ko naman sinasadyang ika'y matatamaan
Halika, ika'y aking gagamutin para ika'y malunasan

Dito ka lang sa tabi ko
Hindi kita iiwan hangga't nanatili pa ako dito
'Wag kang umangal
Gagamutin kita ng may dangal

'Wag mo 'kong ipagtabuyan
Dahil kusa rin akong lilisan
Sa hindi malamang mga panahon
Kaya hayaan mo muna akong ika'y samahan ngayon

Kung aalis ka, hindi kita pipigilan
Maghihintay ako sayo dito
Hangga't ako'y narito
Sa aki'y hindi ka mabibigo

Ngunit, kung ako'y lilisan
Lisanin mo na rin ako
Dahil wala na ako sa tabi mo
Wala ng MAGMAMAHAL SAYO NA KATULAD KO

-Renz Troy

DamdaminTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon