Chapter 1

314 8 0
                                    




"Nak. Umuwi ka muna. Para naman makapagpahinga ka muna."

Umiling nalang ako at mas lalo ko pang hinigpitan ang pagkakahawak sa kamay ni Mommy.

Mom, please wake up.

"Nak. Alam mo namang hindi gugustuhin ng mama mo na pababayaan mo iyang sarili mo, kung gising lang siya—"

"But that's the thing ya. She's in coma and it's all my fault."

Kasalanan ko.

Kasalanan ko.

"Nak. Wala kang kasalanan, ano ba iyang sinasabi mo?" Naramdaman ko nanaman ang pagtulo ng bwisit na luha na ito. "Nak mabuti pa talaga na umuwi ka muna, magpahinga ka. Sige na, apo." Sabi nito at mahigpit akong inakap.

Wala naman na akong nagawa kundi sundin siya.

Pagkabukas ko naman ng pinto ay si Doc naman agad ang nakita ko. "Doc." Bati ko dito.

Bago pa man ito sumagot ay tinapik na ako nito at nagsalita. "Oh! Nice timing. Nandito parin pala ang kapatid mo. Pwede namang sakanya ka nalang magtanong. Kailangan na talaga kasi ako sa ICU talaga. I'm sorry."

Halos napakunot naman ang noo ko sa sinabi ni Doc. Kapatid? Anong kapatid ang sinasabi niya? Tiyaka sino ba itong babaeng ito?

"Who are you?" Tanong ko sakanya at sakto naman siyang tumingin saakin.

Shit.

"I'm Rhian's daughter, her other daughter."

Halos hindi naman maproseso ng utak ko ang sinabi niya. Rhian's other daughter? "Miss are nuts?! Anong sinasabi mo? I'm her only daughter."

"I. Am. Her. Daughter. Too." Madiin na sabi niya. At tinitigan ako sa mata.

Those green eyes. "You know what? You look familiar." Sabi niya at nilapit ang mukha saakin.

"Anong ginagawa mo? Baliw ka siguro talaga noh?" Sabi ko at hindi maiwasang manlaki ng mga mata ko dahil sobrang lapit ng mukha niya saakin. Pero imbis naman na lumayo ay mas lumapit pa ito at tinitigan ang mga mata ko.

Ilang sandali lang ay nilayo na niya ang mukha niya at nagsalita. "Nah. Ang layo. She has those brown eyes na kapag tinitigan mo, matutunaw ka nalang na parang chocolate. Pero ikaw you have grey eyes, pero daig pa ang blue dahil sa sobrang cold. And isa pa she's like a ball of sunshine. Eh ikaw para kang dwende ni snow white. Grumpy." Then she giggled.

Napakunot nalang ang noo ko sa pinagsasabi niya.

"Miss, maayos kitang kinakausap. Kaya kung ayaw mong sabihin kung sino ka, at anong ginagawa mo dito. Mapipilitan na ako tumawag ng security."

"Ilang beses ko bang sasabihin sayo? I'm rhian's daughter." Seryosong sabi niya. Napasinghap nalang ako at mariin siyang hinawakan.

"Pwede ba Lauren? Wag kang magimbento ng kwento dito. Umalis ka nalang dahil konting-konti nalang tatawag na ako ng guwardiya."

"Teka. Paano mo nalaman ang pangalan ko?"

Kunot noong tanong niya kaya naman nanlaki nalang ang mata ko at sumigaw ng..."Guard!!"

"Teka sandali! I need to see Rhian, I—i—I need to see my Mom!"

Hindi ko nalang pinansin ito at nagpatuloy sa pagsigaw. "Guards!!"

"Sandali!" Sabi pa niya at pilit nagpupumiglas sa hawak ko. "Okay! Okay! Aalis na ako. For now."

Mabilis ko naman na binitawan ang kamay niya at hindi na pinansin ang sinabi niya. "Kapag nakita pa kita dito, hindi lang kita ipapatapon palabas ng hospital. Ipapapulis pa kita." Madiin na sabi ko sakanya.

Nang masigurado ko na tuluyan na talaga siyang umalis ng hospital ay tiyaka lang din ako umalis.

Kapatid? Imposible.

She's my Mom other daughter? Anong ibig sabihin nun? Mom cheated on Dad? Hindi. Hindi talaga. Imposible.

Marami man kaming hindi napagkakasunduan alam kong hinding hindi niya yun magagawa. I know my Mom.

"Huy! You're spacing out nanaman! Tita Rhian is a strong woman, yakang yaka niya yun."

"I know." Sabi ko nalang at ngumiti nalang sakanila. Napabuntong hininga nalang ako at nagsalita ulit. "Guys I saw..lauren kanina..sa hospital."

"Ohh? As in Lauren the Jaguar." Asar ni Kate at tumaas baba pa ang kilay ng gaga.

"Yeah..and alam mo ang sabi niya? She's claiming na anak siya ng Nanay ko!"

"What the hell?" Sabay sabay na sabi nila.

"Yeah really..what the hell."

"Pero hindi mo ba naisip na baka totoo ang sinasabi niya? I mean we know her since high-school."

"Oo nga, lalo ka na. Camila. She's like your first love slash relationship. Kaya kung nagkataon na totoo ang sinasabi niya...that's so incest." Dugtong nanaman ni Kate at tumawa pa ng malakas.

Sinamaan ko naman siya ng tingin. "Not funny, Guys. And besides 19 lang ako nun! Ano bang alam ko sa love ng panahon na yon?

"Pero, Camila. What if? Just what if? Kapatid mo talaga siya. I mean there's a possibility, remember 5 years ang gap niyo. What if? Like anak siya ni Tita Rhian sa pagkadalaga at pinaampon siya? Para naman hindi mo alam na me—sa mangkukulam ang lola mo."

"Edi sana sinabi na saakin ni Mommy yun. Nagsisinungaling lang yung babaeng yun." Pilit ko pa.

"Halos 20 years na tayong magkaibigan Camila kaya kilalang kilala na kita, alam ko na iyang tumatakbo sa utak mo like—'I want to know the truth, but hell im too scared to know the answer.' Saan ka ba natatakot? Natatakot ka ba na nagsisinungaling siya? Or natatakot ka kasi totoo yung sinasabi niya?"

I just shrugged and hindi na sumagot.

If knowing the truth means ruining my family, then I'd rather live in lies.

•terrible things•Where stories live. Discover now