Chapter 4

215 12 1
                                    


1 week ago

LAUREN's

"I want us to be one. Ayoko ng ikaw at ako lang. Ang gusto ko paggising ko sa umaga ang unang maiisip ko agad ay 'tayo.' Tayo ngayon. Tayo bukas. Tayo habang buhay. Lauren, babe will you marry me?"

Sa totoo lang hindi ko rin maintindihan ang sarili ko. Hindi ba dapat ay nagtatalon na ako sa tuwa dahil ang lalaking mahal na mahal ko ay inaaya na ako magpakasal? Saakin niya nakikita ang mga katangingaan ng babaeng gusto niya makasama habang buhay. Ako ang babaeng gusto niya makasama habang buhay.

"Lo?"

Napatingin naman saakin ang parents ko na para bang nagtatanong kung bakit sobrang tagal ko sumagot. Me too,Mom and dad. Me too. Nagtataka rin ako kung bakit sobrang tagal ko sumagot.

"Yes."

"Yes?!"

Dahil narin siguro sa excitement ay madali siyang tumayo at sinuot ang singsing sa daliri ko. It's official. I'm engaged. Yey.

Napuno naman ng saya ang buong paligid. Everyone is congratulating me na para bang sila pa ang inaya ng kasal. Agad din naman lumapit saakin si Mom and Dad at inakap ako.

"Kahit ikakasal ka na at magkaroon ng sampu o higit pa na anak. You'll always be my baby girl. Tandaan mo iyan anak." Ngiting sabi ni Dad at niyakap ako ng mahigpit.

"Sampung anak talaga dad?" Biro ko nalang at tumawa siya. Pagkabitaw naman saakin ni Dad ay sinugod na agad ako ni Mommy ng yakap.

"Congratulations anak, I just can't believe it. I mean ikakasal na ang baby girl ko. Parang dati lang. Hay. Basta anak, just always remember na nandito lang kami ng Dad mo for you. Always. Tandaan mo yan."

Nginitian ko naman si Mommy at pinunasan ang luha niya. "Ikaw talaga, Maria. Hindi pa nga kinakasal iyang anak mo, mapupuno mo na agad ng luha itong venue. Halika nga dito."

Hindi ko naman maiwasan mapangiti ng makita kong yakapin ng mahigpit ni Dad si Mom.

"Maria ka diyan huh? Eduardo."

Sa totoo lang simula bata ako, my ideal relationship is yung katulad kay Mom and Dad. Even though ilan taon na silang kasal ay nandoon parin lahat. Walang nagbabago sakanila.

Nandoon parin yung spark.

Yung kilig.

Yung love.

Nandoon parin sila para sa isa't isa and I hope matulad ang marriage ko sakanila.

"Puntahan ko lang po si Tita Glaiza. Ma."

Ngiting sabi ko sakanila at lumapit sa table kung nasaan si Tita. Habang naglalakad naman ako papunta sakanya ay nakangiti lang ito ng pagkatamis-tamis. Sa totoo lang? Hindi mo mahahalata na mahigit 40 year old na siya, dahil sa totoo lang para lang siya nasa 20's.

"Congrats, Lauren." Mahinang sabi niya, agad naman ako lumapit dito at niyakap ito ng mahigpit.

"Dahan,dahan lang iha. Alam mo namang mahina na ang buto-buto ng tita mo." Tawang sabi niya kaya agad naman akong napabitaw sakanya.

"Ay sorry tita."

Last year lang din kasi naming nalaman ang sakit ni Tita. Leukemia.

"I'm so happy for you Lauren, sobra."

"Thank you Tita. Malay niyo naman kayo na ang next na ikasal." Ngiting sabi ko.

Napangiti nalang siya ng malungkot at napailing. "She has her own family na ija. Masaya na akong masaya siya." Ngiti pa niya ulit.

Napangiti nalang ako ng maalala ko ang kwento saakin ni Tita ang nakaraan nila ni Rhian. Pero sa kabilang banda hindi ko rin maiwasan malungkot, kasi sayang eh. Sayang.

"Malay niyo po." Ngiting sabi ko nalang.

"Hindi na ako umaasa, Lauren. Matagal ko ng tanggap na hindi kami ang tinadhana sa isa't isa. Kaya siguro ngayon? Ang gugustuhin ko nalang ay makita siya, kahit man lang bago ako mamatay."

"Tita, don't say that. Hindi ka mamatay, hindi pa."

Sabi ko dito at hinawakan ang kamay niya habang siya naman ay mas hinigpitan naman ang hawak ko sakanya. "Lauren, ija. Ilang taon na din akong nilalabanan itong sakit kong to. Napapagod narin ako Ija. Siguro ngayon mas maganda na tanggapin nalang natin."

"No..tita. Gagaling ka, gagaling ka pa. Tita, just promise me. Just promise me na you will continue fighting, at pinapangako ko rin sayo Tita na I'll do everything para lang magkita kayo at masabi mo ang mga gusto at hindi mo nasabi sakanya." Pakisaup ko sakanya.

"Hay ang pamangkin ko talaga."

"Promise me Tita."

"Okay, I promise."

--

Actually this story is based on the song "terrible things' by mayday parade, halata naman sa title palang diba? Hahaha. Pero yun nga. J

•terrible things•Where stories live. Discover now