Chapter 2

209 7 0
                                    




       

Hindi rin naman nagtagal ang barkada sa bahay. Halos dalawang oras ay umuwi narin sila sa kanya-kanya nilang bahay.

Sa totoo lang ang dalawang oras na iyon ay halos isa ng milagro, dahil ng matapos kami ng kolehiyo ay bihira nalang din kaming nagkakasama-sama dahil nga mas priority na naming ang sari-sarili naming career.

"Takte naman. May nangangain ba ng suklay dito sa bahay?"

Inis ko naman na binuksan ang drawer. "Sa wakas." Ngiting sabi ko at kinuha na ang suklay. Pero pagkakuha ko naman nito ay may napasama pang papel.

"In a room full of art, I'd still stare at you. In this universe full of imperfection, I'll still love you perfectly."

7 years ago

"Mila, ayos ka lang? Eh kung hindi pa ini-implement ang k-12 baka teacher mo na iyan eh! Tiyaka ni hindi ka na nga niya maalala kung sino ka eh!" Giit naman ni Mikee.

Humarap nalang ako sakanya at inirapan siya. "Then let's thank Pnoy na nag implement siya ng kto12 at dahil doon hindi ko pa siya teacher."

"Jusko naman dai! You're just basically a grade 12 student. 19 year old kid! And siya? Graduating student na siya dai. I think 24 or 25 na nga ata iyan eh."

"Psh! Ano naman? At least diba parehas kaming graduating student?"

"Saan mo ba talaga hinuhugot iyang positivity mo ah? Ibang klase eh." Angal nanaman niya. "Pero ewan ko nalang pagnalaman ni Tita Rhian iyan? Ewan ko nalang."

Hindi naman ako nakapagsalita pa sinabi niya.

Dahil talaga nga namang ewan ko nalang kapag nalaman ni Mommy. Dahil unang una hindi pa naman ako out sakanila. Paano ko sasabihin na ang maganda niyang anak ay maganda rin ang hanap? Para bang every time nalang na gusto kong sabihin ko sakanya nauunahan ako ng kaba and pooff lahat nawawala na, ni hindi na ako makapagisip kung paano too gay to function charot.

"Ayaan mo nalang yun. Pproblemahin ko nalang kapag alam na niya. Tiyaka imposible naman na magkagusto siya saakin pabalik. Kuntento na ako dito, na gusto ko siya, at habang ako naman parang imposible niyang magustuhan. Okay na saakin yung nakikita kong napapangiti ko siya sa every letter na binibigay ko.. parang pambawi nalang din sa nagawa niya saakin nun." Sagot ko dito at bumalik nalang ang tingin ko nanaman sakanya.

Ilang sandali lang ay nakita ko ng sinara niya ang locker niya at naglakad palayo. Habang ako naman ay tinulak si Mikee at naglakad ng mabilis papalapit sa locker niya, pilit ko rin naman isiniksik papasok ang papel na hawak ko sa loob ng locker niya.

"In a room full of art, I'd still stare at you. In this universe full of imperfection, I'll still love you perfectly."

Pagkatapos nun ay tumakbo na kami papalabas ng building ng college of ed. Mahirap na baka mahuli nanaman kami. Halos araw-araw iyon na ang ginagawa namin. Pakiramdam ko nga mas kabisado ko pa ang schedule niya kaysa sakanya mismo eh.

"Mila naman eh! Napakadelikado naman iyang gusto mong mangyari. Naka-uniform kaya tayo! Kapag nahuli tayo ng dean, patay tayo niyan."

"Kaya nga magiingat tayo diba, sandali lang naman."

Wala naman na silang nagawa at sinunod na ang plano ko. Ilang sandali lang ay ginawa na nga nila ito at kinausap si Lauren. Habang ako naman ay inilagay ko sa bag niya regalo ko para sa birthday niya at sulat.

'you inspire me, like the stars do to a dreamer."

"Ma'am! Ma'am!

Halos mapabalikwas naman ako ng gising ng may biglang kumalampag sa pintuan ko at nagsisigaw. "Sandali!" Sigaw ko pabalik.

Nagmadali naman ako na magayos ng sarili at binuksan ang pinto. "Ate Jen? Ano po ba iyon?" Kunot noong tanong ko dito.

"Eh mayroon po kasing babaeng nagpupumilit pumasok! Anak po daw siya ni Ma'am ni Rhian."

Napahilamos nalang ako ng mukha ko sa sinabi niya.

Ano nanaman ang ginagawa niya dito? Wala na ba siyang ibang alam kundi manggulo ng buhay? At ano? Ipipilit nanaman niya kapatid ko siya at anak siya ng nanay ko.

Pagkababa ko ay agad ko nga siya nakita na nagpupumiglas sa security. "Bitawan niyo ako!" Sigaw niya pa.

"Lauren." Tawag ko sa pangalan nito.

Sabay naman silang napatingin saakin. Ang security at siya.

"Ma'am pasensya na po—"

"Sige ayaan niyo siya." Sabi ko nalang dito at agad din naman siya binitawan ng guard. "Follow me." Sabi ko dito at nauna na pumunta ng kitchen.

"Kumain ka na ba?"

Tanong ko ng hindi tumitingin sakanya.

"Yeah. Ang gusto ko lang malaman is she getting better? Mom?"

"Can you please don't call her mom?"

"Is she getting better?"

Humarap naman na ako sakanya at nilapag ang dalawang baso ng kape. "Sana. Pero ganon parin."

Para naman siyang nanlumo sa narinig niya. "Tell me. Kung kapatid nga kita, bakit ni hindi ka man lang nagpakita saamin? How old are you? 27? 28? Bakit sa lahat ng pagkakataon, ngayon mo pa naisip iyan? Dahil ba nabalitaan mo na naaksidente ang Nanay ko? At hinihiling mo na sana mamatay na siya, para may makuha kang ma—"

Bago ko pa man matapos ang sinasabi ko ay bigla na niya akong sinampal. "Ang kapal ng mukha mo."

I chuckled at hindi pinansin ang ginawa niya. "Tell me, magkano ba ang kailangan mo ah? 100 thousand? 1 million? Name your price ng matahimik ka lang."

Sandali naman akong lumabas ng kusina para kunin ang cheque book at ballpen, agad ko rin naman ito pinirmahan at pinilas. "Ilagay mo nalang ang amount na gusto mo at wag ka ng babalik dito."

Kinuha naman niya ito at agad na pinunit. "Hindi ko kailangan ng pera mo."

Sabi niya at binato pabalik saakin ang papel.





___


Please do leave a comment demanding ba hahah kahit ano nakaktuwa lang kasi magbasa ng ganon :)) goodnight

•terrible things•Where stories live. Discover now