Black 9

9 7 0
                                    

"Mama where are we going?" tanong ng bata sa mama niya...

"Pupunta tayo sa Claro Flower Shop anak... diba you love flowers?" sagot ng mama ng bata...

"Yehey!" masayang tugon ng bata...

Paglipas ng isang oras ay nakarating na sila sa flower shop...

Masayang masaya ang bata ng pumasok siya sa flower shop ng kanyang ina at binati niya ang mga taong nakakasalubong niya...

Pumunta ang bata sa mga bulaklak para tingnan ito...

"Pick whatever you want Princess..." sabi ng papa niya sa kanya...

"Ayoko po papa..." malungkot na sabi ng bata...

"Bakit naman Princess... Diba favorite mo tong white rose?" sabay turo ng kanyang ama sa  puting rosas...

"Sasanayin ko na po ang sarili ko na hindi sila tignan dahil mabubulag rin naman po ako..." malungkot na saad ng bata... 

"Diba sabi ng doctor may gamot yan tsaka hindi ibig sabihin na malabo ang isa mong mata ay lalabo rin ang isa kaya para gumaling ka kailangan mong sundin si Mama at Papa..." paliwanag ng ama sa kanyang anak...

"Shawn kunin mo ang lahat ng puting rosas at dalhin mo sa bahay... sabihin mo sa mga katulong na yan ang ipalit sa mga bulaklak sa bahay..." sabi ng ina ng bata sa kanilang pinagkakatiwalaan na tauhan...

"Opo maam..."

"Wag ka ng sad Princess dahil kahit mabulag ang isa mong mata ay ikaw parin ang aming Prinsesa... Diba Mama?" sabi ng ama ng bata..

"Yes you are... you are our one and only one eye princess..." sabi ng ina ng bata  at yinakap niya ito...

"Mama naman eh..." reklamo ng bata dahil sa tinawag sa kanya ng kanyang ina...

"Im just joking baby... Hindi  ka mabubulag princess dahil love ka ni mama at papa..." sabi nang kanyang ina...

"Excuse me po Maam, Sir mauuna na po ako sainyo para mapaayos ko na po tong mga bulaklak  sa mansyon..."

"Sige Shawn..."

"Mommy can i play over there?" sabay turo ng bata sa park na nasa harap ng flower shop...

"Okay Princess.... Mia samahan mo muna siya sa park..."

Naglalaro lang ang bata kasama si Ate Mia niya na isang tagabantay ng flower shop ng biglang magkagulo sa loob ng flower shop...

May pumasok na mga magnanakaw sa flower shop...

"Ate Mia bakit may mga Black Guy with mask na pumasok sa flower shop?" tanong ng bata sa kanyang kasama at agad namang napalingon si Mia sa flower shop.. nakita ni Mia na suminyas ang kanyang amo na wag silang papasok sa flower shop...

"Ate Mia puntahan natin si mama at papa kasi may mga gun yung mga black guy..." hihilahin na sana ng bata ang kanyang ate ng pinigilan siya nito...

"Hindi pwede princess kasi dilikado doon... halika magtago tayo..." binuhat ni Mia ang bata papunta sa may malaking bush ng bulaklak kung saan kitang kita parin nila ang nangyayari...

"Ate i want to go to my Mama and Papa!" pagpupumiglas ng bata...

"Wag kang maingay... Sabi ng mama mo dito lang da----

bang! bang! bang!

Hindi natapos ni Mia ang kanyang sasabihin dahil sa narinig niyang putok ng baril..

"Mama! Pahhmmnn hmmnnn hmnn" tinakpann ni Mia ang bibig ng bata... hindi rin mapigilan ni Mia na umiyak dahil sa kanyang nakita...

Umalingaw ngaw pa ang ilang putok ng baril at wala silang magawa kung hindi ay umiyak nlang...

Tulala na ngayon si Mia at hindi niya namalayan na nabitawan na pala niya ang bata...

Agad na tumakbo ang bata papasok sa flower shop at nakita niya ang mama at papa niya na nakahandusay sa sahig...

"Mama!!! Papa!!" sigaw ng bata habang umiiyak...

Naggising ako mula sa aking pagkakatulog at may tumulong luha mula sa aking mga mata...

Bumalik nanaman ang panaginip ko... ang memoryang hindi ko makakalimutan... 

Nagpas-ya akong lumabas para magpahangin... By the way dito pala ako nagstay sa flower shop... Meron kasi silang mga rooms dito para sa mga tauhan nila...

Lumabas ako sa flower shop at pumunta sa park...

Ang park na ito ang dahilan kung bakit pa ako buhay... Pero sa park rin na ito ko nasaksihan ang pagkamatay ng aking mga magulang...

Naaalala ko lahat ng nangyari sa mismong araw na yon... tandang tanda ko kung paano binaril sa ulo ang mama at papa ko...

Kahit pa isang mata ko nalang ang gumagana ay kakayanin ko at hahanapin ko ang pumatay sakanila... Oo hindi na nakakakita ang isa kong mata dahil mas lumala ito ng magkaroon ako ng trauma...

Walang nakakaalam na walang nakikita ang isa kong mata dahil kung titignan mo ako ay masasabi mong wala akong deperensya...

Kaya ngayong alam niyo na ang sekreto ko sana hindi niyo ito ipagsabi sa kahit kanino...

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 18, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Black MemoryWhere stories live. Discover now